Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label The Buzz. Show all posts
Showing posts with label The Buzz. Show all posts

Monday, September 8, 2014

Boy Abunda Cries On 'The Buzz' As He Speaks Up About His Medical Condition

Ang television host na si Boy Abunda ay sinabi ang kanyang totoong kalagayan sa kanyang exclusive interview sa 'The Buzz' noong Linggo.



Sinabi ni Boy na siya ay naospital dahil sa mataas niyang lagnat at grabeng panghihina hanggang sa madiskubre ng mga doktor na siya ay may abscess sa kanyang liver.

Boy Abunda Interview On The Buzz
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14997797689/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Boy na siya ay takot na takot sa dinaanan niya at nagdasal siya sa Diyos na huwag muna siyang mamatay dahil inaalala niya ang kanyang ina na may sakit na mild dementia.

Na-discharge si Boy sa ospital nang tuluyan ng matanggal ang abscess sa kanyang liver at siya ay nagbakasyon para tuluyang makarecover.

Sunday, August 24, 2014

Kris Aquino Does 'ALS Ice Bucket Challenge' Live On 'The Buzz'

Ang aktres at TV host na si Kris Aquino ang pinakalatest na celebrity na gumawa ng ALS ice bucket challenge. Ginawa niya ito mismo live sa 'The Buzz' noong Linggo.



Sinabi ni Kris na ang aktor na si Derek Ramsay ang nagnominate sa kanya noong Sabado para gawin ang challenge.

Kris Aquino Does ALS Ice Bucket Challenge On The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15027738712/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pero kahit na ginawa ito ni Kris, siya ay late na dahil ang rule ay dapat magawa ito ng nominado sa loob ng 24 oras kaya si Kris ay nagdonate pa rin sa ALS Association ng $100.

Bago ginawa ni Kris ang challenge, kailangan muna niyang mag-nominate ayon sa rule kaya tinawag niya sina Anthony Taberna, 'Kris TV' writer Darla Sauler at ang komedyanteng si Vice Ganda para gawin din ang challenge.

Ang kanyang co-host na si Toni Gonzaga at anak na si James Bimby Yap Jr. ang nag-assist para ibuhos sa kanya ang ice-cold na tubig.

Sunday, July 27, 2014

Daniel Padilla Reacts To Lea Salonga's Comment On 'The Voice Kids'

Sinabi ni Daniel Padilla na hindi siya na-offend sa comment ng Tony Award winner na si Lea Salonga sa 'The Voice Kids' noong Sabado.



Sa interview ni Daniel sa 'The Buzz' noong Linggo, sinabi niyang nirerespeto pa rin niya ang veteran singer.

Daniel Padilla on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14740473046/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang isyu ay nangyari ng nagkomento si Lea sa miyembro ng Team Bamboo na si Juan Karlos Labajo at sinabing kaya niyang talbugan si Daniel pagdating niya sa edad na mayroon si Daniel ngayon.

Saad ni Daniel na hindi naman ito big deal at isyu, nadala lang naman daw si Lea sa naturang kompetisyon.

Samantala, si Lea ay nagpaumanhin na sa mga supporters ni Daniel sa Twitter noong Linggo at sinabing hindi naman niya intensiyon at sinasadya ang naturang komento.

Sunday, July 6, 2014

Sarah Geronimo Thinks Matteo Guidicelli Is Worth Keeping (The Buzz)

Sinabi ni Sarah Geronimo na ang relasyon niya kay Matteo Guidicelli ay 'worth keeping' pagkatapos niyang umamin dalawang linggo na ang nakaraan.

Sarah Geronimo Interview on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14592789565/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin ni Sarah sa exclusive interview niya sa The Buzz noong Linggo na hindi siya papasok sa isang relasyon kung hindi niya ito pinagisipan at pinag-aralan ng matagal.

Nang tanungin si Sarah kung bakit nagustuhan niya si Matteo, sinabi niyang dahil si Matteo daw ay matiyaga.

Inamin ni Sarah ang lahat sa kanila ni Matteo noong nakaraang buwan sa thanksgiving party ng kanyang pelikulang Maybe This Time.



Monday, June 30, 2014

Boy Abunda Said 'Kung Wala Si Jane, There Is No Story!', On 'The Buzz'

'Kung wala si Jane, there is no story.' Yan ang matatapang na salita na binitawan ni Boy Abunda ng magsalita siya tungkol sa sinasabing 'attitude problem' ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house.

Boy Abunda and Kris Aquino on The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14354771609/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng 'The Buzz' noong Linggo, kasama nila Boy Abunda, Kris Aquino at Toni Gonzaga ang mga na-evict na PBB housemates na sina Aina Solano, Jayme Jalandoni at Michele Gumabao kung saan pinagusapan nila kung bakit hindi gusto ng ilang housemates si Jane.

Ang theory ni Abunda ay malamang na ang ibang housemates ay nag-eexpect na si Jane ay maging katulad nila.

Idiniin din ni Abunda na ang PBB ay hindi kumbento kung saan ang mga mabubuting tao lang ang puwedeng tumira sa loob.

Sa mga sinabing ito ni Abunda, ipinaliwanag niya na nirerespeto pa rin naman niya ang opinyon ng mga ibang housemates tungkol kay Jane.



Sunday, June 15, 2014

Melason, Melai Cantiveros And Jason Francisco Brings Baby To 'The Buzz'

Melason shows baby on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14247337337/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang celebrity couple na si Jason Francisco at Melai Cantiveros ay nagpaunlak ng interview sa The Buzz noong Fathers Day, Linggo, kasama ang kanilang dalawang buwan na baby na si Mela.

Ang mag-asawang mas kilala bilang Melason at dating mga housemates sa Pinoy Big Brother ay kababalik lamang sa Maynila galing General Santos City kung saan sila ay nanirahan pagkatapos manganak ni Melai.

Si Melai ay patawang nagkuwento kay host Toni Gonzaga ng kanyang mga naranasan noong siya ay nanganganak at nagpasalamat ng todo sa asawang si Jason dahil sa pagiging napakabuting ama.