Lazada Philippines
Lazada Philippines

Wednesday, September 10, 2014

Sarah Geronimo Nominated For Best Southeast Asia Act In MTV European Music Awards (EMA)

Si Sarah Geronimo ay napabilang sa unang limang nominees para sa Best Southeast Asia Act sa MTV European Music Awards o EMA.


Ang iba pang nominees na makakalaban ng pop princess sa naturang category ay ang NOAH ng bansang Indonesia, Yuna ng bansang Malaysia, Stefanie Sun ng bansang Singapore at Slot Machine ng Thailand.

Sarah Geronimo's Sweet Smile On Stage
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15016655988/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang nominees para sa naturang category ay hindi pa kumpleto kaya ang MTV ay nagbigay ng EMA nomination na nakasalalay sa kamay ng mga fans gamit ang social media. Ito ang kauna-unahang wild card nominee para sa Best Southeast Asia Act na nakasalalay sa kamay ng mga netizens.


Ang bandang Up Dharma Down ng Pilipinas ay nakakuha ng spot sa wildcard nominations kung saan puwede niyo silang iboto sa pagtweet lamang ng hashtags na #MTVEMA #NominateUpDharmaDown

Ang artist na may pinakamaraming hashtag mentions ang siyang kukumpleto sa nominees list Best Southeast Asia Act. Ang wild card nomination voting ay bukas hanggang Lunes, September 15 at mai-a-announced ang lahat ng nominees sa September 16.

Ang MTV EMA ay gaganapin sa siyudad ng Glasgow sa Scotland sa November 9, 2014.

0 comments:

Post a Comment