Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Fourth Pagotan. Show all posts
Showing posts with label Fourth Pagotan. Show all posts

Sunday, July 20, 2014

Fourth Pagotan, 11th Housemate Evicted From Pinoy Big Brother House (PBB All In)

Ang 'Brad Bait ng Pasay' na si Fourth Pagotan ay na-evict sa Pinoy Big Brother house.



Sa live eviction night ng reality show noong Linggo, pang-labing-isa si Fourth na na-eliminate sa kompetisyon pagkatapos niyang makakuha lamang ng 15.62% na boto galing sa mga viewer's.

Fourth Pagotan With Mom After Evicted From PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14701455274/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Bago lumabas ng PBB house si Fourth, nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang kakambal na si Fifth. Sinabi niyang bilib na bilib siya kay Fifth kasi napakatapang ng ipinakita niya sa loob ng PBB house.

Nang tinanong kung anong klaseng Fourth ang nagbabalik sa outside world, sinabi niyang, mas malakas at mas open na Fourth ang lumabas ng bahay ni Kuya.

Sinabi rin ni Fourth na marami siyang natutunan habang nasa loob ng bahay ni Kuya.

Siya ay sinalubong ng kanyang ina paglabas niya ng PBB house.

Friday, July 18, 2014

Fourth Pagotan Cries Over Twin Brother Fifth Pagotan's Bisexual Confession

Ang Pinoy Big Brother housemate na si Fourth Pagotan ay sumumpa na susuportahan niya ang kanyang kambal na kapatid na si Fifth Pagotan pagkatapos nitong umamin tungkol sa kanyang pagkatao.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Biyernes, ang bente dos anyos na si Fourth ay naging emosyonal habang siya ay umaamin kay Big Brother sa mga nararamdaman niya tungkol sa pag-amin ni Fifth na siya ay isang bisexual.

Sinabi ni Fourth na alam na niya ang tungkol sa pagkataong ito ni Fifth noong high school pa lamang sila.

Fourth Pagotan Cries in PBB over Fifth's bisexual confession
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14687402422/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Saad niya na hindi direktang sinabi ito ni Fifth sa kanya, kundi nalaman niya lang ng aksidente.

Diin ni Fourth na wala siyang pakialam kahit ano pa man ang gusto ng kanyang kakambal at nasa likod lang siya para suportahan ito kung saan siya masaya.

Sumagot si Fourth na tanggap na niya ang kanyang kapatid ng tanungin siya ni Big Brother tungkol dito pero hindi niya napigilang mapaluha ng sabihin niya ang kanyang mga ikinatatakot na maaaring mangyari paglabas nila ng PBB house.

Friday, July 4, 2014

Vickie Rushton Expressed Something Is Missing In Her Relationship With Jason Abalos (PBB All In)

Nararamdaman ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na parang may kulang sa relasyon nila ng aktor na si Jason Abalos.

Vickie Rushton Talks To Fourth Solomon
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14568631634/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ito ni Vickie sa episode ng PBB All in noong Huwebes habang kausap niya ang fellow housemate na si Fourth Pagotan.

Sinabi rin ni Vickie na hindi siya close sa pamilya ni Jason.

Saad din ni Vickie na hindi niya alam kung magiimprove ba o lalo lang lumala ang kanilang relasyon ni Jason paglabas niya ng PBB house.

Si Vickie naman sa kasalukuyan ay tinutukso sa fellow housemate na si Daniel Matsunaga.