Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Jayme Jalandoni. Show all posts
Showing posts with label Jayme Jalandoni. Show all posts

Monday, June 30, 2014

Boy Abunda Said 'Kung Wala Si Jane, There Is No Story!', On 'The Buzz'

'Kung wala si Jane, there is no story.' Yan ang matatapang na salita na binitawan ni Boy Abunda ng magsalita siya tungkol sa sinasabing 'attitude problem' ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house.

Boy Abunda and Kris Aquino on The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14354771609/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng 'The Buzz' noong Linggo, kasama nila Boy Abunda, Kris Aquino at Toni Gonzaga ang mga na-evict na PBB housemates na sina Aina Solano, Jayme Jalandoni at Michele Gumabao kung saan pinagusapan nila kung bakit hindi gusto ng ilang housemates si Jane.

Ang theory ni Abunda ay malamang na ang ibang housemates ay nag-eexpect na si Jane ay maging katulad nila.

Idiniin din ni Abunda na ang PBB ay hindi kumbento kung saan ang mga mabubuting tao lang ang puwedeng tumira sa loob.

Sa mga sinabing ito ni Abunda, ipinaliwanag niya na nirerespeto pa rin naman niya ang opinyon ng mga ibang housemates tungkol kay Jane.



Wednesday, June 25, 2014

Jayme Jalandoni Turns Emotional Over Jane Oineza In Aquino & Abunda Tonight


Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Jayme Jalandoni ay naging emosyonal pagkatapos nilang pagusapan sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight ang tungkol sa celebrity housemate na si Jane Oineza na naging puntirya ng mga kritisismo dahil sa kanyang mga aksiyon sa loob ng PBB house.


Jayme Jalandoni In Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14487260376/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong Miyerkules sa Aquino & Abunda Tonight, tinanong ni Boy Abunda si Jayme kung ayaw niya si Jane. Sumagot si Jayme ng hindi kung saan nagtanong agad si Kris Aquino kung gusto niya si Jane. Sumagot si Jayme ng mahal daw niya si Jane sa ibang paraan.

Naging emosyonal ang bente tres anyos na nurse habang siya ay nagpapaliwanag at kinekwento ang tungkol sa pagkacounsel niya kasama ang mga mas matandang housemates kay Jane.




Monday, June 23, 2014

Jayme Jalandoni And Michele Gumabao Evicted From 'Pinoy Big Brother' (PBB All In)

Jayme Jalandoni and Michelle Gumabao Out Of PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14483744951/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Lumabas na ng Pinoy Big Brother house sina Jayme Jalandoni at Michele Gumabao sa live eviction night ng reality show noong Linggo, kung saan si Jayme at Michelle ang pang-pito at pang-walong housemates na na-eliminate sa kompetisyon.

Sinalubong si Jayme ng kanyang ama sa labas ng PBB house kung saan sinabi niya na excited na siyang kumain ng cheeseburger.

Samantala, si Michele naman ay sinalubong ng kanyang bestfriend at sinabing mamimiss niya ang lahat ng housemates.

Nagpasalamat din si Kuya kay Michele dahil sa pagiging mabait niya at mabuting guide para sa mga teen housemates.