Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Manolo Pedrosa. Show all posts
Showing posts with label Manolo Pedrosa. Show all posts

Wednesday, August 20, 2014

Manolo Pedrosa Of Pinoy Big Brother Seen Kissing A Girl

Ang dating 'Pinoy Big Brother: All In' housemate na si Manolo Pedrosa ay may kumakalat na litrato ngayon sa social media sites kung saan makikitang may kahalikan siyang babae.


Sa isang litrato, makikitang si Manolo talaga ang lalaki pero ang iba pang litrato kung saan kahalikan niya ang babae ay wala pang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang mga ito.

Manolo Pedrosa Kissing Girl
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14799086737/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Manolo ay na-evict sa PBB house noong August 10, 2014 at siya ay na-link kay Nichole Baranda, ang anak ng TV host at model na si Phoemela Baranda, ng silang dalawa ay nasa loob pa ng PBB house.

Sunday, August 10, 2014

Manolo Pedrosa Evicted From Pinoy Big Brother House

Ang 'Wonder Son ng Quezon City' na si Manolo Pedrosa ay ang latest na na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Linggo.



Si Manolo ang pang-labing-tatlong housemate na na-eliminate sa kompetisyon pagkatapos niyang makakuha lamang ng 31.16 na porsyentong boto mula sa mga manonood.

Manolo Pedrosa And Jane Oineza on Live Eviction Night
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14882904482/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nang tinanong si Manolo kung ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang experience sa loob ng bahay ni kuya, sinabi niyang para daw itong isang 'wild roller coaster ride'.

Si Manolo ay sinalubong ng kanyang ina sa labas ng PBB house.

Monday, August 4, 2014

Secret Area Revealed Inside Pinoy Big Brother House When Manolo Pedrosa Was Evicted

Isang secret area sa loob ng Pinoy Big Brother house ang na-reveal, kung saan ito ang magiging temporary room ng mga kalahok na nominado sa eviction.



Sa episode ng reality show noong Lunes, si Manolo Pedrosa ay dinala sa secret room pagkatapos siyang iboto ng mga kapwa housemates para ma-evict.

Manolo Pedrosa inside Secret Room
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14645107359/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong Linggo, sinabi ni Big Brother na ang mga housemates ang magbobotohan sa isa't isa imbes na ang mga manonood.

Pero ang totoo, ang kanilang fellow housemate na makakatanggap ng majority votes ay mag-iistay sa secret room imbes na lumabas ng bahay ni kuya.

Si Manolo na nakatanggap ng majority votes noong Linggo ang unang pumasok sa secret room at maghihintay ng isa pang housemate para makasama niya.

At ang housemate na iyon ay walang iba kundi si Daniel Matsunaga, na ibinoto ng mga housemates pagkatapos ng apat na ulit na diskusyon kung sino ang kanilang iboboto para sa eviction.

Siya ay ibinoto base sa kung sino ang mayroon ng magandang buhay paglabas ng PBB house.

Ang mga housemates na nasa secret room katulad ni Daniel at Manolo ay ang mga aktuwal na nominees para sa public votes at sila ay madaragdagan pa habang ang eviction process ay di pa natatapos.

Friday, July 4, 2014

'Elevator Girl', Cheridel Alejandrino In Tears As Son, Kyle Visits Pinoy Big Brother House

Si Cheridel Alejandrino, o mas popular sa pangalang 'Elevator Girl', ay napaluha ng makita niya ang kanyang anak sa episode ng Pinoy Big Brother noong Biyernes.

Cheridel Alejandrino Cries As She Sees Son Kyle Inside PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14389780077/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang sumikat na dating elevator girl dahil sa isang video niya na naging viral, ay di makapagsalita ng maayos ng makita niya ang kanyang anak sa loob ng PBB house.

Si Cheridel ay sumali sa reality show noong June 14 at pinalitan niya ang celebrity house guest na si Alex Gonzaga.

Sina Daniel Matsunaga, Loisa Andalio, Manolo Pedrosa at Vickie Rushton ay nabigyan ng task na mag-bisikleta ng katulad na distansiya mula PBB house hanggang Olongapo, kung saan galing si Cheridel.

Natapos ng grupo ang task pagkatapos ng limang episodes sa show.

Sa katapusan ng episode, sinamahan ni Cheridel ang kanyang anak pabalik sa confession room para magpaalam.