Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Superstar. Show all posts
Showing posts with label Superstar. Show all posts

Friday, August 29, 2014

Lyca Gairanod Imitates Nora Aunor In 'Nathaniel' Teaser

Inirelease ng ABS-CBN noong Huwebes ang unang teaser ng bago nitong primetime series na 'Nathaniel' sa trade concert for advertisers ng naturang network na 'Kapamilya: All Out' na ginanap sa kanilang studio sa Quezon City.



Makikita sa preview ang 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod kasama ang isang bagong child actor ng ABS-CBN na gumanap bilang si Nathaniel.

Lyca On Nathaniel
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15072675191/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang scene sa naturang preview ang talagang nakakatawa kung saan nagpakilala si Lyca kay Nathaniel sa paraang paggaya kay 'Superstar' Nora Aunor sa isang scene ng pelikulang 'Minsa'y Isang Gamu-Gamo'.

Ang iba pang cast na kasama sa Nathaniel ay sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Benjie Paras, Pokwang, Jairus Aquino, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jason Gainza at ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan.

Wednesday, August 27, 2014

Nora Aunor Reacts To Lyca Gairanod As 'Little Superstar'

Ang batikang artistang si Nora Aunor ay isinaad ang kanyang suporta sa 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod na naikukumpara sa kanya dahil sa kanyang angking talento at pagsisimula.



Sinabi ng 'Superstar' noong Miyerkules pagkatapos niyang matanggap ang Gawad Plaridel Award sa University of the Philippines Film Center sa Quezon City na dapat daw tulungan natin ang mga katulad ni Lyca dahil kapag nagtagal, sila rin ang magtuturo sa mga kabataang susunod sa kanila.

Nora Aunor At UP Film Center
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15058893612/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Lyca ay naikukumpara kay Nora dahil sa kanyang pagiging singing champion at parehas na pagsisimula sa showbiz kaya siya ay binansagang 'Little Superstar'.