Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Cheridel Alejandrino. Show all posts
Showing posts with label Cheridel Alejandrino. Show all posts

Monday, July 14, 2014

Kris Aquino Freaked Out By 'Elevator Girl' Cheridel Alejandrino

Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Cheridel Alejandrino o mas kilala bilang 'Elevator Girl' ay napatawa ng matindi ang host na si Kris Aquino sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.



Si Cheridel ay nag-guest sa show para liwanagin ang mga ilang isyu ng siya ay namalagi sa PBB house.

Cheridel Alejandrino on Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14677892833/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa pagtatapos ng episode, hindi napigilan ni Kris na humalakhak habang siya ay nagkokomento tungkol sa mga mannerism's ni Cheridel, lalo na ang paggalaw ng kanyang mga kilay, kung saan sinabi ni Kris na siya ay na-pi-freak out.

Sunday, July 13, 2014

Cheridel Alejandrino, 10th Housemate Eliminated In Pinoy Big Brother: All In

Ang Elevator Nanay ng Olongapo na si Cheridel Alejandrino ay na-evict sa Pinoy Big Brother house.

Cheridel Alejandrino on PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14665665003/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Cheridel ang pang-sampung housemate na na-eliminate sa kompetisyon noong Linggo sa live eviction night ng reality show, kung saan siya ay nakakuha lamang ng 1.23% na boto mula sa mga manonood.

Si Cheridel ang pinaka-latest na pumasok sa Big Brother House at siya ay nagtagal lamang ng ilang linggo sa loob.

Ang ex-housemate ay sinalubong ng kanyang asawa at anak sa kanyang paglabas ng bahay ni Kuya.

Bilang parte ng special challenge na ibinigay ni Kuya, nabigyan si Cheridel ng dalawang special powers, ang isa ay para makapagnominate ng isang housemate at ang isa ay para makapagligtas ng isang housemate.

Pinili ni Cheridel na iligtas si Manolo Pedrosa sa nominasyon at binigyan naman niya ng automatic nomination si Fifth pagotan.

Monday, July 7, 2014

Daniel Matsunaga, Jane Oineza And Cheridel Alejandrino Up For Eviction On 'PBB All In'

Ang mga housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza at ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay nominado para sa eviction ng reality show na Pinoy Big Brother: All In para sa linggong ito.

Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Cheridel Alejandrino
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14407914070/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang tatlo ay nominado ng matalo sila sa special nomination challenges na ibinigay ni Big Brother.

Para sa special challenges, ang sampung housemates ay na-divide sa pares. Si Cheridel laban kay Maris Racal, si Loisa Andalio laban kay Vickie Rushton at Manolo Pedrosa laban kay Fourth Solomon. Ang ka-compete ni Daniel ay si Joshua Garcia at si Jane naman ay si Fifth Solomon.

Dalawang housemates pa ang kailangan para makumpleto ang set ng nominees para sa linggong ito.

READ THE SPECIAL CHALLENGE MECHANICS BELOW:


Friday, July 4, 2014

'Elevator Girl', Cheridel Alejandrino In Tears As Son, Kyle Visits Pinoy Big Brother House

Si Cheridel Alejandrino, o mas popular sa pangalang 'Elevator Girl', ay napaluha ng makita niya ang kanyang anak sa episode ng Pinoy Big Brother noong Biyernes.

Cheridel Alejandrino Cries As She Sees Son Kyle Inside PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14389780077/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang sumikat na dating elevator girl dahil sa isang video niya na naging viral, ay di makapagsalita ng maayos ng makita niya ang kanyang anak sa loob ng PBB house.

Si Cheridel ay sumali sa reality show noong June 14 at pinalitan niya ang celebrity house guest na si Alex Gonzaga.

Sina Daniel Matsunaga, Loisa Andalio, Manolo Pedrosa at Vickie Rushton ay nabigyan ng task na mag-bisikleta ng katulad na distansiya mula PBB house hanggang Olongapo, kung saan galing si Cheridel.

Natapos ng grupo ang task pagkatapos ng limang episodes sa show.

Sa katapusan ng episode, sinamahan ni Cheridel ang kanyang anak pabalik sa confession room para magpaalam.



Sunday, June 29, 2014

Daniel Matsunaga Kisses Vickie Rushton On 'Pinoy Big Brother' (PBB All In)

Ang Pinoy Big Brother All In celebrity housemate na si Daniel Matsunaga ay hinalikan ang kapwa housemate na si Vickie Rushton sa noo sa isang episode ng reality show na naipalabas sa linggong ito.

Daniel Matsunaga Kisses Vickie Rushton on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14354048347/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa naturang episode, ang house guest na si Cheridel Alejandrino o mas kilala bilang 'Elevator Girl' ay nakipagpustahan kay Daniel Matsunaga na kaya niyang kunin ang bola habang naglalaro sila ng soccer sa loob ng isang minuto.

Nang nanalo si Cheridel sa laro, ayaw halikan ni Daniel si Cheridel. Hinabol ng Elevator Girl ang Brazilian-Japanese model kung saan tumakbo naman ito papunta kay Vickie Rushton, kung saan hinalikan ni Daniel si Vickie sa noo.

Ang mga housemates ay biglang nagtititili sa kilig dahil sa kanilang nasaksihan. Makikita rin sa mga nakaraang episodes na tinutukso rin ng mga housemates ang dalawa at pinangalanan pang 'ViNiel' ang kanilang love team.



Wednesday, June 18, 2014

Elevator Girl, Cheridel Alejandrino Charms 'Pinoy Big Brother' On Her First Day

Elevator Girl Cheridel Alejandrino On PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14470300953/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay napasaya ang mga housemates sa unang araw niya sa Pinoy Big Brother noong Martes.

Si Cheridel ay sumikat ng maging viral ang video niya bilang elevator girl. Sa unang araw niya ay binigyan siya agad ni kuya ng task.

Bago siya payagang makapunta sa living room, sinabihan ni Kuya na kailangan niyang makilala ang bawat isa sa mga housemates habang ina-assists niya sila sa sarili niyang elevator.

Talagang nakakatuwa itong si elevator girl dahil sa isang scene ay nagkamali siya sa tawag sa confession room kung saan tinawag niya itong, consperence room, conference room, convention room at confintion room.