Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Loisa Andalio. Show all posts
Showing posts with label Loisa Andalio. Show all posts

Saturday, August 23, 2014

Loisa Andalio Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Talented Darling ng Paranaque' na si Loisa Andalio ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Sabado.



Si Loisa ang pang-labing-limang housemate na na-eliminate sa kompetisyon.

Loisa Evicted From PBB House
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15015043815/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa linggong ito, ang mga manonood ay nabigyan ng pagkakataon para bumoto at mamili ng kanilang i-e-evict o ililigtas na housemate.

Pagkatapos ma-tally ang lahat ng boto, si Loisa ay nakakuha lamang ng 0.99% ng viewer's votes.

Si Loisa ay sinalubong ng kanyang ina sa paglabas niya sa PBB house.

Monday, August 18, 2014

Loisa Andalio's Dad Asks For Forgiveness In 'Pinoy Big Brother: All In'

Ang dalawang pinakabatang housemates sa 'Pinoy Big Brother All In' na sina Loisa Andalio at Maris Racal ay nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo kasama ang kanilang mga ama para mapagusapan at maklaro ang ilang concerns tungkol sa kanilang mga pamilya.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Lunes, sina Loisa at Maris ay kinailangang matapos muna ang isang task sa activity area para makita ang kanilang mga ama at magkaroon ng pagkakataon na malaman ang kasagutan sa tanong na matagal na nilang gustong itanong.

Loisa Andalio With Father In PBB
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14964289822/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Loisa ang unang sumalubong sa kanyang amang si Leo at direktang tinanong kung mahal pa ba ng kanyang ama ang kanyang ina. Sagot ni Leo na mahal pa niya ang ina Loisa pero nagkaproblema sila dahil sa age gap. Ang pinakamatinding rason ayon kay Leo ay dahil sa kanyang insecurity tungkol sa di pagkakaroon ng trabaho at di maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Inamin ni Leo na hindi niya nagawan ng tamang paraan ang sitwasyon na iyon at sinabi kay Loisa na ayaw niyang mangyari sa kanya ang sinapit ng kanilang pamilya pagdating ng araw na siya ay magkakapamilya na rin.

Humingi ng tawad si Leo sa anak na si Loisa at humingi rin ng tawad si Loisa sa ama dahil sa pagsagot ng walang respeto at pagsabi ng mga masasakit na salita sa ama.

Bago umalis ng PBB house si Leo, binigyan niya si Loisa ng necklace na may cross bilang pendant at sinabing huwag niyang kalimutang laging magdasal sa Diyos.

Saturday, July 19, 2014

Fifth Pagotan And Loisa Andalio Saved From Eviction (PBB All In)

Si Fifth Pagotan, kung saan umaming siya ay isang bisexual at ang teen housemate na si Loisa Andalio ay ligtas sa eviction ng Pinoy Big Brother: All in sa linggong ito.



Si Loisa ay naging ligtas ng makatanggap siya ng 43.58% na boto galing sa mga home viewers at si Fifth naman ay ligtas pagkatapos lumamang lamang ng dalawang porsiyento.

Fifth Pagotan And Loisa Andalio Waiting For Eviction Announcement
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14510159507/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga ibang nominees for eviction na sina Vickie Rushton at Fourth Pagotan ay maghihintay pa para sa kumpletong resulta nitong Linggo.

Ang isa sa dalawang nominado ay lalabas ng bahay ni Kuya pagkatapos makatanggap ng 16 percent ng kabuuang boto.

Saturday, July 12, 2014

Jane Oineza And Loisa Andalio Saved From Pinoy Big Brother 8th Eviction

Ang teen housemates na si Loisa Andalio at Jane Oineza ay ligtas sa eviction ng Pinoy Big Brother noong Sabado.

Loisa Andalio and Jane Oineza Saved From 8th Eviction
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14636784081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Jane ay nakatanggap ng 49.44% sa kabuuang boto galing sa home viewers at si Loisa naman ay nakatanggap ng 31.59%.

Sina Manolo Pedrosa, Cheridel Alejandrino at Daniel Matsunaga ay maghihintay hanggang linggo para sa kumpletong resulta. Sila ay naging nominado para sa eviction kasama si Loisa at Jane ng matalo sila sa kanilang mga challenges.

Sa tatlo, na-reveal na ang isa sa kanila ay nakatanggap lamang ng 1.23% ng kabuuang boto at siya ang lalabas ng PBB house.

Pero bago nagtapos ang episode, nagbigay si Kuya ng bagong twist sa kompetisyon. Ipinaliwanag niya na bibigyan niya ng dalawang powers ang ma-eevict na housemate, isang power kung saan kaya niyang iligtas ang isang housemate sa nomination at isang power din para maidagdag ang isang housemate for eviction.



Friday, July 4, 2014

'Elevator Girl', Cheridel Alejandrino In Tears As Son, Kyle Visits Pinoy Big Brother House

Si Cheridel Alejandrino, o mas popular sa pangalang 'Elevator Girl', ay napaluha ng makita niya ang kanyang anak sa episode ng Pinoy Big Brother noong Biyernes.

Cheridel Alejandrino Cries As She Sees Son Kyle Inside PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14389780077/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang sumikat na dating elevator girl dahil sa isang video niya na naging viral, ay di makapagsalita ng maayos ng makita niya ang kanyang anak sa loob ng PBB house.

Si Cheridel ay sumali sa reality show noong June 14 at pinalitan niya ang celebrity house guest na si Alex Gonzaga.

Sina Daniel Matsunaga, Loisa Andalio, Manolo Pedrosa at Vickie Rushton ay nabigyan ng task na mag-bisikleta ng katulad na distansiya mula PBB house hanggang Olongapo, kung saan galing si Cheridel.

Natapos ng grupo ang task pagkatapos ng limang episodes sa show.

Sa katapusan ng episode, sinamahan ni Cheridel ang kanyang anak pabalik sa confession room para magpaalam.



Tuesday, July 1, 2014

Jane Oineza And Loisa Andalio Have Heart-To-Heart Talk In Pinoy Big Brother

Ang bagong policy na naisatupad sa loob ng Pinoy Big Brother house ay ginawang mapalapit sina Jane Oineza at Loisa Andalio sa isa't-isa.

Loisa Andalio And Jane Oineza on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14363778588/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ito ay pagkatapos nang ang dalawa ay nagkaroon ng maliit na hindi pagkakaintindihan tungkol sa isyung 'attitude problem' ni Jane at sa pagiging malapit na rin niya kay Joshua Garcia, kung saan naging malapit din kay Loisa dati.

Ang bagong rule na naisatupad ay dapat mas maraming oras na magkakasalamuha ang mga teen housemates, gayundin ang mga older housemates.

Dahil sa policy na ito, si Jane at Loisa ay nagkaroon ng oras na magusap ng masinsinan at makilala ang isa't-isa habang nasa sala.

Nagpasalamat si Loisa at Jane sa pagkakataong ito dahil halos dalawang buwan na ang lumipas noong pumasok sila sa PBB house at ngayon lang sila naging malapit sa isa't isa.

Bilang pruweba na wala ng isyu tungkol sa kanilang  dalawa, nagbigay pa ng payo si Loisa kay Jane kung paano niya pakikitunguhan si Joshua.



Sunday, June 22, 2014

Daniel Padilla Surprises 'Pinoy Big Brother' Housemate Loisa Andalio (PBB All In)

Daniel Padilla Surprises Loisa In PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14483420991/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga fans nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay excited na makita ang kanilang mga idolo sa pagbisita sa Pinoy Big Brother house.

Noong Linggo, naging trending ang hashtag na #KathNielPBBAllIn sa Twitter pagkatapos maipalabas ang teaser kung saan nakitang nagbigay ng bulaklak si Daniel sa self confessed KathNiel fan na si PBB housemate Loisa Andalio.

Sa mga nakaraang interview, nasabi ni Kathryn na isa siyang fan ng PBB at pangarap niyang makapasok sa bahay ni kuya kasama ang leading man niyang si Daniel.