Kyle Berdino on The Voice Kids Courtesy of Michael Howard https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/ Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14245519827/ License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode |
Mabilis na napaikot noong linggo ng unang contestant ng The Voice Kids ang mga upuan ng mga judges na sina Bamboo Manalac, Lea Salonga at Sarah Geronimo ng kantahin niya ang 'We Can't Stop' ni Miley Cyrus.
Ang naturang kalahok ay si Kyle Berdino ng Cagayan de Oro City at sinabi niyang hindi siya mapakali dahil sa kaba dahil hirap siyang abutin ang mga higher notes.
Sinabi ni Bamboo na magagawan nila ito ng paraan kung siya ang pipiliin niyang coach. Saad naman ni Lea na kahit siya ay kinabahan, nakuha pa rin niya ang attention ng lahat. Samantalang si Sarah naman ay bago pa siya makapagsalita, inamin ni Kyle na isa siyang masugid na fan ni Geronimo, na siyang pinili ni Berdino ng walang alinlangan para maging coach.
0 comments:
Post a Comment