Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label She's Dating The Gangster. Show all posts
Showing posts with label She's Dating The Gangster. Show all posts

Thursday, August 7, 2014

Sandara Park With Daniel Padilla And Kathryn Bernardo, And Star Circle Quest Alums

Ang Korean pop star na si Sandara Park ay nasa Pilipinas muli para magbakasyon pagkatapos ng kanyang concert kasama ang grupo niyang 2NE1 tatlong buwan na ang nakakaraan.


Ang dating aktres ng ABS-CBN ay nag-share ng kanyang mga litrato sa Instagram noong Huwebes kung saan makikita ang kanyang mga outing sa Tagaytay at Manila kasama ang kanyang mga Star Circle Quest finalists.

Sandara Park with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14670309218/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpunta rin ang 'Pambansang Krung-krung' sa victory party ng She's Dating The Gangster na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sinabi ni Daniel at Kathryn na sila ay nasorpresa dahil personal na lumapit si Sandara para i-congratulate sila.

Friday, July 4, 2014

She's Dating The Gangster Starring Daniel Padilla And Kathryn Bernardo Released It's Full Trailer

Nareleased na ang full trailer ng 'She's Dating The Gangster' na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

She's Dating The Gangster
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14571556755/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang trailer ay nagpremiere noong Huwebes sa primetime block ng ABS-CBN at mas marami ang ipinakitang scenes sa present day characters na ginanapan nina Daniel at Kathryn kumpara sa teaser.



Saturday, June 28, 2014

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo's New Movie 'She's Dating The Gangster' Trailer Released

Ang unang trailer ng movie adaptation ng Star Cinema mula sa best selling book na 'She's Dating The Gangster' ay nareleased na.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo on She's Dating The Gangster
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14527566125/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa 90 minute na teaser ng movie, ang 17 year old na si Athena, na ginanapan ni Kathryn Bernardo, ay nakipag-deal sa heaththrob na si Kenji, na ginanapan naman ni Daniel Padilla, para magpanggap na kanyang girlfriend upang mapagselos ang kanyang ex-girlfriend.

Ang pelikula ay nakaset sa timeline noong 90's ayon na rin sa popular na nobela ni Bianca Bernardino, kung saan makikita sa trailer ang malalaking gadgets at fashion choices ng mga karakter.

Makikita rin sa trailer na dalawa ang role nila Kathryn at Daniel kung saan ang isa sa kanilang karakter ay nakaset naman sa present time.

Ang 'She's Dating The Gangster' ay maipapalabas simula July 16 at ito ang pangatlong pagsasama ng rumored couple sa pelikula.

Ang direktor ng pelikula ay si Cathy Garcia-Molina na nakatrabaho na rin ni Daniel at Kathryn sa kanilang TV series na 'Got To Believe'.