Lamang ng sampung puntos ang Argentina sa pagumpisa ng fourth quarter sa iskor na 71-61 pero humabol ang mga Pilipino sa dalawang sunod na tres ni Jimmy Alapag at layup ni Ranidel De Ocampo para idikit muli ang iskor sa 71-69.
Andray Blatche Philippines Vs Argentina Courtesy of Dane Alegana https://www.flickr.com/photos/danealegana/ Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15108272765/ License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode |
Pero pinigilan ng Argentina ang Rally ng Pilipinas at ibinalik ang kalamangan sa walo sa iskor na 77-69.
Pero ayaw magpatalo ng Pilipinas at dumikit na naman sila sa iskor na 79-76 galing sa tres ni Alapag at dalawang puntos ni Norwood.
Rumesponde muli ang Argentina ng isang tres pero bumawi na naman si Alapag ng isang tres at dalawang puntos naman galing kay Andray Blatche para idikit ang iskor sa 82-81.
Pero na foul si Andres Nocioni at nakashoot ng isang free throw para gawing 83-81 ang iskor.
May pagkakataon pa ang Pilipinas para itabla o lumamang sa laro pero natawagan ng travelling si Jayson Castro at na foul si Nocioni at nakaiskor muli ng dalawang puntos para lumamang at manalo ang Argentina ng apat na puntos sa iskor na 85-81.
0 comments:
Post a Comment