Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Dionisia Pacquiao. Show all posts
Showing posts with label Dionisia Pacquiao. Show all posts

Monday, August 25, 2014

Lyca Gairanod Meets Mommy D And Sings 'Wrecking Ball' Together

Si Dionisia Pacquiao, ang ina ng Filipino Boxing Icon na si Manny Pacquiao at ang 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod ay kumanta ng 'Wrecking Ball' sa KCC Mall sa General Santos City.



Kasama rin ni Lyca ang iba pang 'The Voice Kids' talents na sina Darren Espanto, Darlene Vibares at Juan Karlos Labajo.

Lyca Gairanod and Mommy D Sings Wrecking Ball
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14852835907/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinamahan ni Mommy D si Lyca sa entablado para i-voice out ang kanyang suporta sa batang dating nangangalakal sa Tanza, Cavite.

Wednesday, August 6, 2014

Mommy D Or Dionisia Pacquiao Opens Up About Boyfriend Michael

Ang 65 na taong gulang na ina ng Filipino boxing icon at Saranggani Rep. Manny Pacquiao ay kinumpirmang mayroon siyang boyfriend noong Miyerkules.



Si Dionisia Pacquiao, o mas kilala sa pangalang Mommy D sa showbiz ay tumangging ibigay ang mga detalye tungkol sa kanyang boyfriend pero sinabi naman niya ang first name nito bilang si Michael.

Mommy D confirms having boyfriend
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14661490480/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Mommy D na nagkakilala sila ni Michael sa isang sing-along birthday party.

Saad ni Mommy D na hindi niya sineseryoso si Michael at malayong siya ay maging pangalawa niyang asawa dahil si Michael ay may planong magtrabaho abroad at si Mommy D naman ay sobrang busy sa kanyang trabaho.

Ipinaliwanag ni Mommy D na kailangan muna niyang makilala ng mabuti si Michael kung siya nga ba ay karapat-dapat na maging lifetime partner niya.

Monday, July 28, 2014

Mommy Dionisia Pacquiao Steals Spotlight On SONA Red Carpet

Si Dionisia 'Mommy D' Pacquiao ay pinagkaguluhan sa red carpet sa House of Representatives bago ang taunang State Of The Nation Address ni Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III.

Mommy Dionisia Pacquiao at the 5th State of the Nation Address Red Carpet
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14765816404/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang anak ni Aling Dionisia na si Rep. Emmanuel 'Manny' Pacquiao ay dumating kasama ang kanyang asawang si Jinkee pagkaraan ng ilang minuto.

Sinabi ni Mommy D sa mga reporters noong Lunes na first time daw niya talagang magpunta sa Batasang Pambansa para dumalo ng SONA at siya ay masayang masaya.

Ang 65 taong gulang na ina ng Filipino boxing icon na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay nakasuot ng puting terno at apple green na floral details na dinisenyo ni Gin Villamayor.

Si Mommy D ay masayang nag-posed para sa mga cameraman at malugod na nagpaunlak ng mga interviews.

Maliban kay Mommy D, ilang celebrities din ang naglakad sa SONA red carpet katulad nila Assunta de Rossi, Alfred Vargas, Heart Evangelista at ang mag-asawang Richard at Lucy Gomez.