Bong Revilla Surrenders, Mugshot Courtesy of Sara Abend https://www.flickr.com/photos/saraabend/ Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14465763324/ License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode |
Sumuko si Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. sa Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga kaugnay ng graft and plunder charges na naisampa laban sa kanya at ng iba pang mga nasa listahan ni Janet Lim-Napoles kaugnay ng Pork Barrel Scam.
Napakalayo ng nilakbay ni Revilla para sumuko, kung saan sumikat siya bilang action star bago siya pumasok sa pulitika.
Sen. Bong Revilla Jr., habang palabas ng Sandiganbayan at patungo na sa Camp Crame.| @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/AnTwBoNisY
— Johnson Manabat (@johnsonmanabat) June 20, 2014
Noong Biyernes, ang mga taga suporta ni Revilla sa Cavite ay naghain ng misa at ipinagdasal ang senador bago siya sumuko.
Dumalaw naman si Revilla kasama ang kanyang pamilya sa St. Michael's Parish sa Bacoor bago dumiretso sa Sandiganbayan.
Sinabi ni Revilla na nagdesisyon siyang sumuko sa anti-graft court para hindi na madamay pa ang kanyang pamilya sa ugong ng isyu pagkatapos naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga.
Si Revilla at tatlo pang senador na nasa oposisyon ang nadawit sa P10 billion pork barrel scam na sinasabing mastermind si Janet Lim-Napoles. Si Revilla ay inakusahang tumanggap ng P242 million mula sa Priority Development Assistance Funds o PDAF.
Itinanggi umano ni Revilla ang mga paratang at sinabing hindi niya kailangang magnakaw sa pondo ng bayan.
0 comments:
Post a Comment