Thursday, June 19, 2014
Home »
Bea Alonzo
,
Daniel Matsunaga
,
Entertainment
,
Maris Racal
,
Paulo Avelino
,
PBB: All In
,
Pinoy Big Brother: All In
» Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates
Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates
Nagkaroon ng bihirang pagkakataon ang mga Pinoy Big Brother housemates na umarte kasama si Bea Alonzo at Paulo Avelino ng bumisita ang dalawang batikang artista sa famous yellow house.
Sa episode ng PBB na ipinalabas noong Martes, dismayado ang mga housemates ng unang pumasok sina Bea at Paulo kung saan sila ay nakatigil dahil sa weekly task nilang Tigil-Galaw.
Pero sadyang mabait si Kuya at pinapasok niya uli sina Bea at Paulo upang makisalamuha sa mga housemates.
Sa episode ng PBB Uber na ipinalabas noong Miyerkules, makikitang umarte sina Bea at Paulo kasama ang mga housemates gamit ang mga dialogue sa mga nakaraan nilang proyekto.
Ang mga lalaking housemates ay umarte sa harap ni Bea at gumanap bilang character ni Paulo sa seryeng 'Walang Hanggan', habang ang mga babaeng housemates naman ay gumanap bilang 'Basha', ang role na ginanapan ni Bea sa pelikulang 'One More Chance' habang si Paulo naman ang gumanap sa role ni John Lloyd Cruz.
Pinili ni Paulo at Bea sina Daniel Matsunaga at Maris Racal bilang mga nagwagi at tumanggap sila ng tig-isang box ng chocolate bilang gantimpala.
Related Posts:
Daniel Matsunaga, Maris Racal And Vickie Rushton Saved From Eviction On PBB: All In Daniel Matsunaga, Maris Racal and Vickie Rushton winning the 2nd All out Challenge in PBB All InCourtesy of Sara Abendhttps://www.flickr.com/photos/saraabend/Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/1421… Read More
Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates Paulo Avelino and Bea Alonzo Inside the PBB HouseCourtesy of Dane Aleganahttps://www.flickr.com/photos/danealegana/Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14270573587/License: https://creativecommons.… Read More
Loisa Andalio's Dad Asks For Forgiveness In 'Pinoy Big Brother: All In'Ang dalawang pinakabatang housemates sa 'Pinoy Big Brother All In' na sina Loisa Andalio at Maris Racal ay nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo kasama ang kanilang mga ama para mapagusapan at maklaro ang ilang concerns tungko… Read More
Maris Racal's Parents Got Married Inside Pinoy Big Brother House Officiated By Herbert BautistaAng Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house para ikasal ang mga magulang ng housemate na si Maris Racal, na kamakailan lamang ay naging emosyonal sa naturang distansiya sa pag… Read More
0 comments:
Post a Comment