Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Jason Francisco. Show all posts
Showing posts with label Jason Francisco. Show all posts

Wednesday, July 23, 2014

Vickie Rushton Asks Jason Abalos Where Relationship Stands Thru Text (PBB All In)

Sinabi ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na nagdududa siya sa kahihinatnan ng relasyon niya sa aktor na si Jason Abalos pagkatapos ng isang isyu na umugong ng dumalaw ang komedyanteng si Vice Ganda sa PBB house.



Bago nagpaalam ng PBB house si Vice, binigyan siya ni Big Brother ng choice para mamili sa mga natitirang housemates kung sino ang mabibigyan ng tsansang makapag-send ng text message sa kanilang mahal sa buhay.

Vickie Rushton talks to Big Brother
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14749353363/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dahil sa mga duda ni Vickie sa kanyang relasyon kay Jason, napili siya ni Vice para makontak niya si Jason.

Inamin ni Vickie na maaaring naapektuhan si Jason sa pagkakalink niya kay Daniel Matsunaga, kung saan pinabulaanan nila ang naturang 'romance' sa kanilang dalawa.

Sa episode ng PBB noong Miyerkules, hirap si Vickie na tapusin ang kanyang message para kay Jason, pero pagkatapos niyang humingi ng payo sa teen housemate na si Loisa Andalio, natapos din ni Vickie ang mensaheng ipinadala niya kay Jason.

Sunday, June 15, 2014

Melason, Melai Cantiveros And Jason Francisco Brings Baby To 'The Buzz'

Melason shows baby on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14247337337/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang celebrity couple na si Jason Francisco at Melai Cantiveros ay nagpaunlak ng interview sa The Buzz noong Fathers Day, Linggo, kasama ang kanilang dalawang buwan na baby na si Mela.

Ang mag-asawang mas kilala bilang Melason at dating mga housemates sa Pinoy Big Brother ay kababalik lamang sa Maynila galing General Santos City kung saan sila ay nanirahan pagkatapos manganak ni Melai.

Si Melai ay patawang nagkuwento kay host Toni Gonzaga ng kanyang mga naranasan noong siya ay nanganganak at nagpasalamat ng todo sa asawang si Jason dahil sa pagiging napakabuting ama.