Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Daniel Matsunaga. Show all posts
Showing posts with label Daniel Matsunaga. Show all posts

Monday, September 8, 2014

Daniel Matsunaga Meets Heart Evangelista And Chiz Escudero At 8th Star Magic Ball

Kinumpirma ng 'Pinoy Big Brother: All In' winner na si Daniel Matsunaga na nagkita sila ng dating girlfriend na si Heart Evangelista at ang fiance nitong si Senator Francis 'Chiz' Escudero sa 8th Star Magic Ball noong Sabado.



Sa live guesting ni Daniel sa 'KrisTV' noong Lunes, sinabi niyang masaya siyang nakita si Heart at binati ito ng 'hi' pati na rin ang senador.

Daniel Matsunaga on Kris TV
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15183127061/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin ng Brazilian-Japanese model na nag-enjoy siya sa una niyang pag-attend ng Star Magic Ball.

Friday, August 29, 2014

Kris Aquino Grills Vickie Rushton In Front Of Daniel Matsunaga On 'Kris TV'

Ang mga dating 'Pinoy Big Brother' housemates na sina Daniel Matsunaga at Vickie Rushton na nalink sa loob ng bahay ni kuya ay tinanong ni Kris Aquino sa Kris TV noong Biyernes para maklaro ang isyung ito.



Ang Big Winner ng reality show na si Daniel ay halatang nailang ng direktang tinanong ni Kris si Vickie kung mayroon nga ba siyang nararamdaman sa Brazilian-Japanese model.

Vickie Rushton And Daniel Matsunaga on Kris TV
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14891178358/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sagot ni Vickie na friends lang naman daw talaga sila at talagang sweet lang naman daw talaga si Daniel hindi lang sa kanya. Masyado lang kasi itong naging isyu ng tinukso sila ng mga ibang housemates.

Inamin din ng bente uno anyos na dating pageant contestant na inaayos pa nila ng kanyang boyfriend na si Jason Abalos ang ilang isyu na lumabas sa apat na buwan niyang pamamalagi sa PBB house, lalo na ang tungkol sa pagkakalink niya kay Daniel, kung saan sinabi ni Vickie sa interview niya sa Aquino and Abunda Tonight noong Huwebes na nasaktan si Jason tungkol sa isyung iyon.

Sinabi naman ni Daniel na nirerespeto niya ang relasyon ni Vickie at Jason. Saad din niyang wala siyang nararamdaman para kay Vickie at kailangan niyang dumistansiya para hindi na lumala pa ang nangyayari sa relasyon nila.

Sunday, August 24, 2014

Daniel Matsunaga Is 'Pinoy Big Brother: All In' Big Winner

Ang model na si Daniel Matsunaga ang nanalo bilang big winner ng 'Pinoy Big Brother: All In' sa 'Big Night' ng reality show na ginanap sa Resorts World Manila noong Linggo.



Ang Brazilian Japanese na celebrity housemate ay naniniwalang ibinoto siya ng mga manonood dahil sa pagmamahal niya sa Pilipinas. Dagdag pa niya na mas proud pa siya bilang Filipino sa puso kaysa sa iba na hindi proud sa bansa nila.

Daniel Matsunaga Is PBB Big Winner
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14840378688/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin di Daniel na ang kanyang PBB experience ang 'craziest experience' of his life.

Si Daniel ay pumasok sa loob ng PBB house noong Mayo para palitan ang mga housemates na natanggal sa first live eviction night ng reality show.

Si Daniel ang parang naging pangalawang Big Brother sa loob ng PBB house dahil sa kanyang mga advices para sa mga nakababatang housemates.

Dahil sa kanyang mga naipapakitang reliability sa mga weekly task, si Daniel ay naging isa sa mga paborito na housemate hindi lang ng mga manonood kundi pati rin ng kanyang mga kapwa housemates.

Friday, August 22, 2014

Daniel Matsunaga Cried For The First Time Over Family Reunion (PBB All In)

Ang 'Pinoy Big Brother' housemate na si Daniel Matsunaga ay talagang napaluha ng makita niya ang kanyang ina at kapatid na babae na base sa kanilang bansang Brazil.



Ang kanilang reunion ay ipinakita sa special episode ng 'Aquino & Abunda Tonight' na ipinalabas ng live noong Biyernes sa loob ng bahay ni kuya.

Daniel Matsunaga In Tears After Reunited With Mom And Sister
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14818322838/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa lahat ng natirang housemates, si Daniel na lang ang di pa nabibisita ng kanyang pamilya sa PBB house pero lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang kapatid na si Vanessa at inang si Geralda Maria ay nandito na sa Pilipinas pero hindi lang nakarating ng maaga para sa kanilang reunion sa loob ng PBB house.

Akala ni Daniel na ang kanyang alagang aso lamang ang magiging guest niya pero nabigla at nagulat ang Brazilian Japanese model sa pagpasok ng kanyang kapatid na si Vanessa sa confession room.

Nang papunta na sila sa living room, laking gulat din ni Daniel ng makita niya ang kanyang inang si Geralda at siya ay napaiyak sa unang pagkakataon sa loob ng PBB house pagkatapos ng mahigit 100 araw.

Monday, July 7, 2014

Daniel Matsunaga, Jane Oineza And Cheridel Alejandrino Up For Eviction On 'PBB All In'

Ang mga housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza at ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay nominado para sa eviction ng reality show na Pinoy Big Brother: All In para sa linggong ito.

Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Cheridel Alejandrino
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14407914070/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang tatlo ay nominado ng matalo sila sa special nomination challenges na ibinigay ni Big Brother.

Para sa special challenges, ang sampung housemates ay na-divide sa pares. Si Cheridel laban kay Maris Racal, si Loisa Andalio laban kay Vickie Rushton at Manolo Pedrosa laban kay Fourth Solomon. Ang ka-compete ni Daniel ay si Joshua Garcia at si Jane naman ay si Fifth Solomon.

Dalawang housemates pa ang kailangan para makumpleto ang set ng nominees para sa linggong ito.

READ THE SPECIAL CHALLENGE MECHANICS BELOW:


Friday, July 4, 2014

'Elevator Girl', Cheridel Alejandrino In Tears As Son, Kyle Visits Pinoy Big Brother House

Si Cheridel Alejandrino, o mas popular sa pangalang 'Elevator Girl', ay napaluha ng makita niya ang kanyang anak sa episode ng Pinoy Big Brother noong Biyernes.

Cheridel Alejandrino Cries As She Sees Son Kyle Inside PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14389780077/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang sumikat na dating elevator girl dahil sa isang video niya na naging viral, ay di makapagsalita ng maayos ng makita niya ang kanyang anak sa loob ng PBB house.

Si Cheridel ay sumali sa reality show noong June 14 at pinalitan niya ang celebrity house guest na si Alex Gonzaga.

Sina Daniel Matsunaga, Loisa Andalio, Manolo Pedrosa at Vickie Rushton ay nabigyan ng task na mag-bisikleta ng katulad na distansiya mula PBB house hanggang Olongapo, kung saan galing si Cheridel.

Natapos ng grupo ang task pagkatapos ng limang episodes sa show.

Sa katapusan ng episode, sinamahan ni Cheridel ang kanyang anak pabalik sa confession room para magpaalam.



Sunday, June 29, 2014

Daniel Matsunaga Kisses Vickie Rushton On 'Pinoy Big Brother' (PBB All In)

Ang Pinoy Big Brother All In celebrity housemate na si Daniel Matsunaga ay hinalikan ang kapwa housemate na si Vickie Rushton sa noo sa isang episode ng reality show na naipalabas sa linggong ito.

Daniel Matsunaga Kisses Vickie Rushton on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14354048347/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa naturang episode, ang house guest na si Cheridel Alejandrino o mas kilala bilang 'Elevator Girl' ay nakipagpustahan kay Daniel Matsunaga na kaya niyang kunin ang bola habang naglalaro sila ng soccer sa loob ng isang minuto.

Nang nanalo si Cheridel sa laro, ayaw halikan ni Daniel si Cheridel. Hinabol ng Elevator Girl ang Brazilian-Japanese model kung saan tumakbo naman ito papunta kay Vickie Rushton, kung saan hinalikan ni Daniel si Vickie sa noo.

Ang mga housemates ay biglang nagtititili sa kilig dahil sa kanilang nasaksihan. Makikita rin sa mga nakaraang episodes na tinutukso rin ng mga housemates ang dalawa at pinangalanan pang 'ViNiel' ang kanilang love team.



Thursday, June 19, 2014

Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates

Paulo Avelino and Bea Alonzo Inside the PBB House
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14270573587/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagkaroon ng bihirang pagkakataon ang mga Pinoy Big Brother housemates na umarte kasama si Bea Alonzo at Paulo Avelino ng bumisita ang dalawang batikang artista sa famous yellow house.

Sa episode ng PBB na ipinalabas noong Martes, dismayado ang mga housemates ng unang pumasok sina Bea at Paulo kung saan sila ay nakatigil dahil sa weekly task nilang Tigil-Galaw.

Pero sadyang mabait si Kuya at pinapasok niya uli sina Bea at Paulo upang makisalamuha sa mga housemates.

Sa episode ng PBB Uber na ipinalabas noong Miyerkules, makikitang umarte sina Bea at Paulo kasama ang mga housemates gamit ang mga dialogue sa mga nakaraan nilang proyekto.

Ang mga lalaking housemates ay umarte sa harap ni Bea at gumanap bilang character ni Paulo sa seryeng 'Walang Hanggan', habang ang mga babaeng housemates naman ay gumanap bilang 'Basha', ang role na ginanapan ni Bea sa pelikulang 'One More Chance' habang si Paulo naman ang gumanap sa role ni John Lloyd Cruz.

Pinili ni Paulo at Bea sina Daniel Matsunaga at Maris Racal bilang mga nagwagi at tumanggap sila ng tig-isang box ng chocolate bilang gantimpala.




Wednesday, June 11, 2014

Daniel Matsunaga, Maris Racal And Vickie Rushton Saved From Eviction On PBB: All In

Daniel Matsunaga, Maris Racal and Vickie Rushton winning the 2nd All out Challenge in PBB All In
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14216594630/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Tatlong housemates ang naidagdag na safe sa eviction ngayong linggo matapos silang manalo sa pangalawang 'All Out Challenge' sa episode ng Pinoy Big Brother: All In na ipinalabas nitong Miyerkules.

Ang Team 2 and A Half na kinabibilangan ni celebrity house guest Daniel Matsunaga, Maris Racal at Vickie Rushton ay sinigurado ang pag stay nila ng isa pang linggo sa loob ng bahay ni Kuya.

Ang Team 2 and A Half ay napabilang kay teen housemate Nichole Baranda at Alex Gonzaga sa mga safe sa eviction nitong weekend. Si Nichole ang nanalo ng unang 'All Out Challenge' noong Martes samantalang si Alex naman ay naghihintay namang lumabas ng bahay.