Lazada Philippines
Lazada Philippines
Showing posts with label Jeron Teng. Show all posts
Showing posts with label Jeron Teng. Show all posts

Tuesday, September 2, 2014

Jane Oineza And Jeron Teng Go Out On A Date

Paglipas ng mahigit na isang linggo pagkatapos ng kanyang stint sa Pinoy Big Brother, si Jane Oineza ay nagkaroon ng oras para sa kanyang napapabalitang manliligaw na si Jeron Teng.


Sa kanilang mga Instagram accounts, si Jane at Jeron ay nag-share ng kanilang mga picture sa kanilang supposed date.

Jane Oineza and Jeron Teng on a Date
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14936752060/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang date na ito ay katuparan sa isang typical date na inaasam ng basketball star na napabalita ng dating nanliligaw kay Jane bago pa man pumasok sa PBB house ang aktres.

Sa interview ni Jeron sa The Buzz noong Linggo, sinabi niyang nageenjoy siyang kausap at kasama si Jane. Isinaad din niya ang kanyang buong suporta sa dating PBB housemate.

Friday, July 25, 2014

Jane Oineza Visited By Rumored Suitor Jeron Teng On Her 18th Birthday (PBB All In)

Ang Green Archer na si Jeron Teng ay bumisita sa Pinoy Big Brother house para umattend ng 18th birthday celebration ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa episode ng reality show noong Biyernes.



Ang college basketball star na nababalitang nanliligaw kay Jane bago pa man nagumpisa ang reality show, ang pinakahuling surpresang bisita na inihanda ng show para sa aktres.

Jane Oineza and Jeron Teng in PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14722895276/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dalawa ay saglit na sumayaw bago sila umupo at nag-usap. Sila ay talagang gula't na gula't sa isa't isa.

Ilan sa mga bisitang dumalo sa kaarawan ni Jane ay ang kanyang mga magulang, dating housemates na sina Axel Torres at Nichole Baranda at si Kiray.

Samantala, ang teen housemate na nalilink kay Jane na si Joshua Garcia ay tahimik sa buong oras na nasa loob ng PBB house si Jeron.

Nang tinanong siya kung siya ba ay nagseselos, sinabi niyang hindi naman daw siya nanliligaw, pero umamin din siyang nagseselos siya ng kaunti sa bandang huli dahil mukhang nakalimutan na siya ng aktres magmula ng dumating si Jeron.