Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Herbert Bautista. Show all posts
Showing posts with label Herbert Bautista. Show all posts

Tuesday, August 19, 2014

Maris Racal's Parents Got Married Inside Pinoy Big Brother House Officiated By Herbert Bautista

Ang Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house para ikasal ang mga magulang ng housemate na si Maris Racal, na kamakailan lamang ay naging emosyonal sa naturang distansiya sa pagitan ng kanyang ama at ina.



Sa episode ng reality show noong Martes, sinabihan ni Big Brother ang mga housemates na mag-ayos dahil sila ay mag-aattend ng kasal. Hindi alam ni Maris na ang kanyang pangarap na makita ang ama at ina na ikasal ay matutupad na.

Maris Racal's Parents Got Married Inside PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14972847081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Na shocked si Maris ng makita niya ang kanyang mga kapatid na umattend sa seremonya sa activity area at nagkaroon na siya ng idea kung ano ang talagang magaganap. Maya maya pa, ang ama ni Maris na si Henry ay lumabas at sumunod naman ang kanyang ina na si Leony na naglakad patungong altar.

Nang silang dalawa ay nasa altar na, tinawag ni Big Brother si Mayor Herbert para umpisahan na ang naturang seremonya.

Tuesday, August 12, 2014

Herbert Bautista Grilled By Kris Aquino On 'Aquino & Abunda Tonight'

Sinabi ni Kris Aquino na hindi daw niya akalaing mangyayari ang pagiging guest at pagharap niya sa dating karelasyon na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.



Absent si Boy Abunda sa episode noong Lunes kaya one on one si Kris at Bistek sa show, kung saan inihaw ni Kris si Herbert tungkol sa insidenteng pagsampal ni Herbert sa nahuling Chinese drug dealer.

Herbert Bautista on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14899070781/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpaumanhin muli si Herbert sa publiko dahil sa naturang insidente at sinabing hindi daw siya talaga nananakit ng tao physically by nature.

Si Kris naman ay halatang ibinabalik ang kanilang past love affair at sumisingit at talagang iniihaw si Herbert.

Bago pa man maging awkward ang naturang interview, nagsignal si Kris ng commercial break para mabigyan si Herbert ng oras na makapagpahinga.

Patungo sa pagtatapos ng show, nagpasalamat si Herbert kay Kris at binigyan siya nito ng oportunidad para maklaro ang naturang pananampal niya sa drug dealer, kung saan nagparinig na naman si Kris at sinabing, hindi nananakit si Herbert physically kundi damdamin lang.

Saturday, August 9, 2014

Herbert Bautista Slaps Arrested Chinese Drug Dealer

Karamihan ng tao ay maaalala si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang mga comedy roles, pero nitong Biyernes ipinakita ni Herbert ang kanyang pagiging 'tough guy' side pagkatapos niyang sampalin ang isang Chinese National na nahuli sa isang anti-drug operation ng hindi ito sinagot ang katanungan ni Bistek.



Nagtungo ang mayor sa Philcoa area kung saan nahuli ng mga pulis ang Chinese na nakilala sa kanyang driver's license na si Xu Zhen Zhi.

Herbert Bautista Slaps Drug Dealer
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14871045604/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nakumpiska ng nga pulis ang sampung bag ng shabu na nagkakahalaga ng P15 million.

Ayon naman sa Commission on Human Rights, ang ginawa umano ng mayor ay isang paglabag ng human rights.

Kwinestiyon din ni Bistek ang driver's license ng naturang suspek kung bakit siya nakakuha nito kung hindi talaga siya nakakaintindi ng Ingles o Filipino.