Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label FHM Sexiest Women In The Philippines. Show all posts
Showing posts with label FHM Sexiest Women In The Philippines. Show all posts

Thursday, July 10, 2014

Beauty Gonzalez Surprises Everyone With Magnificent Transformation At FHM's Sexiest Party

Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Beauty Gonzalez ay ginulat ang mga fans ng rumampa siya sa entablado noong Miyerkules ng gabi sa FHM's 100 Sexiest Women Party.

Beauty Gonzalez FHM Party
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14438540559/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Namangha talaga ang mga manonood sa malaking pagbabago ni Beauty, kung saan ipinakita niya ang kanyang mas slim na figure sa suot niyang black bikini.

Si Beauty ay nakilala noong 2008 sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus bilang isang chubby na 17 year old na galing Dumaguete at pang apat siya sa mga kalahok ng nagtapos ang reality show.

Sa ngayon, kabilang si Beauty sa series ng ABS-CBN na Moon of Desire.



Aubrey Miles Survives Wardrobe Malfunction At FHM's 100 Sexiest Party

Ang sexy actress na si Aubrey Miles ay rumampa sa entablado noong Miyerkules ng gabi para sa FHM's 100 Sexiest Women in the Philippines party.

Aubrey Miles at 2014 FHM Sexiest Party
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14437298828/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Aubrey ay naka-orange na bikini at naka-underbust corset sa naturang event na idinaos sa punong punong World Trade Center sa Pasay City.

Pero nagkaroon ng maliit na problema ang kanyang pagrampa ng kailanganin niyang i-adjust ang kanyang lower garment ng ilang ulit dahil sa wardrobe malfunction.

Hindi ipinahalata ni Aubrey ang problema sa kanyang outfit pero mayroong part sa kanyang pagrampa na mas maraming parte ng kanyang balat ang naexposed dahil sa naturang problema.



Alice Dixson, No Signs Of Aging As She Drew Loud Cheers At FHM's 100 Sexiest Women Party

Dumagundong ang World Trade Center sa hiyawan ng lumabas at naglakad sa entablado ang dating Dyesebel star na si Alice Dixson sa FHM's 100 Sexiest Women party noong Miyerkules.

Alice Dixson on 2014 FHM's Top 100 Sexiest Women Party
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14639372953/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Alice, na naging cover na ng men's magazine noong December 2013, ay pang pito sa Sexiest list na inilabas nitong buwan, kung saan nakakuha siya ng mahigit 13 million votes.

Rumampa si Alice sa entablado ng halos dalawang minuto na nakasuot ng pink bra at thong na may pangharang na dress.

Nakisalamuha pa siya sa mga fans at nagposed para makuhanan ng pictures. Sa di inaasahang waldrobe malfunction, lumuwang ang kanyang bra kung saan hawak niya ito hanggang sa natapos ang kanyang pagrampa.



Wednesday, July 9, 2014

Marian Rivera Sizzles And Thrills Audience At FHM's 100 Sexiest Party

Pinangunahan ng aktres na si Marian Rivera ang pagcecelebrate sa party ng 100 Sexiest Women in the Philippines ng men's magazine na FHM.

Marian Rivera at 2014 FHM's 100 Sexiest Women In The Philippines Party
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14431366778/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Si Marian ay nakasuot ng pulang Native American inspired outfit sa entablado kung saan naghiyawan ang mga tao sa punong punong World Trade Center sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi.

Ang bente nuwebe anyos na aktres ang naging No. 1 Sexiest Woman nang umani siya ng 13 million votes. Ang mga iba pang nakapasok sa Top 10 ay sina Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Alice Dixson, Ellen Adarna, Anne Curtis at Jinri Park pero hindi lahat ng napabilang sa Top 10 ay naka-attend ng party.

Isa sa mga paborito ng mga manonood ay si Alice Dixson, kung saan siya ay magiging 45 na nitong July 28. Rumampa siya sa entablado suot ang isang revealing na pink dress.

Ang mga iba pang celebrities na nakita sa party ay sina Aubrey Miles, Rochelle Pangilinan, Rufa Mae Quinto, Roxanne Barcelo, Bangs Garcia, Ehra Madrigal at ang grupong Mocha Girls.




Friday, June 27, 2014

Rochelle Pangilinan, Former SexBomb Girl, Almost Nude On Cover Of FHM's July 2014 Issue

Ang dating SexBomb Girls member na si Rochelle Pangilinan ay nagpost ng halos hubot hubad sa cover ng FHM sa July 2014 issue ng naturang magazine.

Rochelle Pangilinan
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14337797797/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng dancer-actress na ang ginawa niyang latest shoot para sa FHM ang pinakamatapang niyang ginawa sa buong career niya dahil ito ang unang pagkakataon na nagposed siya ng solo para sa naturang magazine. Si Rochelle ay lumabas na sa FHM noong 2002 at 2004 kasama ang kanyang grupong SexBomb Girls.

Itong latest issue ng FHM ay kasama ang 'Sexiest Women in the Philippines' special kung saan ang Top 5 sa listahan ay sina Marian Rivera, Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Cristine Reyes.


Rochelle Pangilinan on the July 2014 cover of FHM. Photo from the official website of FHM


Marian Rivera Tops FHM's Sexiest Women In The Philippines 2014

Inihayag ng men's magazine na FHM noong Biyernes ang resulta ng kanilang taunang 'Sexiest Women in the Philippines' poll kung saan mahigit kumulang 13 million na boto ang dumating.

Marian Rivera at FHM Sexiest Party
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14496160266/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang number one sa listahan sa pangatlong pagkakataon ay si Marian Rivera na nakakalap ng 1.5 million na boto.

Nagpasalamat ang bente nuwebe anyos na aktres sa mga bumoto sa kanya sa pamamagitan ng Instagram pagkatapos ng anunsiyo.

Pumapangalawa naman sa listahan si Sam Pinto na nakakalap ng 1.4 million votes. Si Sam ay suki na rin ng FHM's Sexiest list magmula pa noong 2011 kung saan siya ay nangunguna o pumapangalawa sa listahan.

Ang pangatlo sa listahan ay si Angel Locsin na nakakalap ng 1 million votes. Pang-apat naman si Jennylyn Mercado na may 980,000 votes at panglima si Cristine Reyes na may 850,000 votes.

Ang buong listahan ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2014 ay lalabas kasama ng July 2014 issue ng magazine.