Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Gilas Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Gilas Pilipinas. Show all posts

Thursday, September 4, 2014

Gilas Pilipinas Finally Gets A Win Against Senegal, 81-79 In Overtime

Kinailangan ng Gilas Pilipinas si Andray Blatche para sa kanilang unang apat na laro, pero sa kanilang huling laro sa 2014 FIBA Basketball World Cup, nakahanap ng paraan ang Gilas Pilipinas ng wala si Andray Blatche para matalo ang Senegal sa iskor na 81-79 sa overtime na nagbigay ng ngiti sa mga mukha ng mga manlalaro at mga fans.

Jimmy Alapag raises hand after winning against Senegal
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14951875378/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa panghuling laro ni Jimmy Alapag para sa Pilipinas sa international competitions, naipasok niya ang mga crucial free throws sa overtime para manalo ang Pilipinas.

Si Blatche at Jimmy ay parehas na nakakuha ng 18 points at si June Mar Fajardo ay may 15 points.

Pagkatapos ng laro ang coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes ay humarap sa Pilipino crowd na masayang masaya kahit na may luha sa kanyang mga mata.

Wednesday, September 3, 2014

Gilas Pilipinas Lost To Puerto Rico 77-73, Knocked Out Of Tournament

Ang Gilas Pilipinas ay lumaban sa laro nila kontra Puerto Rico pero sila ay natalong muli sa dikit na laban sa iskor na 77-73 sa 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain nitong Miyerkules.

Ang mga Pilipino ay nahirapan kay J.J. Barea na siyang gumawa para sa Puerto Rico.

Gilas Pilipinas Bench
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15105647876/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang six foot guard ng Puerto Rico ay kumalap ng 30 points kumpara sa 25 points ni Andray Blatche.

Si L.A. Tenorio naman ay pambihira ang ipinakita sa larong ito at siya ay gumawa ng 18 points sa 6 of 9 shooting.

Ang Gilas Pilipinas ay hindi na makakapasok pa sa second round dahil sa pagkatalong ito.

Haharapin nila ang Senegal sa Huwebes ng gabi para sa last game nila sa FIBA World Cup.

Monday, September 1, 2014

Gilas Pilipinas Fell Short To Ranked Number 3 Argentina, 85-81

Ipinakitang muli ng Gilas Pilipinas ang kanilang puso at tapang kahit na natalo sila sa ranked number 3 na Argentina ng apat na puntos lamang sa iskor na 85-81 sa Group B ng 2014 FIBA Basketball World Cup sa Seville, Spain.



Lamang ng sampung puntos ang Argentina sa pagumpisa ng fourth quarter sa iskor na 71-61 pero humabol ang mga Pilipino sa dalawang sunod na tres ni Jimmy Alapag at layup ni Ranidel De Ocampo para idikit muli ang iskor sa 71-69.

Andray Blatche Philippines Vs Argentina
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15108272765/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pero pinigilan ng Argentina ang Rally ng Pilipinas at ibinalik ang kalamangan sa walo sa iskor na 77-69.



Pero ayaw magpatalo ng Pilipinas at dumikit na naman sila sa iskor na 79-76 galing sa tres ni Alapag at dalawang puntos ni Norwood.

Rumesponde muli ang Argentina ng isang tres pero bumawi na naman si Alapag ng isang tres at dalawang puntos naman galing kay Andray Blatche para idikit ang iskor sa 82-81.

Pero na foul si Andres Nocioni at nakashoot ng isang free throw para gawing 83-81 ang iskor.

May pagkakataon pa ang Pilipinas para itabla o lumamang sa laro pero natawagan ng travelling si Jayson Castro at na foul si Nocioni at nakaiskor muli ng dalawang puntos para lumamang at manalo ang Argentina ng apat na puntos sa iskor na 85-81.

Sunday, August 31, 2014

Gilas Pilipinas Hung Tough With 82-70 Loss To Number 5 Greece

Ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang katatagan at hindi bumitiw kahit na hirap silang pigilan ang malakas na team ng Greece sa score na 82-70 sa pangalawa nilang laro sa FIBA World Cup noong Linggo.


Si Andray Blatche ay may 21 points at 14 rebounds para sa Gilas Pilipinas at sila ay talagang nagpakitang gilas laban sa powerhouse team ng Greece kahit na sila ay natalo.

Gilas Pilipinas Timeout
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15074823616/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nalamangan sila ng Greece ng mahigit 17 points pero lumaban pa rin sila at hindi sila natambakan ng husto.

Ang pinakalast na paghabol nila sa laro ay sa huling yugto ng fourth quarter kung saan nabawasan nila ang lamang ng 8 points sa score na 76-68.

Pagkatapos ng laro ay nagkagulo pa ng biglang itulak ng isang greek player si Jimmy Alapag.

Saturday, August 30, 2014

Gilas Pilipinas Lost To Croatia 81-78 In OT; Wows Pinoy Crowd In Spain

Talagang todo suporta ang mga Pinoy Basketball Fans sa Seville, Spain noong Sabado para sa unang laro ng Gilas Pilipinas kontra Croatia sa 2014 FIBA World Cup of Basketball, kung saan umabot pa ito ng overtime sa score na 71-all bago nanalo ang Croatia sa score na 81-78.



Dahil sa dikit na pagkatalong ito, lahat ng news tungkol sa FIBA World Cup ay halos nakatuon ang pansin sa Pilipinas. Gumawa pa nga ng sariling article ang FIBA.com tungkol sa hollywood like story ng Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

Philippines Croatia
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15083029365/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa 14 point lead ng Croatians sa first quarter, humabol at lumamang pa ang Pilipinas ng 69-66 sa fourth quarter kung saan nanguna sa puntos si Andray Blatche at Jeff Chan.

Tuesday, July 22, 2014

'Last Home Stand' A Disappointment, Blake Griffin And Paul George No Show

Ang 'Last Home Stand' charity event ay napuno ng pagkadismaya at galit sa mga manonood kung saan kasama ang Gilas Pilipinas at ilang NBA stars na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes.



Imbes na makakita ng exhibition game ang mga manonood, mga drills at exercises lamang ang kanilang nasaksihan.

NBA Stars in Philippines
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14700040536/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Una nang nadismaya ang mga manonood ng nalaman nilang hindi makakarating si Blake Griffin at Paul George.



Ang naturang 2 day event ay naging isang 1 day event na lamang ng ideklarang kanselado na ang pangalawang araw.



Ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng exhibition game ay dahil hindi ito aprubado ng NBA kung saan ang promoter ng naturang event ay hindi nakakuha ng go signal mula sa naturang basketball organization.