Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Maris Racal. Show all posts
Showing posts with label Maris Racal. Show all posts

Tuesday, August 19, 2014

Maris Racal's Parents Got Married Inside Pinoy Big Brother House Officiated By Herbert Bautista

Ang Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house para ikasal ang mga magulang ng housemate na si Maris Racal, na kamakailan lamang ay naging emosyonal sa naturang distansiya sa pagitan ng kanyang ama at ina.



Sa episode ng reality show noong Martes, sinabihan ni Big Brother ang mga housemates na mag-ayos dahil sila ay mag-aattend ng kasal. Hindi alam ni Maris na ang kanyang pangarap na makita ang ama at ina na ikasal ay matutupad na.

Maris Racal's Parents Got Married Inside PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14972847081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Na shocked si Maris ng makita niya ang kanyang mga kapatid na umattend sa seremonya sa activity area at nagkaroon na siya ng idea kung ano ang talagang magaganap. Maya maya pa, ang ama ni Maris na si Henry ay lumabas at sumunod naman ang kanyang ina na si Leony na naglakad patungong altar.

Nang silang dalawa ay nasa altar na, tinawag ni Big Brother si Mayor Herbert para umpisahan na ang naturang seremonya.

Monday, August 18, 2014

Loisa Andalio's Dad Asks For Forgiveness In 'Pinoy Big Brother: All In'

Ang dalawang pinakabatang housemates sa 'Pinoy Big Brother All In' na sina Loisa Andalio at Maris Racal ay nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo kasama ang kanilang mga ama para mapagusapan at maklaro ang ilang concerns tungkol sa kanilang mga pamilya.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Lunes, sina Loisa at Maris ay kinailangang matapos muna ang isang task sa activity area para makita ang kanilang mga ama at magkaroon ng pagkakataon na malaman ang kasagutan sa tanong na matagal na nilang gustong itanong.

Loisa Andalio With Father In PBB
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14964289822/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Loisa ang unang sumalubong sa kanyang amang si Leo at direktang tinanong kung mahal pa ba ng kanyang ama ang kanyang ina. Sagot ni Leo na mahal pa niya ang ina Loisa pero nagkaproblema sila dahil sa age gap. Ang pinakamatinding rason ayon kay Leo ay dahil sa kanyang insecurity tungkol sa di pagkakaroon ng trabaho at di maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Inamin ni Leo na hindi niya nagawan ng tamang paraan ang sitwasyon na iyon at sinabi kay Loisa na ayaw niyang mangyari sa kanya ang sinapit ng kanilang pamilya pagdating ng araw na siya ay magkakapamilya na rin.

Humingi ng tawad si Leo sa anak na si Loisa at humingi rin ng tawad si Loisa sa ama dahil sa pagsagot ng walang respeto at pagsabi ng mga masasakit na salita sa ama.

Bago umalis ng PBB house si Leo, binigyan niya si Loisa ng necklace na may cross bilang pendant at sinabing huwag niyang kalimutang laging magdasal sa Diyos.

Thursday, June 19, 2014

Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates

Paulo Avelino and Bea Alonzo Inside the PBB House
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14270573587/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagkaroon ng bihirang pagkakataon ang mga Pinoy Big Brother housemates na umarte kasama si Bea Alonzo at Paulo Avelino ng bumisita ang dalawang batikang artista sa famous yellow house.

Sa episode ng PBB na ipinalabas noong Martes, dismayado ang mga housemates ng unang pumasok sina Bea at Paulo kung saan sila ay nakatigil dahil sa weekly task nilang Tigil-Galaw.

Pero sadyang mabait si Kuya at pinapasok niya uli sina Bea at Paulo upang makisalamuha sa mga housemates.

Sa episode ng PBB Uber na ipinalabas noong Miyerkules, makikitang umarte sina Bea at Paulo kasama ang mga housemates gamit ang mga dialogue sa mga nakaraan nilang proyekto.

Ang mga lalaking housemates ay umarte sa harap ni Bea at gumanap bilang character ni Paulo sa seryeng 'Walang Hanggan', habang ang mga babaeng housemates naman ay gumanap bilang 'Basha', ang role na ginanapan ni Bea sa pelikulang 'One More Chance' habang si Paulo naman ang gumanap sa role ni John Lloyd Cruz.

Pinili ni Paulo at Bea sina Daniel Matsunaga at Maris Racal bilang mga nagwagi at tumanggap sila ng tig-isang box ng chocolate bilang gantimpala.




Wednesday, June 11, 2014

Daniel Matsunaga, Maris Racal And Vickie Rushton Saved From Eviction On PBB: All In

Daniel Matsunaga, Maris Racal and Vickie Rushton winning the 2nd All out Challenge in PBB All In
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14216594630/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Tatlong housemates ang naidagdag na safe sa eviction ngayong linggo matapos silang manalo sa pangalawang 'All Out Challenge' sa episode ng Pinoy Big Brother: All In na ipinalabas nitong Miyerkules.

Ang Team 2 and A Half na kinabibilangan ni celebrity house guest Daniel Matsunaga, Maris Racal at Vickie Rushton ay sinigurado ang pag stay nila ng isa pang linggo sa loob ng bahay ni Kuya.

Ang Team 2 and A Half ay napabilang kay teen housemate Nichole Baranda at Alex Gonzaga sa mga safe sa eviction nitong weekend. Si Nichole ang nanalo ng unang 'All Out Challenge' noong Martes samantalang si Alex naman ay naghihintay namang lumabas ng bahay.