Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Pinoy Big Brother: All In. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Big Brother: All In. Show all posts

Sunday, August 24, 2014

Daniel Matsunaga Is 'Pinoy Big Brother: All In' Big Winner

Ang model na si Daniel Matsunaga ang nanalo bilang big winner ng 'Pinoy Big Brother: All In' sa 'Big Night' ng reality show na ginanap sa Resorts World Manila noong Linggo.



Ang Brazilian Japanese na celebrity housemate ay naniniwalang ibinoto siya ng mga manonood dahil sa pagmamahal niya sa Pilipinas. Dagdag pa niya na mas proud pa siya bilang Filipino sa puso kaysa sa iba na hindi proud sa bansa nila.

Daniel Matsunaga Is PBB Big Winner
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14840378688/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin di Daniel na ang kanyang PBB experience ang 'craziest experience' of his life.

Si Daniel ay pumasok sa loob ng PBB house noong Mayo para palitan ang mga housemates na natanggal sa first live eviction night ng reality show.

Si Daniel ang parang naging pangalawang Big Brother sa loob ng PBB house dahil sa kanyang mga advices para sa mga nakababatang housemates.

Dahil sa kanyang mga naipapakitang reliability sa mga weekly task, si Daniel ay naging isa sa mga paborito na housemate hindi lang ng mga manonood kundi pati rin ng kanyang mga kapwa housemates.

Saturday, August 23, 2014

Loisa Andalio Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Talented Darling ng Paranaque' na si Loisa Andalio ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Sabado.



Si Loisa ang pang-labing-limang housemate na na-eliminate sa kompetisyon.

Loisa Evicted From PBB House
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15015043815/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa linggong ito, ang mga manonood ay nabigyan ng pagkakataon para bumoto at mamili ng kanilang i-e-evict o ililigtas na housemate.

Pagkatapos ma-tally ang lahat ng boto, si Loisa ay nakakuha lamang ng 0.99% ng viewer's votes.

Si Loisa ay sinalubong ng kanyang ina sa paglabas niya sa PBB house.

Friday, August 22, 2014

Daniel Matsunaga Cried For The First Time Over Family Reunion (PBB All In)

Ang 'Pinoy Big Brother' housemate na si Daniel Matsunaga ay talagang napaluha ng makita niya ang kanyang ina at kapatid na babae na base sa kanilang bansang Brazil.



Ang kanilang reunion ay ipinakita sa special episode ng 'Aquino & Abunda Tonight' na ipinalabas ng live noong Biyernes sa loob ng bahay ni kuya.

Daniel Matsunaga In Tears After Reunited With Mom And Sister
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14818322838/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa lahat ng natirang housemates, si Daniel na lang ang di pa nabibisita ng kanyang pamilya sa PBB house pero lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang kapatid na si Vanessa at inang si Geralda Maria ay nandito na sa Pilipinas pero hindi lang nakarating ng maaga para sa kanilang reunion sa loob ng PBB house.

Akala ni Daniel na ang kanyang alagang aso lamang ang magiging guest niya pero nabigla at nagulat ang Brazilian Japanese model sa pagpasok ng kanyang kapatid na si Vanessa sa confession room.

Nang papunta na sila sa living room, laking gulat din ni Daniel ng makita niya ang kanyang inang si Geralda at siya ay napaiyak sa unang pagkakataon sa loob ng PBB house pagkatapos ng mahigit 100 araw.

Wednesday, August 20, 2014

Manolo Pedrosa Of Pinoy Big Brother Seen Kissing A Girl

Ang dating 'Pinoy Big Brother: All In' housemate na si Manolo Pedrosa ay may kumakalat na litrato ngayon sa social media sites kung saan makikitang may kahalikan siyang babae.


Sa isang litrato, makikitang si Manolo talaga ang lalaki pero ang iba pang litrato kung saan kahalikan niya ang babae ay wala pang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang mga ito.

Manolo Pedrosa Kissing Girl
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14799086737/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Manolo ay na-evict sa PBB house noong August 10, 2014 at siya ay na-link kay Nichole Baranda, ang anak ng TV host at model na si Phoemela Baranda, ng silang dalawa ay nasa loob pa ng PBB house.

Tuesday, August 19, 2014

Maris Racal's Parents Got Married Inside Pinoy Big Brother House Officiated By Herbert Bautista

Ang Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house para ikasal ang mga magulang ng housemate na si Maris Racal, na kamakailan lamang ay naging emosyonal sa naturang distansiya sa pagitan ng kanyang ama at ina.



Sa episode ng reality show noong Martes, sinabihan ni Big Brother ang mga housemates na mag-ayos dahil sila ay mag-aattend ng kasal. Hindi alam ni Maris na ang kanyang pangarap na makita ang ama at ina na ikasal ay matutupad na.

Maris Racal's Parents Got Married Inside PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14972847081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Na shocked si Maris ng makita niya ang kanyang mga kapatid na umattend sa seremonya sa activity area at nagkaroon na siya ng idea kung ano ang talagang magaganap. Maya maya pa, ang ama ni Maris na si Henry ay lumabas at sumunod naman ang kanyang ina na si Leony na naglakad patungong altar.

Nang silang dalawa ay nasa altar na, tinawag ni Big Brother si Mayor Herbert para umpisahan na ang naturang seremonya.

Monday, August 18, 2014

Loisa Andalio's Dad Asks For Forgiveness In 'Pinoy Big Brother: All In'

Ang dalawang pinakabatang housemates sa 'Pinoy Big Brother All In' na sina Loisa Andalio at Maris Racal ay nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo kasama ang kanilang mga ama para mapagusapan at maklaro ang ilang concerns tungkol sa kanilang mga pamilya.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Lunes, sina Loisa at Maris ay kinailangang matapos muna ang isang task sa activity area para makita ang kanilang mga ama at magkaroon ng pagkakataon na malaman ang kasagutan sa tanong na matagal na nilang gustong itanong.

Loisa Andalio With Father In PBB
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14964289822/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Loisa ang unang sumalubong sa kanyang amang si Leo at direktang tinanong kung mahal pa ba ng kanyang ama ang kanyang ina. Sagot ni Leo na mahal pa niya ang ina Loisa pero nagkaproblema sila dahil sa age gap. Ang pinakamatinding rason ayon kay Leo ay dahil sa kanyang insecurity tungkol sa di pagkakaroon ng trabaho at di maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Inamin ni Leo na hindi niya nagawan ng tamang paraan ang sitwasyon na iyon at sinabi kay Loisa na ayaw niyang mangyari sa kanya ang sinapit ng kanilang pamilya pagdating ng araw na siya ay magkakapamilya na rin.

Humingi ng tawad si Leo sa anak na si Loisa at humingi rin ng tawad si Loisa sa ama dahil sa pagsagot ng walang respeto at pagsabi ng mga masasakit na salita sa ama.

Bago umalis ng PBB house si Leo, binigyan niya si Loisa ng necklace na may cross bilang pendant at sinabing huwag niyang kalimutang laging magdasal sa Diyos.

Sunday, August 17, 2014

Joshua Garcia Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Tatay's Boy ng Batangas' na si Joshua Garcia ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Linggo.

Si Joshua ang pang-labing-apat na housemate na na-eliminate sa kompetisyon.



Sa linggong ito, ang mga manonood ay nabigyan ng option para magboto ng housemate na gusto nilang ma-evict o mailigtas.

Joshua Garcia Evicted
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14930779746/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos makumpleto ang mga boto, si Joshua ay nakakuha ng 34.57%, samantalang ang ibang nominated housemates na sina Jane Oineza ay nakakuha ng 24.75% at Daniel Matsunaga ay nakakuha ng 9.82%.

Nagpasalamat si Joshua sa mga kapwa housemates at kay Big Brother bago siya lumabas ng PBB house at siya ay sinalubong ng kanyang ama sa labas ng bahay ni kuya.

Wednesday, August 13, 2014

Judy Ann Santos Enters Pinoy Big Brother House (PBB All In)

Si Judy Ann Santos ay pumasok sa Pinoy Big Brother house bilang host ng special challenge para sa mga housemates na tinawag na 'Do You Know'?



Ang housemate na si Vickie Rushton ang unang nanalo sa first round ng challenge kaya siya ay ligtas para sa nominasyon nitong linggo.

Judy Ann Santos host special challenge in PBB
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14726714477/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Samantalang ang housemate naman na si Maris Racal ang pangalawang nanalo sa second round at ligtas din siya sa nominasyon. Nagkamit din ng power si Maris na magligtas pa ng isang housemate para hindi maisali sa nominasyon at pinili niyang gamitin ito sa kanyang kaibigang si Loisa Andalio.

Dahil dito, ang mga ibang natitira pang housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza at Joshua Garcia ay automatic na nominado pagkatapos nilang matalo sa challenge.

Sunday, August 10, 2014

Manolo Pedrosa Evicted From Pinoy Big Brother House

Ang 'Wonder Son ng Quezon City' na si Manolo Pedrosa ay ang latest na na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Linggo.



Si Manolo ang pang-labing-tatlong housemate na na-eliminate sa kompetisyon pagkatapos niyang makakuha lamang ng 31.16 na porsyentong boto mula sa mga manonood.

Manolo Pedrosa And Jane Oineza on Live Eviction Night
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14882904482/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nang tinanong si Manolo kung ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang experience sa loob ng bahay ni kuya, sinabi niyang para daw itong isang 'wild roller coaster ride'.

Si Manolo ay sinalubong ng kanyang ina sa labas ng PBB house.

Saturday, August 9, 2014

Pinoy Big Brother House Visited By Spirits?

Hindi lamang ang mga housemates ang nasa loob ng Pinoy Big Brother house ayon sa isang paranormal expert.



Sa episode ng Pinoy Big Brother: All In noong Sabado, mapapanood na ang ilan sa mga housemates ay nakarinig ng mga weird na ingay sa loob ng PBB house.

Daniel Matsunaga Feeling Weird Presence Inside PBB house
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14685928937/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Tinanong ni Big Brother ang mga housemates kung mayroon silang nararamdamang kakaiba sa loob ng bahay at umamin ang mga housemates na palagi silang nakakarinig ng kakaibang ingay at minsan si Loisa Andalio ay nakakita ng anino sa isa sa mga salamin sa loob ng kuwarto.

Saad ng isang paranormal investigator na si Gerald Elvina, ang kakaibang tunog na naririnig ng mga housemates ay galing sa isang babae ayon sa kanyang pagsusuri ng voice range nito.

Ipinaliwanag din ni Gerald na dalawang grupo ang nasa loob ng bahay, isang grupo ng mga elementals at isang grupo ng mga lost spirits.

Kinausap ni Gerald ang mga housemates at ipinaliwanag na ang pagpaparamdam ng mga spirits ay dahil sa kanilang depression at anxiety kaya nag-advice siya na huwag silang matakot dahil ang takot nila ay lalo lang magiimbita ng mas marami pang spirits.

Nagsagawa rin si Gerald ng isang cleansing ritual sa mga housemates at sa bahay gamit ang isang Tibetan singing bowl.

Thursday, August 7, 2014

Jane Oineza And Vickie Rushton Evicted From Pinoy Big Brother: All In

Na-evict sa Pinoy Big Brother: All In ang mga housemates na sina Jane Oineza at Vickie Rushton pagkatapos ng kanilang weekly task.



Sa episode ng reality show noong Miyerkules, kinausap ni Big Brother ang mga natirang housemates sa loob ng PBB house at sinabing tatlo na lamang ang matitira sa loob ng bahay dahil ang dalawang pinakamabagal na nakatapos ng weekly task ang ma-eevict.

PBB Housemates In Confession Room As Vickie and Jane Were Evicted
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14827637136/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Inanunsiyo ng TV host na si Toni Gonzaga ang tatlong maiiwan na housemates na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio at Maris Racal at sinabihang bumalik agad sa loob ng bahay.

Sina Vickie Rushton at Jane Oineza na sa tingin ng tatlong natirang housemates ay na-evict na, ay sasamahan sina Daniel Matsunaga at Manolo Pedrosa sa secret room at hihintayin ang final votes na manggagaling sa mga manonood.

Tuesday, August 5, 2014

Kim Chiu Calls Pinoy Big Brother Housemate 'Lazy'

Noong Martes, si Kim Chiu ay nagpahayag ng kanyang opinyon sa isang least deserving na housemate sa current season ng Pinoy Big Brother.


Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Kim na hindi deserving na manalo ang isang lalaking housemate sa reality show dahil siya ay napakatamad.

Kim Chiu Photoshoot
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14861977073/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang post na ito ni Kim ay nag-umpisa ng iba't ibang reaksiyon galing sa mga netizens. Ang iba ay sinabing nirerespeto nila ang sinabi ni Kim dahil ito ay sarili niyang opinyon, samantalang negatibo naman ang pasok ng naturang post sa iba.

Pitong housemates na lamang ang natitira sa loob ng PBB house at si Joshua Garcia lamang ang hindi pa nominado para sa eviction sa mga kalalakihan.

Monday, August 4, 2014

Secret Area Revealed Inside Pinoy Big Brother House When Manolo Pedrosa Was Evicted

Isang secret area sa loob ng Pinoy Big Brother house ang na-reveal, kung saan ito ang magiging temporary room ng mga kalahok na nominado sa eviction.



Sa episode ng reality show noong Lunes, si Manolo Pedrosa ay dinala sa secret room pagkatapos siyang iboto ng mga kapwa housemates para ma-evict.

Manolo Pedrosa inside Secret Room
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14645107359/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong Linggo, sinabi ni Big Brother na ang mga housemates ang magbobotohan sa isa't isa imbes na ang mga manonood.

Pero ang totoo, ang kanilang fellow housemate na makakatanggap ng majority votes ay mag-iistay sa secret room imbes na lumabas ng bahay ni kuya.

Si Manolo na nakatanggap ng majority votes noong Linggo ang unang pumasok sa secret room at maghihintay ng isa pang housemate para makasama niya.

At ang housemate na iyon ay walang iba kundi si Daniel Matsunaga, na ibinoto ng mga housemates pagkatapos ng apat na ulit na diskusyon kung sino ang kanilang iboboto para sa eviction.

Siya ay ibinoto base sa kung sino ang mayroon ng magandang buhay paglabas ng PBB house.

Ang mga housemates na nasa secret room katulad ni Daniel at Manolo ay ang mga aktuwal na nominees para sa public votes at sila ay madaragdagan pa habang ang eviction process ay di pa natatapos.

Sunday, August 3, 2014

Jason Abalos Visits Vickie Rushton Inside Pinoy Big Brother House And Clears Things Up

Ang aktor na si Jason Abalos ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house noong Sabado para bisitahin ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton upang ayusin ang mga ilang bagay sa kanilang relasyon.



Humingi kaagad ng paumanhin si Jason kay Vickie pagkapasok niya ng PBB house. Sinabi niyang nasasaktan siya dahil hindi niya alam kung anong nasa isipan ni Vickie o kung ano man ang nangyayari sa kanya.

Jason Visits Vickie Inside PBB house
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14629675057/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos nilang mag-usap, sinabi ni Vickie na siya ay na-relieved.

Humarap din si Jason sa mga housemates at nagpasalamat siya sa pagpapahalaga nila kay Vickie.

Nakipag-usap din si Daniel Matsunaga kay Jason para ipaliwanag na walang namamagitan sa kanila ni Vickie. Saad ni Daniel na kailangan niyang magpaliwanag dahil hindi siya sigurado kung ano ang nakikita ng mga manonood sa pagitan nila ni Vickie.

Nagpasalamat naman si Jason kay Daniel at nadagdagan pa ang kanyang respeto sa Brazilian Japanese model dahil sa pakikipag-usap niya tungkol sa naturang isyu kay Vickie.

Saturday, August 2, 2014

Fifth Pagotan Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Brad Kulit ng Pasay' na si Fifth Pagotan ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Sabado.

Si Fifth ang panglabingdalawang housemate na na-eliminate sa kompetisyon pagkatapos niyang makatanggap lamang ng 16.52% ng mga boto na galing sa mga manonood.

Fifth Pagotan evicted from PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14626875299/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nang tinanong si Fifth kung ano ang pinaka-importanteng natutunan niya sa loob ng bahay ni Kuya, sinabi niyang natuto siyang maging totoo sa kanyang sarili.

Ang na-evict na housemate ay sinalubong ng kanyang kapatid na si Fourth.

Si Fifth ay naging kontrobersiyal pagkatapos niyang umamin na siya ay isang bisexual.

Thursday, July 31, 2014

Vickie Rushton Passed Out After Completing Obstacle Course In 'Pinoy Big Brother: All In'

Nag-panic ang lahat ng housemates sa loob ng Pinoy Big Brother house ng mawalan ng malay ang contestant na si Vickie Rushton.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Miyerkules, kakatapos lamang gawin ng mga housemates ang kanilang obstacle course task ng himatayin si Vickie.

Daniel Matsunaga tends to unconscious Vickie Rushton
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14770691826/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dinala siya ni Daniel Matsunaga sa confession room at tumawag si Big Brother ng medical assistance.

Pagkatapos ma-checked ng doktor si Vickie at ma-approved na maayos na ang kanyang kondisyon, inalalayan siya ng mga lalaking housemates pabalik sa living room.

Sinabi ng doktor na tumingin kay Vickie, na si Dr. Alma Cristina Andin na nakaranas si Vickie ng pagbaba ng supply ng dugo sa kanyang utak, pero sinigurado naman ng doktor na okay na ang lahat.

Tuesday, July 29, 2014

Fifth Pagotan Throws Funny Tantrum During 'Pinoy Big Brother' Task

Ang Pinoy Big Brother contestant na si Fifth Pagotan ay talagang nakakatawa kung mapapanood ang kanyang emosyonal na reaksiyon dahil sa isang task kung saan involved ang mga ahas, palaka at iba pang mga hayop sa episode ng reality show na ipinalabas noong Martes.



Ang bente dos anyos na commercial model, pati na rin ang pitong natitirang housemates ay dumaan sa isang obstacle course kung saan kailangan nilang bilangin ang mga palaka, uod, guinea pigs at ahas, na kung sila ay tama ng bilang, maaari silang magligtas ng isang housemate para hindi maisama sa nominasyon para sa eviction.

Fifth Pagotan's Funny Tantrum On PBB
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14596302259/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pinili ni Fifth ang kanyang close friend na si Manolo Pedrosa at siya ang unang sumabak sa loob ng challenge room.

Siya ay gulat na gulat ng makita ang mga aquarium na puno ng mga hayop at lalo siyang natakot at nag-panic ng makita niya ang mga ahas.

Ang kabuuang nabilang ni Fifth ay 101 pero siya ay nagkamali dahil ang tamang bilang ay 99.

Sa pagtatapos ng challenge, apat na housemates ang nananatiling nasa listahan ng mga nominees, ito ay sina Fifth, Manolo, Jane Oineza at Joshua Garcia.

Friday, July 25, 2014

Jane Oineza Visited By Rumored Suitor Jeron Teng On Her 18th Birthday (PBB All In)

Ang Green Archer na si Jeron Teng ay bumisita sa Pinoy Big Brother house para umattend ng 18th birthday celebration ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa episode ng reality show noong Biyernes.



Ang college basketball star na nababalitang nanliligaw kay Jane bago pa man nagumpisa ang reality show, ang pinakahuling surpresang bisita na inihanda ng show para sa aktres.

Jane Oineza and Jeron Teng in PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14722895276/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dalawa ay saglit na sumayaw bago sila umupo at nag-usap. Sila ay talagang gula't na gula't sa isa't isa.

Ilan sa mga bisitang dumalo sa kaarawan ni Jane ay ang kanyang mga magulang, dating housemates na sina Axel Torres at Nichole Baranda at si Kiray.

Samantala, ang teen housemate na nalilink kay Jane na si Joshua Garcia ay tahimik sa buong oras na nasa loob ng PBB house si Jeron.

Nang tinanong siya kung siya ba ay nagseselos, sinabi niyang hindi naman daw siya nanliligaw, pero umamin din siyang nagseselos siya ng kaunti sa bandang huli dahil mukhang nakalimutan na siya ng aktres magmula ng dumating si Jeron.

Wednesday, July 23, 2014

Jane Oineza Called 'Touchy Queen' By Joshua Garcia, Tension Escalated

Ang aktres na si Jane Oineza ay na-offend sa 'Touchy Queen' remark ng kapwa Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia sa episode ng reality show noong Miyerkules.



Nasabi ito ni Joshua nang mapansin niyang parang masyadong 'touchy' si Jane kay Manolo Pedrosa habang tinuturuan niya ito ng dance steps para sa nalalapit na concert.

Jane Oineza and Joshua Garcia
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14727776601/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkarinig ni Jane sa remark ni Joshua, nag-walked out ito at iniiwasan niyang makipagusap sa kanya hanggang sa pilit ng lumapit si Joshua kay Jane para maayos ang lahat.

Pero lalo lang nainis si Jane dahil porke't naging malapit sila ay hindi ibig sabihing mababa na ang respeto niya sa kanya.

Sa nakaraang episodes, nagpahiwatig si Joshua na may gusto siya kay Jane, pero kaibigan lamang ang turing ng dating 'Goin' Bulilit' mainstay sa kanya.

Sa sumunod na araw, si Jane ay dumidistansiya kay Joshua, kahit na niyakap na siya ni Joshua at pilit hinahawakan ang kamay. Sumagot ng 'hindi' si Jane ng tinanong ni Joshua kung naiirita ba siya sa kanya pero malamig pa rin ang pakikitungo ni Jane sa kanya.

Hanggang kailan kaya magiging malamig si Jane kay Joshua ngayong malapit na ang nalalapit na 18th birthday celebration ni Jane.

Vickie Rushton Asks Jason Abalos Where Relationship Stands Thru Text (PBB All In)

Sinabi ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na nagdududa siya sa kahihinatnan ng relasyon niya sa aktor na si Jason Abalos pagkatapos ng isang isyu na umugong ng dumalaw ang komedyanteng si Vice Ganda sa PBB house.



Bago nagpaalam ng PBB house si Vice, binigyan siya ni Big Brother ng choice para mamili sa mga natitirang housemates kung sino ang mabibigyan ng tsansang makapag-send ng text message sa kanilang mahal sa buhay.

Vickie Rushton talks to Big Brother
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14749353363/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dahil sa mga duda ni Vickie sa kanyang relasyon kay Jason, napili siya ni Vice para makontak niya si Jason.

Inamin ni Vickie na maaaring naapektuhan si Jason sa pagkakalink niya kay Daniel Matsunaga, kung saan pinabulaanan nila ang naturang 'romance' sa kanilang dalawa.

Sa episode ng PBB noong Miyerkules, hirap si Vickie na tapusin ang kanyang message para kay Jason, pero pagkatapos niyang humingi ng payo sa teen housemate na si Loisa Andalio, natapos din ni Vickie ang mensaheng ipinadala niya kay Jason.