Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Derek Ramsay. Show all posts
Showing posts with label Derek Ramsay. Show all posts

Friday, August 29, 2014

Derek Ramsay's Estranged Wife Mary Christine Jolly Surfaces

Ang estranged wife ng aktor na si Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly ay humarap na sa camera noong Biyernes at sinabing ipaglalaban niya ang kanyang legal dispute at hinamon ang aktor na panagutan niya ang kanyang obligasyon sa kanyang labing isang taong gulang na anak na lalaki.

Mary Christine Jolly
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14890198307/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Mary Christine ay nag-file ng complaint laban kay Derek dahil sa pagviolate ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Ayon kay Mary Christine, nagkakilala sila ni Derek noong 2001 at ikinasal sa Balagtas, Bulacan noong 2002 pero sila ay naghiwalay kinalaunan.

Thursday, August 21, 2014

Derek Ramsay Finally Admits He Was Married And Has A Son

Inamin ni Derek Ramsay sa unang pagkakataon noong Miyerkules na siya ay ikinasal kay Mary Christine Jolly noong 2002 at siya ay may labing isang taong gulang na anak na lalaki.

Sa statement ni Derek noong Miyerkules, sinabi niyang ang kasal niya kay Mary Christine ay hindi daw valid ayon sa kanyang Attorney na si Joji Alonso.

Derek Ramsay Interview
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14972937786/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dagdag pa ni Derek na kinumpirma lang niya na anak niya si Austin noong August 2011 dahil gusto niyang maging pribado ang kanilang relasyon at kailangan niya itong iiwas sa media dahil baka hindi masabayan ng bata ang mundo ng tsismis at kailangan siyang protektahan ni Derek.

Ang isyu ring ito noong 2011 ang isa sa naging dahilan ng paghihiwalay ni Derek at Angelica Panganiban.

Friday, August 8, 2014

Derek Ramsay's Estranged Wife, Mary Christine Jolly Files Case Against The Actor

Ang alleged estranged wife ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly ay nag-file ng kaso laban sa aktor.

Derek Ramsay Speech
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14879690973/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pinakasalan ni Derek si Mary Christine noong 2002 sa Bulacan at nagkaroon sila ng lalaking anak na ngayon ay labing isang taong gulang na.

Si Mary Christine ay nag-file ng kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o Republic Act No. 9262 laban sa aktor noong Hunyo 27, 2014.

Ang kanyang complaint ay isinasaad na ang aktor ay di nagampanan ang kanyang pagiging ama at hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang anak.

Ayon naman sa abugado ni Derek na si Joji Alonso, lahat ng ito ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Ang kampo ni Derek ay magsusumite ng counter affidavit sa Makati Prosecutor's Office nitong August 20.

Saturday, July 12, 2014

Cristine Reyes Felt Awkward With Ex-BF Derek Ramsay In Bathtub Scene

Inamin ni Cristine Reyes na medyo awkward noong ginawa nila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay ang intimate scenes para sa upcoming nilang romance-drama movie na The Trophy Wife.

Cristine Reyes on the Trophy Wife
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14630935344/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Cristine sa press conference ng movie na napakachallenging daw makipagtrabaho kay Derek pagkatapos nilang maghiwalay.

Ang pinakamahirap daw niyang shinoot ay ang bathtub scene.

Tinapos ni Cristine at Derek ang kanilang isang buwang relasyon noong 2013 dahil hindi pa daw ready si Cristine sa relasyong iyon, pero nagawa naman nilang maging mag best friends uli.

Nang tinanong si Cristine kung may pagasa pa bang magkabalikan sila ni Derek, sinabi niyang nagkaroon na daw sila ng masinsinang pag-uusap tungkol sa bagay na iyon. Masaya daw silang dalawa sa naging desisyon nila.

Inamin din ni Cristine na kasalukuyan siyang nakikipagkita sa isang non-showbiz na foreigner pero ang kanilang relasyon ay nasa early stages pa lamang.



Saturday, July 5, 2014

Trophy Wife First Trailer Released, Featuring Derek Ramsay And Cristine Reyes

Inireleased ng Viva Films noong Biyernes ang unang trailer ng bago nilang sexy drama movie na 'Trophy Wife' na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Heart Evangelista, John Estrada at Derek Ramsay.

Cristine Reyes and Derek Ramsay on Trophy Wife
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14395681370/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Trophy Wife' ang pangalawang movie na magsasama si Derek at Cristine kung saan ang unang pelikulang pinagsamahan nila ay ang 'No Other Woman' noong 2011.

Si Heart naman at John ay nagkasama na rin sa TV series na 'Hiram' noong 2004.

Ang 'Trophy Wife' ay dinirek ni Andoy Ranay at ito ay ipapalabas sa mga sinehan sa July 30.



Monday, June 16, 2014

Kris Aquino And Derek Ramsay Go On A Movie Date

Kris Aquino With Derek Ramsay, Josh and Bimby after watching The Fault in our Stars
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14254314047/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Kris Aquino ay nakipag-movie-date kay Derek Ramsay noong Sabado ng gabi.

Nagpost si Aquino sa kanyang Instagram account ng movie poster ng 'The Fault in our Stars' kung saan nakasulat sa caption na sinamahan daw siya ng tatlong boys kung saan nagpost din siya ng picture kung sino ang mga kasama niya pagkatapos ng ilang oras.

Sa post na iyon ay nakitang kasama ni Kris ang kanyang dalawang anak na si Joshua at Bimby at ang pangatlo ay si Derek Ramsay na kung saan siya nalilink dati.

Nagumpisa ang tsismis na may namumuong pag-ibig kina Kris at Derek noong Marso kung saan nagpost si Derek sa kanyang Instagram account ng litratong kasama si Kris.