Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Aquino & Abunda Tonight. Show all posts
Showing posts with label Aquino & Abunda Tonight. Show all posts

Thursday, November 27, 2014

Kim Chiu Cries Over Allegations She Bought Best Actress Award

Kim Chiu could not hold her tears on Wednesday as she addressed allegations that she "bought" an acting award she received last Sunday for her role in the recently concluded primetime series "Ikaw Lamang."



The "Past Tense" star took home the Best Drama Actress trophy at the 2014 PMPC Star Awards for Television, beating Maricel Soriano, Lovi Poe and fellow Kapamilya stars Bea Alonzo, Angel Locsin, Dawn Zulueta, and Maja Salvador.


In a live interview on "Aquino & Abunda Tonight," Chiu was asked for her reaction to critics who say she was the least deserving of the recognition.

She said she cannot please everyone and if the award can be bought, then she would have bought one before so she can be called best actress.

Despite being in showbiz for almost a decade now, Chiu admitted she has yet to get used to personal attacks from her detractors.

Chiu attained popularity in 2006 when she joined the first-ever teen edition of "Pinoy Big Brother," which she won. She bagged lead roles in several ABS-CBN series and has since starred in 10 films.

Her latest movie, "Past Tense" co-starring Xian Lim and Ai Ai delas Alas, was released in cinemas on Wednesday.

Thursday, August 14, 2014

Nadine Lustre Asked By Kris Aquino If She Is Dating James Reid On 'Aquino And Abunda Tonight'

Ang star ng teen romance film na 'Talk Back And You're Dead' na si Nadine Lustre ay natanong ng host na si Kris Aquino noong Huwebes sa 'Aquino And Abunda Tonight' kung may relasyon ba sila ng kanyang co-star na si James Reid.



Sinagot ng bente anyos na aktres na mas focus muna siya sa kanyang career ngayon at mas gusto niyang magkaibigan lamang sila ng dating Pinoy Big Brother housemate 'for now'.

Nadine Lustre On Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14922744412/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Talk Back And You're Dead' ay dinirek ni Andoy Ranay at ang kuwento ng pelikula ay nakasentro sa mayaman at magandang schoolgirl na si Sam, na ginanapan ni Nadine, at ang mga leather clad members ng isang gang na sina Top, na ginanapan ni James, at Red, na ginanapan naman ni Joseph Marco.

Tuesday, August 12, 2014

Herbert Bautista Grilled By Kris Aquino On 'Aquino & Abunda Tonight'

Sinabi ni Kris Aquino na hindi daw niya akalaing mangyayari ang pagiging guest at pagharap niya sa dating karelasyon na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.



Absent si Boy Abunda sa episode noong Lunes kaya one on one si Kris at Bistek sa show, kung saan inihaw ni Kris si Herbert tungkol sa insidenteng pagsampal ni Herbert sa nahuling Chinese drug dealer.

Herbert Bautista on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14899070781/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpaumanhin muli si Herbert sa publiko dahil sa naturang insidente at sinabing hindi daw siya talaga nananakit ng tao physically by nature.

Si Kris naman ay halatang ibinabalik ang kanilang past love affair at sumisingit at talagang iniihaw si Herbert.

Bago pa man maging awkward ang naturang interview, nagsignal si Kris ng commercial break para mabigyan si Herbert ng oras na makapagpahinga.

Patungo sa pagtatapos ng show, nagpasalamat si Herbert kay Kris at binigyan siya nito ng oportunidad para maklaro ang naturang pananampal niya sa drug dealer, kung saan nagparinig na naman si Kris at sinabing, hindi nananakit si Herbert physically kundi damdamin lang.

Thursday, July 31, 2014

Enchong Dee Asked 'Are You Still A Virgin?' On Aquino & Abunda Tonight

Hindi nagdalawang isip si Enchong Dee na sagutin ang tanong kung virgin pa nga ba siya, sa Aquino and Abunda Tonight.



Ito ay pagkatapos ng mainit na pag-amin ng mga ilang personalidad sa showbiz na mas prefer nilang wala munang romansa hanggang sila ay kasal na.

Enchong Dee on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14613040657/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang bente sais anyos na aktor ay nadiin din ng host na si Boy Abunda kung ano nga ba talaga ang mayroon sila ng kanyang leading lady sa 'Once A Princess' na si Erich Gonzales, pati na rin ang aktres na si Julia Montes, kung saan siya ay na-link sa kanilang dalawa sa magkaibang panahon.

Monday, July 14, 2014

Kris Aquino Freaked Out By 'Elevator Girl' Cheridel Alejandrino

Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Cheridel Alejandrino o mas kilala bilang 'Elevator Girl' ay napatawa ng matindi ang host na si Kris Aquino sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.



Si Cheridel ay nag-guest sa show para liwanagin ang mga ilang isyu ng siya ay namalagi sa PBB house.

Cheridel Alejandrino on Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14677892833/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa pagtatapos ng episode, hindi napigilan ni Kris na humalakhak habang siya ay nagkokomento tungkol sa mga mannerism's ni Cheridel, lalo na ang paggalaw ng kanyang mga kilay, kung saan sinabi ni Kris na siya ay na-pi-freak out.

Wednesday, July 9, 2014

Kris Aquino Recalls Secret Wedding With James Yap At Boy Abunda's House

Naalala ni Kris Aquino noong Miyerkules ang kanyang secret wedding kay James Yap noong July 10, 2005 na ginanap sa bahay ng kanyang kaibigang si Boy Abunda.

Kris Aquino on Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14615085004/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Natawa si Boy ng inumpisahan ni Kris ang naturang topic sa 'Aquino & Abunda Tonight' kung saan ipinaalala ni Kris na nine years ago, ikinasal siya sa bahay ni Boy, pero na-annul na.

Na-annul ang kasal ni Kris at James noong Pebrero 2012 dahil sa akusasyong pangangaliwa ni James.

Nitong Marso ng 2014, nagkaayos sina Kris at James at nabigyan ng korte ng visitation rights si James sa anak nilang si Bimby na nasa kustodiya ni Kris.


Thursday, July 3, 2014

Kris Aquino Publicly Apologized To Vilma Santos On 'Aquino & Abunda Tonight'

Nag-apologize si Kris Aquino sa kanyang primetime talk show noong Huwebes kay Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa pagkakatanggap ng kritisismo ni Ate Vi online pagkatapos maishare ni Kris ang litrato ng regalo ni Ate Vi na may mga maling spelling sa dedication.

Kris Aquino Apologize to Ate Vi On Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14568932922/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Kris sa 'Aquino & Abunda Tonight' na naoffend siya nang binigyang malisya ng mga netizens ang kanyang pagpost sa naturang litrato sa kanyang Instagram page.

Nagsabi rin ng saloobin si Boy Abunda tungkol sa pangyayari. Sinabi niyang ang humility ni Ate Vi ay katumbas ng greatness at wisdom, kung saan ito ay mas importante kaysa sa grammar.



Saturday, June 28, 2014

Michele Gumabao Said Housemates Think Jane Oineza Is Fake

Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Michele Gumabao ay ipinaliwanag noong Biyernes kung bakit kinaaayawan ng lahat ng housemates si Jane Oineza sa loob ng PBB house.

Michele Gumabao on Aquino & Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14522823471/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa live interview ng champion volleyball player sa 'Aquino & Abunda Tonight', ipinaliwanag niya na ang young actress ay may tendency na gumawa ng mga bagay na di naaayon o kasalungat ng mga sinasabi nya, kung saan napapasama siya, dahil sa tingin ng mga tao, siya ay isang fake na tao dahil sa aksiyon niyang ito.




Wednesday, June 18, 2014

Alex Gonzaga Explains Why Jane Oineza Is Disliked By PBB Housemates

Alex Gonzaga on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14448615134/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dating Pinoy Big Brother celebrity house guest na si Alex Gonzaga ay nagpaliwanag sa naturang diumanoy hindi pagkakagusto ng mga housemates kay Jane Oineza, at ng love triangle na namuo sa pagitan nila Jane Oineza, Joshua Garcia at Loisa Andalio.

Sa panayam ng Aquino & Abunda Tonight, ipinaliwanag ni Alex na hirap si Jane sumabay sa dalawang age groups dahil sa kanyang ugali na parang matanda na. Ang mga teen housemates ay nagtataka bakit si Jane ay kilos matanda na at ang mga adult housemates naman ay ganun din.




Thursday, June 12, 2014

Ellen Adarna Said She's Flattered When People Call Her 'Pantasya Ng Mga Kalalakihan'

Ellen Adarna on Aquino & Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14223675190/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng sexy actress at glamour model na si Ellen Adarna na hindi siya nababahala kapag sinasabihan siya ng madla bilang 'pantasya ng mga kalalakihan'.

Sa panayam niya sa 'Aquino & Abunda Tonight' noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Ellen na she's flattered kapag nasasabihan siya na sexy. Kasi lahat naman daw ng ginagawa niya ay trabaho lang. Kung anong nakikita nila sa kanya sa telebisyon, magazine at kung ano pa ay walang iba kundi kasama lamang sa trabaho niya. Kung tutuusin, sinabi niya na isa lamang siyang batang yagit pagdating sa bahay, at kahit pa sa set nakapaa lang daw siya at very laid back. Dagdag pa niya, lumaki siya sa Cebu kaya siya ay isang probinsiyana na walang pakialam.

Sinabi rin ni Ellen na laki siya sa isang 'liberated' na pamilya.

Nang tanungin siya tungkol sa reaksiyon ng kanyang boyfriend tungkol sa viral workout video niya, sinabi ni Adarna na wala daw itong pakialam. Yung video daw ay for fun lang at ang gumawa ay isa daw sa mga kaibigan ni Ellen para sa isang project for film school. Hindi daw nila inexpect na magiging viral yung project.

Pinabulaanan din ni Ellen ang tsismis na kaya daw niyang iwan ang boyfriend para sa fellow 'Moon of Desire' star na si JC De Vera.

Samantala, inamin ni Ellen na childhood dream niyang i-adopt siya ni Kris Aquino. Ang rason daw ay sa tingin niya kasi ay napaka bongga ni Kris.


Wednesday, June 11, 2014

Krista Miller Gets Hurt When People Calls Her 'Starlet'

Krista Miller on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14211331297/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Krista Miller, na sa kasalukuyan ay nasa isang kontrobersiyal na namang isyu kung saan nakunan ng CCTV ang pagbisita niya sa drug lord na si Ricardo Camata sa ospital, ay sinabing nasasaktan siya kapag tinatawag siyang starlet.

Sa interview niya sa Aquino & Abunda Tonight noong Martes ay dinepensahan ni Miller ang kanyang sarili sa diumanong mga kumakalat na tsismis na maliban sa pagbebenta ng real estate ay diumano binebenta rin niya ang kanyang katawan.

Sinabi ni Krista na hindi siya ganoong klaseng babae. Hindi raw mangyayari na ibenta niya ang kanyang sarili kasabay ng pagbebenta niya ng condo kung saan marami daw siya talagang mga kliyenteng nagooffer ng indecent proposal kung saan ito ay kaagad niyang tinatanggihan.



Sa isa namang press conference, nasabi ni Miller na nagsimula siyang maging ahente ng real state noong Enero pero siya ay nasa 'red line' na ng dalawang buwan dahil hindi niya naabot ang kanyang monthly sales quota.

Sinabi rin ni Miller na ayaw niyang matawag na 'starlet' dahil ang totoong kahulugan daw ng starlet ay yung mga artistang pasimula pa lamang. Balang araw daw ay makikilala din siya bilang isang aktres. Pero sa pinagdadaanan daw ni Krista ngayon, siya daw ay isang matatag na babae.