Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, June 22, 2014

Angel Aguilera Turned All 3 Chairs With Her Rendition Of Beyonce's Halo On 'The Voice Kids'

Angel Aguilera Sings Halo By Beyonce on The Voice Kids
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14477425814/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang labing apat na taong gulang na singer na nagngangalang Angel Aguilera na galing Cavite ang nagpaikot sa mga upuan ng tatlong coaches sa blind auditions ng The Voice Kids noong Sabado ng kinanta niya ang Halo ni Beyonce.

Sinabi ni Angel na sina The Voice contestants Morissette Amon at Klarrise De Guzman ang mga inspirasyon niya.

Ginawa lahat ng coaches ang makakaya nila para makumbinse si Angel na sa Team nila sumama pero nanaig si Lea ng siya ang pinili ng batang singer. Si Angel ang pang labing pitong miyembro ng Team Lea.




Saturday, June 21, 2014

Alex Gonzaga Re-Enters 'Pinoy Big Brother' House (PBB All In)

Alex Gonzaga Visits Her Housemates Inside the PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14476864302/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Hindi mapigilan ng television host at aktres na si Alex Gonzaga ang pagtulo ng kanyang mga luha ng makita niyang muli ang kanyang mga Pinoy Big Brother housemates sa pagpasok niyang muli sa bahay ni Kuya.

Sa episode na ipinalabas noong Sabado, inamin ni Alex na parang nawala siya sa sarili pagkatapos niyang umalis sa kompetisyon dahil namimiss niya ang lahat pati na rin ang PBB host na si Kuya.

Bago siya makapasok sa sala ng bahay, pinatigil ni Kuya ang mga housemates kung saan hindi sila puwedeng gumalaw bilang parte ng kanilang weekly task. Nilapitan at niyakap ni Alex ang bawat housemates habang pabirong nagbigay ng kanyang mga messages sa bawat isa sa kanila.




Rein Carmelite Pineda Surprised Everyone With A Kundiman Titled 'Kulasisi' On 'The Voice Kids'

Rein Pineda Sings Kundiman on The Voice Kids
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14287082850/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang labing isang taong gulang ang nangangarap na maipakilalang muli ang Kundiman sa makabagong henerasyon, at sinorpresa niya ang lahat sa kanyang napiling awitin para sa blind auditions ng The Voice Kids na ipinalabas noong Sabado.

Si Rein Carmelite Pineda na tubong Valenzuela City ay ipinamalas ang kanyang mala-operang boses sa pagkanta niya ng Filipino love song na 'Kulasisi'.

Si Lea Salonga at Sarah Geronimo ay umikot para kay Pineda kung saan sinabihan siyang napakatapang niya para awitin ang isang kundiman.

Pinili ni Pineda na mapasali sa team ni Lea kung saan siya ang panglabing-anim na miyembro ng Team Lea.




Ryan Bang Has Message For Alex Gonzaga On His Birthday On It's Showtime

Ryan Bang Has Message For Alex Gonzaga On His Birthday
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14286475820/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang komedyanteng si Ryan Bang ay may mensahe sa crush niyang television host at aktres na si Alex Gonzaga,  kung saan sinabi niyang bakit hindi siya nagrereply sa mga text niya.

Nanligaw dati si Ryan sa actress-host pero sinabi ni Alex na ayaw muna daw niyang magkaboyfriend sa time na yon.

Pero ng umalis si Alex sa PBB House, inamin niya na may crush siya kay Fourth Solomon, isang contestant sa Pinoy Big Brother na nakasama niya.

Sa isang recorded message para sa birthday ni Ryan, pinasalamatan at pinuri ni Alex ang mga effort ni Ryan para sa kanya. Sinabi rin ni Gonzaga na kailangang i-birthday treat siya ni Ryan.




Friday, June 20, 2014

Alex Gonzaga's New TV Series 'Pure Love' Released It's Trailer

Alex Gonzaga on Pure Love
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14464659811/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang trailer ng 'Pure Love', ang adaptation ng ABS-CBN sa Korean TV series na '49 Days', ay lumabas noong Biyernes at naging instant trending topic sa Twitter.

Ipinakilala ng preview ang mga lead characters na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Yen Santos, kung saan ang dalawa ay first time na gaganap ng lead role sa isang TV series sa ABS-CBN.

Ilang saglit lang pagkatapos mailabas ang trailer, ang 'Pure Love' at '49 Days' ay umangat sa Twitter trending topics, kung saan pinaguusapan ng mga netizens ang pagbabalik ng minahal nilang kuwento sa local TV.

Ang orihinal na SBS series ay ipinalabas sa ABS-CBN noong 2011 kasabay ng premier nito sa South Korea. Sa bersiyon na ito, si Diane o Ji-Hyun ay may 49 days para maisakatuparan niya ang kanyang misyon, kung saan nakuha ang titulo ng tv series.

Ipapalabas ang unang episode ng 'Pure Love' sa Hulyo kung saan kasama rin ang mga artistang sina John Arcilla, Sunshine Cruz, Arjo Atayde, Yam Concepcion at Joseph Marco.




Senator Ramon 'Bong' Revilla Jr. Surrenders To The Sandiganbayan

Bong Revilla Surrenders, Mugshot
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14465763324/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Sumuko si Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. sa Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga kaugnay ng graft and plunder charges na naisampa laban sa kanya at ng iba pang mga nasa listahan ni Janet Lim-Napoles kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Napakalayo ng nilakbay ni Revilla para sumuko, kung saan sumikat siya bilang action star bago siya pumasok sa pulitika.




Noong Biyernes, ang mga taga suporta ni Revilla sa Cavite ay naghain ng misa at ipinagdasal ang senador bago siya sumuko.

Dumalaw naman si Revilla kasama ang kanyang pamilya sa St. Michael's Parish sa Bacoor bago dumiretso sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Revilla na nagdesisyon siyang sumuko sa anti-graft court para hindi na madamay pa ang kanyang pamilya sa ugong ng isyu pagkatapos naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga.

Si Revilla at tatlo pang senador na nasa oposisyon ang nadawit sa P10 billion pork barrel scam na sinasabing mastermind si Janet Lim-Napoles. Si Revilla ay inakusahang tumanggap ng P242 million mula sa Priority Development Assistance Funds o PDAF.

Itinanggi umano ni Revilla ang mga paratang at sinabing hindi niya kailangang magnakaw sa pondo ng bayan.




Vickie Rushton Breaks Down Over Estranged Dad, Eric's Surprise Visit

Vickie Ruston's dad surprise visit
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14279489719/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Napaluha ng todo ang Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton ng sorpresang bumisita ang kanyang amang si Eric kung saan iniwan sila ng kanyang ina ng walang paliwanag noong siya ay nasa Grade 2.

Ang emosyonal na reunion ay naipalabas sa episode ng reality show noong June 19 kung saan dumalaw din ang boyfriend ni Vickie na si Jason Abalos na nag-abot ng labingwalong pahinang sulat mula sa kanyang ama na hindi niya nabasa ilang taon na ang nakalipas.

Sa mga naunang episodes, nasabi ni Vickie na umuwi siya galing eskwelahan isang araw at hindi na niya nadatnan doon ang ama. Inamin niyang galit na galit siya kung bakit hindi sinabi ng ama ang dahilan ng pagalis nito.

Nung siya ay nasa 4th year college, sinabi ni Vickie na nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama kung saan nakasaad daw ang rason kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang. Pero sa takot niyang mabahiran ng hindi kanais nais ang kanyang mga magagandang alaala, binasa lang ni Vickie ang mga unang pahina ng sulat at nagdesisyon na babasahin niya lahat kung siya ay handa na.

Nangyari ang magkahiwalay na pagbisita ni Eric at Jason habang nasa weekly task ang mga housemates, kung saan sila ay di maaaring gumalaw kapag sinabi ni Kuya na tigil, at mayroon lamang silang tatlong chances for errors sa buong linggo.

Si Vickie ang unang nagkamit ng error ng yakapin niya si Jason ng maiabot nito ang sulat ni Eric. Sa confession room, naging emosyonal si Jason tungkol sa pagkakawalay ni Vickie sa kanyang ama, kung saan sinabi niyang pasanin ito ni Vickie sa buong buhay niya.

Nang si Eric na ang lumapit kay Vickie, tumulo ng todo ang kanyang mga luha pero pinilit niyang manatiling nakatigil para hindi na siya magkamit pa ng error para sa weekly task. Niyakap ni Eric at hinalikan ang kanyang anak ng ilang beses para maipadama niya ang kanyang pagmamahal kahit na nawalay siya ng matagal na panahon.

Inamin ni Eric kay Big Brother na siya ay nagsisising nawalay kay Vickie, pero saad niyang siya ay masaya dahil lumaking maganda at disente ang anak niya.

Sa pagtapos ng episode, hindi pa nakapagdesisyon si Vickie kung bubuksan niyang muli ang sulat ng ama.




Sarah Geronimo Admits Matteo Guidicelli Is Her Boyfriend

Sarah Geronimo Interview Admitting Matteo Is Her Boyfriend
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14278820377/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos ng ilang buwang ispekulasyon, ang pop star na si Sarah Geronimo ay umamin na rin sa wakas na mayroon siyang relasyon sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Inamin ito ni Sarah noong Huwebes sa Thanksgiving party ng kanyang pelikulang 'Maybe This Time'.

Lumabas ang unang tsismis tungkol sa namamagitan sa dalawa noong 2013 kung saan si Matteo lamang ang personalidad sa showbiz na nakita sa private birthday party ni Sarah noong Hulyo.

Noong January naman nitong kasalukuyang taon, inireport ng YES! magazine na may relasyon na nga ang dalawa kahit na walang kumpirmasyon na galing sa kanila.

Pero nitong Marso ay mas naging maluwag ang dalawa ng si Sarah ay umattend ng birthday ni Matteo kung saan nakitang hawak kamay ang dalawa.




Thursday, June 19, 2014

Vice Ganda Spoof Maleficent Together With Anne Curtis On Her Return To 'It's Showtime' After A Month

Vice Ganda Plays a spoof of Maleficent as Waleyficent
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14271712408/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang Disney blockbuster na 'Maleficent' na pinagbidahan ni Angelina Jolie ay ginawan ng spoof sa segment ng It's Showtime na Sine Mo 'To noong Huwebes, kung saan gumanap ang kababalik lamang na si Anne Curtis makalipas ang isang buwan, bilang si Princess Antukin (spoof ng Princess Aurora), at si Vice Ganda naman bilang si Waleyficent na siyang spoof ng Maleficent.

Si Anne Curtis ay nawala ng mahigit isang buwan sa noontime show dahil sa busy niyang taping at shooting para sa TV series niyang Dyesebel at bago niyang pelikulang 'The Gifted' kung saan kasama niya si Sam Milby at Cristine Reyes.




Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates

Paulo Avelino and Bea Alonzo Inside the PBB House
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14270573587/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagkaroon ng bihirang pagkakataon ang mga Pinoy Big Brother housemates na umarte kasama si Bea Alonzo at Paulo Avelino ng bumisita ang dalawang batikang artista sa famous yellow house.

Sa episode ng PBB na ipinalabas noong Martes, dismayado ang mga housemates ng unang pumasok sina Bea at Paulo kung saan sila ay nakatigil dahil sa weekly task nilang Tigil-Galaw.

Pero sadyang mabait si Kuya at pinapasok niya uli sina Bea at Paulo upang makisalamuha sa mga housemates.

Sa episode ng PBB Uber na ipinalabas noong Miyerkules, makikitang umarte sina Bea at Paulo kasama ang mga housemates gamit ang mga dialogue sa mga nakaraan nilang proyekto.

Ang mga lalaking housemates ay umarte sa harap ni Bea at gumanap bilang character ni Paulo sa seryeng 'Walang Hanggan', habang ang mga babaeng housemates naman ay gumanap bilang 'Basha', ang role na ginanapan ni Bea sa pelikulang 'One More Chance' habang si Paulo naman ang gumanap sa role ni John Lloyd Cruz.

Pinili ni Paulo at Bea sina Daniel Matsunaga at Maris Racal bilang mga nagwagi at tumanggap sila ng tig-isang box ng chocolate bilang gantimpala.