Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Ramon Revilla Jr.. Show all posts
Showing posts with label Ramon Revilla Jr.. Show all posts

Tuesday, July 8, 2014

Ellen Adarna Clarifies Ties With Jailed Senator Bong Revilla

Klinaro ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang pagkakalink kay Senator Bong Revilla, na sa ngayon ay nasa kulungan dahil sa graft and plunder charges.

Ellen Adarna Interview
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14607161451/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng aktres na walang katotohanan ang mga ispekulasyon na niligawan siya ng Senador pagkatapos ng kanyang kontrobersiyal na interview sa show ni DJ Mo Twister na naging viral online.

Ayon kay Ellen, tinanong siya ni Mo kung mayroon bang mga politician na kumontak sa kanya through text at inamin ni Ellen na minsan nagtext nga si Senador Bong.

Pero ipinaliwanag ni Ellen na hindi nanligaw ang Senador kundi ito ay minsan lang na friendly text nang magkasama sila sa fantasy action film na Si Agimat At Si Enteng Kabisote noong 2010.



Friday, June 20, 2014

Senator Ramon 'Bong' Revilla Jr. Surrenders To The Sandiganbayan

Bong Revilla Surrenders, Mugshot
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14465763324/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Sumuko si Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. sa Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga kaugnay ng graft and plunder charges na naisampa laban sa kanya at ng iba pang mga nasa listahan ni Janet Lim-Napoles kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Napakalayo ng nilakbay ni Revilla para sumuko, kung saan sumikat siya bilang action star bago siya pumasok sa pulitika.




Noong Biyernes, ang mga taga suporta ni Revilla sa Cavite ay naghain ng misa at ipinagdasal ang senador bago siya sumuko.

Dumalaw naman si Revilla kasama ang kanyang pamilya sa St. Michael's Parish sa Bacoor bago dumiretso sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Revilla na nagdesisyon siyang sumuko sa anti-graft court para hindi na madamay pa ang kanyang pamilya sa ugong ng isyu pagkatapos naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga.

Si Revilla at tatlo pang senador na nasa oposisyon ang nadawit sa P10 billion pork barrel scam na sinasabing mastermind si Janet Lim-Napoles. Si Revilla ay inakusahang tumanggap ng P242 million mula sa Priority Development Assistance Funds o PDAF.

Itinanggi umano ni Revilla ang mga paratang at sinabing hindi niya kailangang magnakaw sa pondo ng bayan.