Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, June 15, 2014

Khen Lobaton Turns All 3 Chairs And Picks John Lloyd Cruz On 'The Voice Kids'

Khen Lobaton Sings Empire State Of Mind In The Voice Kids
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14433273225/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang batang singer ang ginamit ang puso niya sa pagpili kay Sarah Geronimo nang ipinangako ng aktres at singer na ibibigay niya ang lahat para sa kanya, pati na rin si John Lloyd Cruz.

Ang trese anyos na si Khen Lobaton na tubong Bacolod City ay pinahanga ang mga coaches sa pagkanta niya ng Empire State of Mind ni Jay-z.

Unang umikot si Lea Salonga na sinundan naman ni Bamboo Manalac at Sarah Geronimo bago matapos ang pagtatanghal ni Lobaton.





Hinikayat ni Bamboo na sumali si Khen sa team niya dahil ang talento niya at attitude ay perpekto para sa Camp Kawayan.

Todo rin ang panghihikayat ni Sarah kay Khen at sinabi niyang gagawin niya ang lahat para matulungan siya kung saan tinanong ni Lobaton kung kasama doon si John Lloyd Cruz.

Si Lea naman ay kumpleto ang armas ng tinawag si The Voice of the Philippines grand winner Mitoy Yonting sa stage para kumbinsihin si Khen.

Pero sa huli ay piniling mapasama ni Khen sa Team Sarah.




Shanne Dandan Sings Tadhana By Up Dharma Down But Chose Lea Over Bamboo On 'The Voice Kids'

Shanne Dandan on The Voice Kids
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14245924027/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang batang contestant sa The Voice Kids ang hirap mamili sa dalawang coaches na umikot para sa kanya.

Sinabi ng trese anyos na si Shanne Dandan noong Linggo na sumali siya sa The Voice Kids blind auditions upang mainspire ang mga kabataan.

Tadhana ng Up Dharma Down ang kinanta ni Dandan na kung saan umikot kaagad si Bamboo Manalac.

Pero ng patapos na ang kanyang pagtatanghal ay biglang umikot si Lea Salonga.

Nahirapan si Dandan sa pagpili sa kanilang dalawa at inaming meron na siyang naisip na gustong maging coach simula pa lang.

Sa huli ay pinili ni Dandan si Salonga kung saan ipinaliwanag niya na naniniwala siya na matutulungan siya ng musical theater actress sa contest.




Kyle Berdino, A Sarah Geronimo Fan Turns Three Chairs On 'The Voice Kids'

Kyle Berdino on The Voice Kids
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14245519827/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Mabilis na napaikot noong linggo ng unang contestant ng The Voice Kids ang mga upuan ng mga judges na sina Bamboo Manalac, Lea Salonga at Sarah Geronimo ng kantahin niya ang 'We Can't Stop' ni Miley Cyrus.

Ang naturang kalahok ay si Kyle Berdino ng Cagayan de Oro City at sinabi niyang hindi siya mapakali dahil sa kaba dahil hirap siyang abutin ang mga higher notes.

Sinabi ni Bamboo na magagawan nila ito ng paraan kung siya ang pipiliin niyang coach. Saad naman ni Lea na kahit siya ay kinabahan, nakuha pa rin niya ang attention ng lahat. Samantalang si Sarah naman ay bago pa siya makapagsalita, inamin ni Kyle na isa siyang masugid na fan ni Geronimo, na siyang pinili ni Berdino ng walang alinlangan para maging coach.




Richard Gutierrez And Sarah Lahbati Celebrated Baby Zion's Birthday And Christening

Richard and Sarah with Baby Zion on his birthday ang christening
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14426618202/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ipinagdiwang nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong linggo ang selebrasyon ng kaarawan at binyag ng anak nilang si Baby Zion.

Ipinagdiwang nila ang espesyal na araw ng kanilang anak kasama ang dalawamputlimang  pares ng ninong at ninang at kasama rin ang kanilang mga kaibigan, kamaganak at magulang.

Ilan sa mga naging ninong at ninang ni Baby Zion ay sina Vice President Jejomar Binay, Manila Mayor Joseph Estrada, businessman Manuel V. Pangilinan at ang mga aktres na sina Vilma Santos, Kris Aquino and Gretchen Barretto.

Unang sinabi ni Richard na isa na siyang ama sa unang episode ng kanyang bagong reality show na 'It Takes Gutz To Be A Gutierrez' noong June 1.




Saturday, June 14, 2014

Renzwil 'Kobe' Viray Had Judges Try His Practice Technique On 'The Voice Kids'

Renzwil 'Kobe' Viray sang For Once In My Life by Stevie Wonder on The Voice Kids
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14418911451/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Sarah Geronimo at Lea Salonga ay namangha kay Renzwil 'Kobe' Viray, isang trese anyos na galing South Cotabato ng kinanta niya ang For Once In My Life ni Stevie Wonder.

Saad ni Geronimo, kung sino man ang makakarinig ng boses ni Viray ay siguradong magkakaroon ng magandang araw. Sinabi rin ni Lea na nagugustuhan niya yung pagiging technical ni Kobe kung saan yung puso niya ang nangunguna.





Tinanong ni Salonga kung paano magpractice ang batang kalahok kung saan sinagot ni Kobe na nagpapractice siya habang nakahiga. Hiniling ni Lea na magbigay si Kobe ng demonstrasyon kung saan sinamahan din siya ni Salonga sa stage. At sa di inaasahan, sumali na rin si Sarah at Bamboo sa pagkanta habang nakahiga.

Nang matapos ang demostrasyon ni Kobe, namili na siya ng magiging coach kung saan pinili niya si Lea.




Alex Gonzaga Exits Pinoy Big Brother House After More Than 2 Months

Alex Gonzaga exits Pinoy Big Brother House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14441712493/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang celebrity house guest na si Alex Gonzaga ay lumabas na sa bahay ni kuya nitong Sabado pagkatapos ng dalawang buwang pagtira sa Pinoy Big Brother house.

Si Alex ay sinalubong ng kanyang kapatid na si Toni at ng iba pang hosts na sina Bianca Gonzalez, John Prats at Robi Domingo.

Bago lumabas si Alex sa bahay ni kuya, sinorpresa siya ng ibang housemates bilang pasasalamat at pagpapatunay kung gaano nila mamimiss ang celebrity house guest. Lahat ng labindalawang housemates ay naging emosyonal habang ibinibigay nila ang kanilang mga taos pusong mensahe para kay Alex.




KathNiel Fan Eufritz Santos Turns All 3 Chairs On 'The Voice Kids'

Eufritz Santos sings Hanggang Ngayon on The Voice Kids
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14234325378/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang die hard fan ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nakapagpaikot sa upuan ng lahat ng hurado sa blind auditions ng 'The Voice Kids' nitong Sabado.

Si Eufritz Santos na tubong Maynila ay inaming sumali siya sa contest para mahasa pa ang kanyang boses at umaasang makascore ng duet kay Daniel Padilla.

Ang 11 year old na kalahok ay kinanta ang 'Hanggang Ngayon' ni Kyla. Ang pagtama niya sa matataas na nota ang nagtulak sa mga hurado na sina Sarah Geronimo, Lea Salonga at Bamboo Manalac upang pindutin ang kanilang mga buton.

Nagtagisan sa pagkumbinsi sina Lea at Bamboo para sa aspiring singer pero nanaig si Salonga ng siya ay piliin ni Santos.

Ilang minuto lang pagkatapos ng audition ni Santos ay nagsilabasan na ang mga fans ni Daniel at Kathryn para itaguyod ang suporta para kay Santos na kung saan ang kanyang pangalan ay napunta sa 2nd spot ng Twitter worldwide trends.




Mini Michael Jackson, Nhikzy Vheench Calma Overcomes Stumble And Wins Grand Finals

Mini Michael Jackson, First MiniMe grand winner
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14420328815/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang nakakatakot na sandali ang nangyari kay 'MiniMe' grand finalist Nhikzy Vheench Calma ng nahulog siya sa platform habang ginagawa ang anti-gravity lean sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal ng kanyang dance moves ala Michael Jackson noong Sabado sa 'MiniMe' grand finals ng 'It's Showtime'.

Pero hindi natinag si Calma at itinuloy niya ang kanyang pagtatanghal na ikinatuwa ng mga manonood na kung saan siya ang itinanghal na kauna-unahang grand winner ng MiniMe, kalakip ang P300,000 na premyo.

Maliban sa grand prize, nanalo rin si Calma o Mini Michael Jackson bilang Most Friendly.

Ang iba pang naparangalan sa MiniMe grand finals ay sina 1st runner up John Steven De Guzman o mas kilala na Mini Vhong at 2nd runner up Xymon Ezekiel Pineda o Mini Bamboo.




'Mini Jugs' Isaac Biel Reodica Trends Worldwide After Amazing Drum Solo On MiniMe Grand Finals

Mini Jugs Amazing Drum Solo
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14233017110/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagtrend sa Twitter si 'MiniMe' grand finalist Isaac Biel Reodica noong Sabado ng maimpressed niya ang mga netizens dahil sa drumming skills at galing niya.

Ang walong taong gulang na si Isaac na tubong Laguna ay tinugtog ang hit song ng idol niyang si Jugs Jugueta sa It's Showtime.

Pinatawa din niya ang mga manonood ng sumayaw siya habang kinakanta ang theme song ng kid's show na Barney at tinapos niya ang kanyang performance ng isang matinding drum solo habang nakablindfold.

Ilang minuto lang pagkatapos ng kanyang performance ay libo libong netizens ang nagbigay pugay sa galing ni Isaac.

Hindi nakapasok si Isaac sa Top 3 pero nasungkit naman niya ang 'Best In Artwork' award.




Friday, June 13, 2014

Megan Young Will Host Mr. World 2014 With Frankie Cena

Megan Young For Her
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14415313212/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpost si Miss World 2013 Megan Young sa kanyang Instagram account na isa siya sa magiging host ng Mr. World 2014 sa finals kasama si Frankie Cena na gaganapin sa England.

Si Megan Young and nakoronahan bilang Miss World 2013 noong September 28, 2013 sa Bali, Indonesia.

Si Frankie Cena naman ay isang host, singer, Global Speech Coach, Mr. World 2014 Presenter, American Eagle Model at Mr. World Canada noong 2012.

Samantala, ang kandidato ng Pilipinas para sa Mr. World 2014 ay walang iba kundi si John Spainhour, isang dating Marine Corp Scout Sniper. Siya ay makikipagtalisan ng galing at talento sa apatnaputlima (45) pang kalahok mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Ang Mr. World 2014 ay gaganapin sa Torbay, The English Riviera, England sa June 15, 2014.