Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Jane Oineza. Show all posts
Showing posts with label Jane Oineza. Show all posts

Tuesday, September 2, 2014

Jane Oineza And Jeron Teng Go Out On A Date

Paglipas ng mahigit na isang linggo pagkatapos ng kanyang stint sa Pinoy Big Brother, si Jane Oineza ay nagkaroon ng oras para sa kanyang napapabalitang manliligaw na si Jeron Teng.


Sa kanilang mga Instagram accounts, si Jane at Jeron ay nag-share ng kanilang mga picture sa kanilang supposed date.

Jane Oineza and Jeron Teng on a Date
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14936752060/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang date na ito ay katuparan sa isang typical date na inaasam ng basketball star na napabalita ng dating nanliligaw kay Jane bago pa man pumasok sa PBB house ang aktres.

Sa interview ni Jeron sa The Buzz noong Linggo, sinabi niyang nageenjoy siyang kausap at kasama si Jane. Isinaad din niya ang kanyang buong suporta sa dating PBB housemate.

Thursday, August 7, 2014

Jane Oineza And Vickie Rushton Evicted From Pinoy Big Brother: All In

Na-evict sa Pinoy Big Brother: All In ang mga housemates na sina Jane Oineza at Vickie Rushton pagkatapos ng kanilang weekly task.



Sa episode ng reality show noong Miyerkules, kinausap ni Big Brother ang mga natirang housemates sa loob ng PBB house at sinabing tatlo na lamang ang matitira sa loob ng bahay dahil ang dalawang pinakamabagal na nakatapos ng weekly task ang ma-eevict.

PBB Housemates In Confession Room As Vickie and Jane Were Evicted
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14827637136/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Inanunsiyo ng TV host na si Toni Gonzaga ang tatlong maiiwan na housemates na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio at Maris Racal at sinabihang bumalik agad sa loob ng bahay.

Sina Vickie Rushton at Jane Oineza na sa tingin ng tatlong natirang housemates ay na-evict na, ay sasamahan sina Daniel Matsunaga at Manolo Pedrosa sa secret room at hihintayin ang final votes na manggagaling sa mga manonood.

Friday, July 25, 2014

Jane Oineza Visited By Rumored Suitor Jeron Teng On Her 18th Birthday (PBB All In)

Ang Green Archer na si Jeron Teng ay bumisita sa Pinoy Big Brother house para umattend ng 18th birthday celebration ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa episode ng reality show noong Biyernes.



Ang college basketball star na nababalitang nanliligaw kay Jane bago pa man nagumpisa ang reality show, ang pinakahuling surpresang bisita na inihanda ng show para sa aktres.

Jane Oineza and Jeron Teng in PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14722895276/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dalawa ay saglit na sumayaw bago sila umupo at nag-usap. Sila ay talagang gula't na gula't sa isa't isa.

Ilan sa mga bisitang dumalo sa kaarawan ni Jane ay ang kanyang mga magulang, dating housemates na sina Axel Torres at Nichole Baranda at si Kiray.

Samantala, ang teen housemate na nalilink kay Jane na si Joshua Garcia ay tahimik sa buong oras na nasa loob ng PBB house si Jeron.

Nang tinanong siya kung siya ba ay nagseselos, sinabi niyang hindi naman daw siya nanliligaw, pero umamin din siyang nagseselos siya ng kaunti sa bandang huli dahil mukhang nakalimutan na siya ng aktres magmula ng dumating si Jeron.

Wednesday, July 23, 2014

Jane Oineza Called 'Touchy Queen' By Joshua Garcia, Tension Escalated

Ang aktres na si Jane Oineza ay na-offend sa 'Touchy Queen' remark ng kapwa Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia sa episode ng reality show noong Miyerkules.



Nasabi ito ni Joshua nang mapansin niyang parang masyadong 'touchy' si Jane kay Manolo Pedrosa habang tinuturuan niya ito ng dance steps para sa nalalapit na concert.

Jane Oineza and Joshua Garcia
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14727776601/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkarinig ni Jane sa remark ni Joshua, nag-walked out ito at iniiwasan niyang makipagusap sa kanya hanggang sa pilit ng lumapit si Joshua kay Jane para maayos ang lahat.

Pero lalo lang nainis si Jane dahil porke't naging malapit sila ay hindi ibig sabihing mababa na ang respeto niya sa kanya.

Sa nakaraang episodes, nagpahiwatig si Joshua na may gusto siya kay Jane, pero kaibigan lamang ang turing ng dating 'Goin' Bulilit' mainstay sa kanya.

Sa sumunod na araw, si Jane ay dumidistansiya kay Joshua, kahit na niyakap na siya ni Joshua at pilit hinahawakan ang kamay. Sumagot ng 'hindi' si Jane ng tinanong ni Joshua kung naiirita ba siya sa kanya pero malamig pa rin ang pakikitungo ni Jane sa kanya.

Hanggang kailan kaya magiging malamig si Jane kay Joshua ngayong malapit na ang nalalapit na 18th birthday celebration ni Jane.

Saturday, July 12, 2014

Jane Oineza And Loisa Andalio Saved From Pinoy Big Brother 8th Eviction

Ang teen housemates na si Loisa Andalio at Jane Oineza ay ligtas sa eviction ng Pinoy Big Brother noong Sabado.

Loisa Andalio and Jane Oineza Saved From 8th Eviction
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14636784081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Jane ay nakatanggap ng 49.44% sa kabuuang boto galing sa home viewers at si Loisa naman ay nakatanggap ng 31.59%.

Sina Manolo Pedrosa, Cheridel Alejandrino at Daniel Matsunaga ay maghihintay hanggang linggo para sa kumpletong resulta. Sila ay naging nominado para sa eviction kasama si Loisa at Jane ng matalo sila sa kanilang mga challenges.

Sa tatlo, na-reveal na ang isa sa kanila ay nakatanggap lamang ng 1.23% ng kabuuang boto at siya ang lalabas ng PBB house.

Pero bago nagtapos ang episode, nagbigay si Kuya ng bagong twist sa kompetisyon. Ipinaliwanag niya na bibigyan niya ng dalawang powers ang ma-eevict na housemate, isang power kung saan kaya niyang iligtas ang isang housemate sa nomination at isang power din para maidagdag ang isang housemate for eviction.



Monday, July 7, 2014

Daniel Matsunaga, Jane Oineza And Cheridel Alejandrino Up For Eviction On 'PBB All In'

Ang mga housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza at ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay nominado para sa eviction ng reality show na Pinoy Big Brother: All In para sa linggong ito.

Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Cheridel Alejandrino
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14407914070/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang tatlo ay nominado ng matalo sila sa special nomination challenges na ibinigay ni Big Brother.

Para sa special challenges, ang sampung housemates ay na-divide sa pares. Si Cheridel laban kay Maris Racal, si Loisa Andalio laban kay Vickie Rushton at Manolo Pedrosa laban kay Fourth Solomon. Ang ka-compete ni Daniel ay si Joshua Garcia at si Jane naman ay si Fifth Solomon.

Dalawang housemates pa ang kailangan para makumpleto ang set ng nominees para sa linggong ito.

READ THE SPECIAL CHALLENGE MECHANICS BELOW:


Tuesday, July 1, 2014

Jane Oineza And Loisa Andalio Have Heart-To-Heart Talk In Pinoy Big Brother

Ang bagong policy na naisatupad sa loob ng Pinoy Big Brother house ay ginawang mapalapit sina Jane Oineza at Loisa Andalio sa isa't-isa.

Loisa Andalio And Jane Oineza on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14363778588/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ito ay pagkatapos nang ang dalawa ay nagkaroon ng maliit na hindi pagkakaintindihan tungkol sa isyung 'attitude problem' ni Jane at sa pagiging malapit na rin niya kay Joshua Garcia, kung saan naging malapit din kay Loisa dati.

Ang bagong rule na naisatupad ay dapat mas maraming oras na magkakasalamuha ang mga teen housemates, gayundin ang mga older housemates.

Dahil sa policy na ito, si Jane at Loisa ay nagkaroon ng oras na magusap ng masinsinan at makilala ang isa't-isa habang nasa sala.

Nagpasalamat si Loisa at Jane sa pagkakataong ito dahil halos dalawang buwan na ang lumipas noong pumasok sila sa PBB house at ngayon lang sila naging malapit sa isa't isa.

Bilang pruweba na wala ng isyu tungkol sa kanilang  dalawa, nagbigay pa ng payo si Loisa kay Jane kung paano niya pakikitunguhan si Joshua.



Monday, June 30, 2014

Boy Abunda Said 'Kung Wala Si Jane, There Is No Story!', On 'The Buzz'

'Kung wala si Jane, there is no story.' Yan ang matatapang na salita na binitawan ni Boy Abunda ng magsalita siya tungkol sa sinasabing 'attitude problem' ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house.

Boy Abunda and Kris Aquino on The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14354771609/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng 'The Buzz' noong Linggo, kasama nila Boy Abunda, Kris Aquino at Toni Gonzaga ang mga na-evict na PBB housemates na sina Aina Solano, Jayme Jalandoni at Michele Gumabao kung saan pinagusapan nila kung bakit hindi gusto ng ilang housemates si Jane.

Ang theory ni Abunda ay malamang na ang ibang housemates ay nag-eexpect na si Jane ay maging katulad nila.

Idiniin din ni Abunda na ang PBB ay hindi kumbento kung saan ang mga mabubuting tao lang ang puwedeng tumira sa loob.

Sa mga sinabing ito ni Abunda, ipinaliwanag niya na nirerespeto pa rin naman niya ang opinyon ng mga ibang housemates tungkol kay Jane.



Saturday, June 28, 2014

Michele Gumabao Said Housemates Think Jane Oineza Is Fake

Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Michele Gumabao ay ipinaliwanag noong Biyernes kung bakit kinaaayawan ng lahat ng housemates si Jane Oineza sa loob ng PBB house.

Michele Gumabao on Aquino & Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14522823471/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa live interview ng champion volleyball player sa 'Aquino & Abunda Tonight', ipinaliwanag niya na ang young actress ay may tendency na gumawa ng mga bagay na di naaayon o kasalungat ng mga sinasabi nya, kung saan napapasama siya, dahil sa tingin ng mga tao, siya ay isang fake na tao dahil sa aksiyon niyang ito.




Wednesday, June 25, 2014

Jayme Jalandoni Turns Emotional Over Jane Oineza In Aquino & Abunda Tonight


Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Jayme Jalandoni ay naging emosyonal pagkatapos nilang pagusapan sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight ang tungkol sa celebrity housemate na si Jane Oineza na naging puntirya ng mga kritisismo dahil sa kanyang mga aksiyon sa loob ng PBB house.


Jayme Jalandoni In Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14487260376/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong Miyerkules sa Aquino & Abunda Tonight, tinanong ni Boy Abunda si Jayme kung ayaw niya si Jane. Sumagot si Jayme ng hindi kung saan nagtanong agad si Kris Aquino kung gusto niya si Jane. Sumagot si Jayme ng mahal daw niya si Jane sa ibang paraan.

Naging emosyonal ang bente tres anyos na nurse habang siya ay nagpapaliwanag at kinekwento ang tungkol sa pagkacounsel niya kasama ang mga mas matandang housemates kay Jane.




Tuesday, June 24, 2014

Jane Oineza, Emotional When She Says Sorry To Kathryn Bernardo In 'Pinoy Big Brother: All In'



Naging emosyonal ang Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Jane Oineza ng harapin niya ang dating co-star na si Kathryn Bernardo tungkol sa pagkakaroon niya ng duda kung nagpa-cosmetic surgery ba ang Got To Believe star, kung saan nag-apologize naman siya.

Sa episode ng reality show noong Martes, ipinanood ni Kuya kay Jane ang video ng nakaraang usapan nila ng teen housemates tungkol kay Kathryn.

Sa video clip, sumagot si Jane ng No Comment ng tanungin siya ni Loisa Andalio kung totoo bang nagpaopera si Kathryn.

Nang tanungin ni Big Brother kung ano ang ibig sabihin ng sagot ni Jane, ipinaliwanag niya na hindi siya sigurado kung totoo bang nagpaopera si Kathryn.

Ipinaalam ni Kuya kay Jane na alam ni Kathryn ang pinagusapan nila ng mga teen housemates.

Si Kathryn Bernardo naman na bumisita sa PBB house ay tinawag ni Kuya sa confession room para maayos ang lahat kay Jane.

Naging emosyonal si Jane habang nag-sosorry siya kay Kathryn.

Nagbigay ng payo si Kathryn kung saan sinabi niyang dapat mag-ingat si Jane sa mga sagot niya dahil maaaring mamisinterpret ito ng mga tao.

Pagkatapos tanggapin ni Kathryn ang apology ni Jane, nagbiro pa siya na sana pinahawak niya sa mga housemates ang kanyang mukha kung mayroon ba talagang naretoke.




Wednesday, June 18, 2014

Alex Gonzaga Explains Why Jane Oineza Is Disliked By PBB Housemates

Alex Gonzaga on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14448615134/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dating Pinoy Big Brother celebrity house guest na si Alex Gonzaga ay nagpaliwanag sa naturang diumanoy hindi pagkakagusto ng mga housemates kay Jane Oineza, at ng love triangle na namuo sa pagitan nila Jane Oineza, Joshua Garcia at Loisa Andalio.

Sa panayam ng Aquino & Abunda Tonight, ipinaliwanag ni Alex na hirap si Jane sumabay sa dalawang age groups dahil sa kanyang ugali na parang matanda na. Ang mga teen housemates ay nagtataka bakit si Jane ay kilos matanda na at ang mga adult housemates naman ay ganun din.