Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Jason Abalos. Show all posts
Showing posts with label Jason Abalos. Show all posts

Sunday, August 3, 2014

Jason Abalos Visits Vickie Rushton Inside Pinoy Big Brother House And Clears Things Up

Ang aktor na si Jason Abalos ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house noong Sabado para bisitahin ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton upang ayusin ang mga ilang bagay sa kanilang relasyon.



Humingi kaagad ng paumanhin si Jason kay Vickie pagkapasok niya ng PBB house. Sinabi niyang nasasaktan siya dahil hindi niya alam kung anong nasa isipan ni Vickie o kung ano man ang nangyayari sa kanya.

Jason Visits Vickie Inside PBB house
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14629675057/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos nilang mag-usap, sinabi ni Vickie na siya ay na-relieved.

Humarap din si Jason sa mga housemates at nagpasalamat siya sa pagpapahalaga nila kay Vickie.

Nakipag-usap din si Daniel Matsunaga kay Jason para ipaliwanag na walang namamagitan sa kanila ni Vickie. Saad ni Daniel na kailangan niyang magpaliwanag dahil hindi siya sigurado kung ano ang nakikita ng mga manonood sa pagitan nila ni Vickie.

Nagpasalamat naman si Jason kay Daniel at nadagdagan pa ang kanyang respeto sa Brazilian Japanese model dahil sa pakikipag-usap niya tungkol sa naturang isyu kay Vickie.

Thursday, July 24, 2014

Jason Abalos Hurt On Vickie Rushton's Revelations

Sinabi ni Jason Abalos na siya ay nasaktan ng malaman niya ang mga isyu tungkol sa kanilang relasyon ni Vickie Rushton na nanggaling mismo sa Pinoy Big Brother housemate.



Inamin din ni Jason na umiyak siya ng napanood niya ang mga confession ni Vickie. Sinabi rin niyang hindi siya aware sa mga pagkukulang niya sa kanilang relasyon.

Jason Abalos interview Separados press con
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14759385153/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Unang nag-open si Vickie tungkol sa mga isyu ng kanyang relasyon kay Jason sa episode ng PBB noong June 26. Sinabi niyang disappointed siya sa decreasing efforts ni Jason para maging special ang kanilang relasyon.

Sinabi ni Jason na hindi siya gaanong concerned sa mga issues na iyon noong una pero siya ay biglang nabahala at parang seryoso na ng nai-open muli ito ni Vickie sa mga nakaraang episodes ng reality show.

Tungkol naman sa panunukso ng mga housemates kay Vickie at Daniel, hindi daw nagseselos si Jason. Nakikita naman daw niyang wala talagang nangyayari sa kanila at mataas ang respeto niya kay Daniel dahil napapanood naman daw niya na marunong dumistansiya at rumespeto ang Brazilian Japanese model sa mga taong nasa isang relasyon na.

Friday, July 4, 2014

Vickie Rushton Expressed Something Is Missing In Her Relationship With Jason Abalos (PBB All In)

Nararamdaman ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na parang may kulang sa relasyon nila ng aktor na si Jason Abalos.

Vickie Rushton Talks To Fourth Solomon
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14568631634/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ito ni Vickie sa episode ng PBB All in noong Huwebes habang kausap niya ang fellow housemate na si Fourth Pagotan.

Sinabi rin ni Vickie na hindi siya close sa pamilya ni Jason.

Saad din ni Vickie na hindi niya alam kung magiimprove ba o lalo lang lumala ang kanilang relasyon ni Jason paglabas niya ng PBB house.

Si Vickie naman sa kasalukuyan ay tinutukso sa fellow housemate na si Daniel Matsunaga.



Friday, June 27, 2014

Vickie Rushton Disappointed With Boyfriend Jason Abalos (PBB All In)

Sinabi ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na disappointed siya sa decreasing effort ng kanyang boyfriend na si Jason Abalos para maging espesyal ang kanilang relasyon.

Vickie Rushton mingling with other PBB Housemates
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14522185744/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng reality show noong Huwebes, naglabas ng hinanakit si Vickie na tila nababawasan ang effort ni Jason na sorpresahin siya kahit na ito pa man ay espesyal na okasyon.

Si Jason ay bumisita kamakailan sa PBB house ng tawagin siya ni Kuya para iabot kay Vickie ang sulat ng ama pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkausap ng masinsinan.




Friday, June 20, 2014

Vickie Rushton Breaks Down Over Estranged Dad, Eric's Surprise Visit

Vickie Ruston's dad surprise visit
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14279489719/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Napaluha ng todo ang Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton ng sorpresang bumisita ang kanyang amang si Eric kung saan iniwan sila ng kanyang ina ng walang paliwanag noong siya ay nasa Grade 2.

Ang emosyonal na reunion ay naipalabas sa episode ng reality show noong June 19 kung saan dumalaw din ang boyfriend ni Vickie na si Jason Abalos na nag-abot ng labingwalong pahinang sulat mula sa kanyang ama na hindi niya nabasa ilang taon na ang nakalipas.

Sa mga naunang episodes, nasabi ni Vickie na umuwi siya galing eskwelahan isang araw at hindi na niya nadatnan doon ang ama. Inamin niyang galit na galit siya kung bakit hindi sinabi ng ama ang dahilan ng pagalis nito.

Nung siya ay nasa 4th year college, sinabi ni Vickie na nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama kung saan nakasaad daw ang rason kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang. Pero sa takot niyang mabahiran ng hindi kanais nais ang kanyang mga magagandang alaala, binasa lang ni Vickie ang mga unang pahina ng sulat at nagdesisyon na babasahin niya lahat kung siya ay handa na.

Nangyari ang magkahiwalay na pagbisita ni Eric at Jason habang nasa weekly task ang mga housemates, kung saan sila ay di maaaring gumalaw kapag sinabi ni Kuya na tigil, at mayroon lamang silang tatlong chances for errors sa buong linggo.

Si Vickie ang unang nagkamit ng error ng yakapin niya si Jason ng maiabot nito ang sulat ni Eric. Sa confession room, naging emosyonal si Jason tungkol sa pagkakawalay ni Vickie sa kanyang ama, kung saan sinabi niyang pasanin ito ni Vickie sa buong buhay niya.

Nang si Eric na ang lumapit kay Vickie, tumulo ng todo ang kanyang mga luha pero pinilit niyang manatiling nakatigil para hindi na siya magkamit pa ng error para sa weekly task. Niyakap ni Eric at hinalikan ang kanyang anak ng ilang beses para maipadama niya ang kanyang pagmamahal kahit na nawalay siya ng matagal na panahon.

Inamin ni Eric kay Big Brother na siya ay nagsisising nawalay kay Vickie, pero saad niyang siya ay masaya dahil lumaking maganda at disente ang anak niya.

Sa pagtapos ng episode, hindi pa nakapagdesisyon si Vickie kung bubuksan niyang muli ang sulat ng ama.