Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Ryan Bang. Show all posts
Showing posts with label Ryan Bang. Show all posts

Saturday, July 5, 2014

Alex Gonzaga Ends Ryan Bang's Hope On It's Showtime (Boom Busted!)

'Boom Busted!' Ito ang mga katagang nasabi ni Ryan Bang ng siya ay diretsahang sinaraduhan ng television host na si Alex Gonzaga sa kanyang puso noong Sabado sa 'It's Showtime'.

Alex Gonzaga And Ryan Bang On It's Showtime
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14599539763/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dalawa ay nagpalitan ng salita sa segment na 'Sine Mo 'To' tungkol sa totoong iskor sa pagitan nilang dalawa, kung saan iginiit ni Alex na gusto lang niyang maging kaibigan si Ryan.

Sinabi rin ni Alex na never niyang pinaasa si Ryan dahil hindi naman daw talaga siya nanligaw. Sumagot naman si Ryan ng tanungin niya si Alex kung puwede siyang manligaw, kung saan napahawak na lang sa mukha si Alex at di nakapagsalita.

Inilahad din ni Ryan na tinanong din niya ang driver ni Alex kung may pagasa siya kung saan sumagot daw ito na ituloy lang daw niya ang panliligaw.

Kung saan tinapos ni Alex na friends lang talaga sila.



Saturday, June 21, 2014

Ryan Bang Has Message For Alex Gonzaga On His Birthday On It's Showtime

Ryan Bang Has Message For Alex Gonzaga On His Birthday
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14286475820/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang komedyanteng si Ryan Bang ay may mensahe sa crush niyang television host at aktres na si Alex Gonzaga,  kung saan sinabi niyang bakit hindi siya nagrereply sa mga text niya.

Nanligaw dati si Ryan sa actress-host pero sinabi ni Alex na ayaw muna daw niyang magkaboyfriend sa time na yon.

Pero ng umalis si Alex sa PBB House, inamin niya na may crush siya kay Fourth Solomon, isang contestant sa Pinoy Big Brother na nakasama niya.

Sa isang recorded message para sa birthday ni Ryan, pinasalamatan at pinuri ni Alex ang mga effort ni Ryan para sa kanya. Sinabi rin ni Gonzaga na kailangang i-birthday treat siya ni Ryan.