Sa pagsisimula ng segment ng Eat Bulaga! na "Sugod-Bahay," binati ni Joey si Willie na tinawag niyang "pare" na nanonood umano ng mga sandaling iyon.
Kabilang si Mike sa mga anchor ng 24 Oras—kasama sina Mel Tiangco at Vicky Morales—na nagpapanood tuwing 6:30 P.M.
Sinabi naman ni Senator Tito Sotto, na katabi ni Joey sa Eat Bulaga!, na ang nabanggit na oras na planong ilaan sa programa ni Willie ay time slot ng isang sikat na programa noon na Oras Ng Ligaya.
Idinagdag pa ni Joey na sinabi niya kay Willie na ang Eat Bulaga! dabarkads ang bahalang mag-promote ng magiging programa nito sa GMA-7 sa hapon, dahil mauunang silang mapapanood sa longest-running noontime show sa bansa.
Dating napanood ang Wowowee ni Willie sa ABS-CBN.
Nang lumipat ang host sa TV5, tinawag na Wil Time Big Time ang kanyang game show, at pinalitan ng Wowowillie na huling umere noong Oktubre 2013.
Matatandaan na nagkaroon ng iringan noon sina Joey at Willie pero natuldukan din nang surpresahin ni Willie si Joey sa show nitong Startalk noong Oktubre 2012.
Sa isang panayam noon, sinabi ni Joey ang malaking paghanga niya kay Willie na umasenso sa buhay matapos ang mga pinagdaanang hirap.
Inalala naman ni Willie ang ilang pelikula na pinagsamahan nila ni Joey noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, kabilang na ang Barbie at Sam and Miguel.
0 comments:
Post a Comment