Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts
Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts

Monday, September 8, 2014

Boy Abunda Cries On 'The Buzz' As He Speaks Up About His Medical Condition

Ang television host na si Boy Abunda ay sinabi ang kanyang totoong kalagayan sa kanyang exclusive interview sa 'The Buzz' noong Linggo.



Sinabi ni Boy na siya ay naospital dahil sa mataas niyang lagnat at grabeng panghihina hanggang sa madiskubre ng mga doktor na siya ay may abscess sa kanyang liver.

Boy Abunda Interview On The Buzz
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14997797689/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Boy na siya ay takot na takot sa dinaanan niya at nagdasal siya sa Diyos na huwag muna siyang mamatay dahil inaalala niya ang kanyang ina na may sakit na mild dementia.

Na-discharge si Boy sa ospital nang tuluyan ng matanggal ang abscess sa kanyang liver at siya ay nagbakasyon para tuluyang makarecover.

Wednesday, August 13, 2014

Boy Abunda Hospitalized According To Kris Aquino On 'KrisTV'

Kung kayo ay nagtataka kung bakit wala si Boy Abunda sa 'The Buzz' at 'Aquino and Abunda Tonight' ay dahil siya ay naconfine sa ospital ayon sa kanyang co-host at kaibigang si Kris Aquino.

Sinabi ni Kris sa episode ng 'KrisTV' noong Miyerkules na itinakbo si Boy sa ospital dahil sa mataas na lagnat na umabot ng 41 degrees celsius.

Kris Aquino and Boy Abunda on A&A Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14725266778/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon din kay Kris, si Boy ay dumaan din sa isang CT scan para masigurado ang lahat at kung okay nga ba ang kanyang kalagayan.

Thursday, July 31, 2014

Enchong Dee Asked 'Are You Still A Virgin?' On Aquino & Abunda Tonight

Hindi nagdalawang isip si Enchong Dee na sagutin ang tanong kung virgin pa nga ba siya, sa Aquino and Abunda Tonight.



Ito ay pagkatapos ng mainit na pag-amin ng mga ilang personalidad sa showbiz na mas prefer nilang wala munang romansa hanggang sila ay kasal na.

Enchong Dee on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14613040657/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang bente sais anyos na aktor ay nadiin din ng host na si Boy Abunda kung ano nga ba talaga ang mayroon sila ng kanyang leading lady sa 'Once A Princess' na si Erich Gonzales, pati na rin ang aktres na si Julia Montes, kung saan siya ay na-link sa kanilang dalawa sa magkaibang panahon.

Wednesday, July 9, 2014

Kris Aquino Recalls Secret Wedding With James Yap At Boy Abunda's House

Naalala ni Kris Aquino noong Miyerkules ang kanyang secret wedding kay James Yap noong July 10, 2005 na ginanap sa bahay ng kanyang kaibigang si Boy Abunda.

Kris Aquino on Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14615085004/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Natawa si Boy ng inumpisahan ni Kris ang naturang topic sa 'Aquino & Abunda Tonight' kung saan ipinaalala ni Kris na nine years ago, ikinasal siya sa bahay ni Boy, pero na-annul na.

Na-annul ang kasal ni Kris at James noong Pebrero 2012 dahil sa akusasyong pangangaliwa ni James.

Nitong Marso ng 2014, nagkaayos sina Kris at James at nabigyan ng korte ng visitation rights si James sa anak nilang si Bimby na nasa kustodiya ni Kris.


Monday, June 30, 2014

Boy Abunda Said 'Kung Wala Si Jane, There Is No Story!', On 'The Buzz'

'Kung wala si Jane, there is no story.' Yan ang matatapang na salita na binitawan ni Boy Abunda ng magsalita siya tungkol sa sinasabing 'attitude problem' ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house.

Boy Abunda and Kris Aquino on The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14354771609/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng 'The Buzz' noong Linggo, kasama nila Boy Abunda, Kris Aquino at Toni Gonzaga ang mga na-evict na PBB housemates na sina Aina Solano, Jayme Jalandoni at Michele Gumabao kung saan pinagusapan nila kung bakit hindi gusto ng ilang housemates si Jane.

Ang theory ni Abunda ay malamang na ang ibang housemates ay nag-eexpect na si Jane ay maging katulad nila.

Idiniin din ni Abunda na ang PBB ay hindi kumbento kung saan ang mga mabubuting tao lang ang puwedeng tumira sa loob.

Sa mga sinabing ito ni Abunda, ipinaliwanag niya na nirerespeto pa rin naman niya ang opinyon ng mga ibang housemates tungkol kay Jane.