Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Joshua Garcia. Show all posts
Showing posts with label Joshua Garcia. Show all posts

Sunday, August 17, 2014

Joshua Garcia Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Tatay's Boy ng Batangas' na si Joshua Garcia ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Linggo.

Si Joshua ang pang-labing-apat na housemate na na-eliminate sa kompetisyon.



Sa linggong ito, ang mga manonood ay nabigyan ng option para magboto ng housemate na gusto nilang ma-evict o mailigtas.

Joshua Garcia Evicted
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14930779746/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos makumpleto ang mga boto, si Joshua ay nakakuha ng 34.57%, samantalang ang ibang nominated housemates na sina Jane Oineza ay nakakuha ng 24.75% at Daniel Matsunaga ay nakakuha ng 9.82%.

Nagpasalamat si Joshua sa mga kapwa housemates at kay Big Brother bago siya lumabas ng PBB house at siya ay sinalubong ng kanyang ama sa labas ng bahay ni kuya.

Wednesday, July 23, 2014

Jane Oineza Called 'Touchy Queen' By Joshua Garcia, Tension Escalated

Ang aktres na si Jane Oineza ay na-offend sa 'Touchy Queen' remark ng kapwa Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia sa episode ng reality show noong Miyerkules.



Nasabi ito ni Joshua nang mapansin niyang parang masyadong 'touchy' si Jane kay Manolo Pedrosa habang tinuturuan niya ito ng dance steps para sa nalalapit na concert.

Jane Oineza and Joshua Garcia
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14727776601/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkarinig ni Jane sa remark ni Joshua, nag-walked out ito at iniiwasan niyang makipagusap sa kanya hanggang sa pilit ng lumapit si Joshua kay Jane para maayos ang lahat.

Pero lalo lang nainis si Jane dahil porke't naging malapit sila ay hindi ibig sabihing mababa na ang respeto niya sa kanya.

Sa nakaraang episodes, nagpahiwatig si Joshua na may gusto siya kay Jane, pero kaibigan lamang ang turing ng dating 'Goin' Bulilit' mainstay sa kanya.

Sa sumunod na araw, si Jane ay dumidistansiya kay Joshua, kahit na niyakap na siya ni Joshua at pilit hinahawakan ang kamay. Sumagot ng 'hindi' si Jane ng tinanong ni Joshua kung naiirita ba siya sa kanya pero malamig pa rin ang pakikitungo ni Jane sa kanya.

Hanggang kailan kaya magiging malamig si Jane kay Joshua ngayong malapit na ang nalalapit na 18th birthday celebration ni Jane.

Wednesday, June 18, 2014

Dad Geo Garcia Visits Frozen Joshua Garcia On Pinoy Big Brother

Dad Visits Joshua Garcia on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14268702348/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang ama ng Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia ay di mapigilan ang kanyang luha ng payagan siyang bisitahin ang kanyang anak pagkatapos ng dalawang buwang hindi pagkikita.

Si Geo Garcia and ama ng labinganim na taong gulang na teen housemate, ay bumisita sa bahay ni Kuya para magbigay ng advice tungkol sa love triangle na namamagitan sa kanyang anak at ng mga teen housemates na sina Jane Oineza at Loisa Andalio.

Pinangaralan din ni Geo ang anak tungkol sa mga delikadong kahihinatnan ng pagkahumaling kaagad agad sa pagibig habang si Joshua at ang mga mga housemates ay nakatigil dahil sa weekly task nila.

Habang ang mag-ama ay nagiging emosyonal sa kanilang moment, ilang mga housemates din ang naging emosyonal, katulad ni Jane at Loisa, at mas lalo na si Nichole Baranda na hindi talaga maitago ang mga hikbi.

Ito ang pangalawang pagkakataon na binisita ng magulang si Joshua, kung saan ang unang bumisita sa kanya noong nakaraang buwan ay ang kanyang ina na si Fe na hindi na niya nakita magmula ng siya ay limang taong gulang.