Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Vilma Santos. Show all posts
Showing posts with label Vilma Santos. Show all posts

Thursday, July 3, 2014

Kris Aquino Publicly Apologized To Vilma Santos On 'Aquino & Abunda Tonight'

Nag-apologize si Kris Aquino sa kanyang primetime talk show noong Huwebes kay Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa pagkakatanggap ng kritisismo ni Ate Vi online pagkatapos maishare ni Kris ang litrato ng regalo ni Ate Vi na may mga maling spelling sa dedication.

Kris Aquino Apologize to Ate Vi On Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14568932922/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Kris sa 'Aquino & Abunda Tonight' na naoffend siya nang binigyang malisya ng mga netizens ang kanyang pagpost sa naturang litrato sa kanyang Instagram page.

Nagsabi rin ng saloobin si Boy Abunda tungkol sa pangyayari. Sinabi niyang ang humility ni Ate Vi ay katumbas ng greatness at wisdom, kung saan ito ay mas importante kaysa sa grammar.



Vilma Santos Breaks Silence Over Spelling Error

'Tomorrow is another day!' Iyan ang mga katagang binitawan ni Batangas Governor Vilma Santos nang tanungin siya kung ano ang reaksiyon niya tungkol sa ugong na ginawa ng kanyang spelling mistake na naisapubliko ng ipost ito sa Instagram noong Martes ng TV host na si Kris Aquino.

Vilma Santos
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14545512406/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Hindi na lang pinapansin ni Vilma ang mga kritiko at sinabing mas mainam na magfocus siya sa kanyang trabaho sa kaniyang probinsiya.

Nagumpisa ang lahat ng magpost si Kris sa Instagram ng isang litrato kung saan nakunan ang isang box ng ensaymadang regalo ni Vilma kalakip ang isang dedication card kung saan ang isang word na naisulat ng Gobernador ay wrong spelling.

Dahil dito nagsilabasan ang mga kritiko at binatikos ang Gobernador sa naturang wrong spelling.




Nagpaumanhin naman si Kris sa naturang di inaasahang pangyayari kung saan malugod naman itong tinanggap ni Vilma.