Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, August 31, 2014

Mark Gil Passed Away At Age 52 Due To Liver Cirrhosis

Ang beteranong aktor na si Mark Gil ay namayapa nitong Lunes bandang alas otso ng umaga. Siya ay 52 years old at magcecelebrate sana ng kanyang 53rd birthday nitong September 25.

Ayon sa report, ang aktor ay namatay dahil sa liver cirrhosis. Ang kanyang pamilya ay hindi pa nag-issue ng statement sa ngayon.

Mark Gil Interview
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14915076489/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Mark Gil ay ipinanganak sa pangalan na Ralph John Eigenmann. Ang kanyang mga magulang ay ang mga beteranong artista na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Kapatid niya ang mga artistang sina Michael de Mesa at Cherry Gil at siya ang ama ng mga celebrities na sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero at Andi Eigenmann.

Gilas Pilipinas Hung Tough With 82-70 Loss To Number 5 Greece

Ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang katatagan at hindi bumitiw kahit na hirap silang pigilan ang malakas na team ng Greece sa score na 82-70 sa pangalawa nilang laro sa FIBA World Cup noong Linggo.


Si Andray Blatche ay may 21 points at 14 rebounds para sa Gilas Pilipinas at sila ay talagang nagpakitang gilas laban sa powerhouse team ng Greece kahit na sila ay natalo.

Gilas Pilipinas Timeout
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15074823616/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nalamangan sila ng Greece ng mahigit 17 points pero lumaban pa rin sila at hindi sila natambakan ng husto.

Ang pinakalast na paghabol nila sa laro ay sa huling yugto ng fourth quarter kung saan nabawasan nila ang lamang ng 8 points sa score na 76-68.

Pagkatapos ng laro ay nagkagulo pa ng biglang itulak ng isang greek player si Jimmy Alapag.

Saturday, August 30, 2014

Gilas Pilipinas Lost To Croatia 81-78 In OT; Wows Pinoy Crowd In Spain

Talagang todo suporta ang mga Pinoy Basketball Fans sa Seville, Spain noong Sabado para sa unang laro ng Gilas Pilipinas kontra Croatia sa 2014 FIBA World Cup of Basketball, kung saan umabot pa ito ng overtime sa score na 71-all bago nanalo ang Croatia sa score na 81-78.



Dahil sa dikit na pagkatalong ito, lahat ng news tungkol sa FIBA World Cup ay halos nakatuon ang pansin sa Pilipinas. Gumawa pa nga ng sariling article ang FIBA.com tungkol sa hollywood like story ng Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

Philippines Croatia
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15083029365/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa 14 point lead ng Croatians sa first quarter, humabol at lumamang pa ang Pilipinas ng 69-66 sa fourth quarter kung saan nanguna sa puntos si Andray Blatche at Jeff Chan.

Friday, August 29, 2014

Kris Aquino Grills Vickie Rushton In Front Of Daniel Matsunaga On 'Kris TV'

Ang mga dating 'Pinoy Big Brother' housemates na sina Daniel Matsunaga at Vickie Rushton na nalink sa loob ng bahay ni kuya ay tinanong ni Kris Aquino sa Kris TV noong Biyernes para maklaro ang isyung ito.



Ang Big Winner ng reality show na si Daniel ay halatang nailang ng direktang tinanong ni Kris si Vickie kung mayroon nga ba siyang nararamdaman sa Brazilian-Japanese model.

Vickie Rushton And Daniel Matsunaga on Kris TV
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14891178358/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sagot ni Vickie na friends lang naman daw talaga sila at talagang sweet lang naman daw talaga si Daniel hindi lang sa kanya. Masyado lang kasi itong naging isyu ng tinukso sila ng mga ibang housemates.

Inamin din ng bente uno anyos na dating pageant contestant na inaayos pa nila ng kanyang boyfriend na si Jason Abalos ang ilang isyu na lumabas sa apat na buwan niyang pamamalagi sa PBB house, lalo na ang tungkol sa pagkakalink niya kay Daniel, kung saan sinabi ni Vickie sa interview niya sa Aquino and Abunda Tonight noong Huwebes na nasaktan si Jason tungkol sa isyung iyon.

Sinabi naman ni Daniel na nirerespeto niya ang relasyon ni Vickie at Jason. Saad din niyang wala siyang nararamdaman para kay Vickie at kailangan niyang dumistansiya para hindi na lumala pa ang nangyayari sa relasyon nila.

Derek Ramsay's Estranged Wife Mary Christine Jolly Surfaces

Ang estranged wife ng aktor na si Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly ay humarap na sa camera noong Biyernes at sinabing ipaglalaban niya ang kanyang legal dispute at hinamon ang aktor na panagutan niya ang kanyang obligasyon sa kanyang labing isang taong gulang na anak na lalaki.

Mary Christine Jolly
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14890198307/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Mary Christine ay nag-file ng complaint laban kay Derek dahil sa pagviolate ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Ayon kay Mary Christine, nagkakilala sila ni Derek noong 2001 at ikinasal sa Balagtas, Bulacan noong 2002 pero sila ay naghiwalay kinalaunan.

Lyca Gairanod Imitates Nora Aunor In 'Nathaniel' Teaser

Inirelease ng ABS-CBN noong Huwebes ang unang teaser ng bago nitong primetime series na 'Nathaniel' sa trade concert for advertisers ng naturang network na 'Kapamilya: All Out' na ginanap sa kanilang studio sa Quezon City.



Makikita sa preview ang 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod kasama ang isang bagong child actor ng ABS-CBN na gumanap bilang si Nathaniel.

Lyca On Nathaniel
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15072675191/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang scene sa naturang preview ang talagang nakakatawa kung saan nagpakilala si Lyca kay Nathaniel sa paraang paggaya kay 'Superstar' Nora Aunor sa isang scene ng pelikulang 'Minsa'y Isang Gamu-Gamo'.

Ang iba pang cast na kasama sa Nathaniel ay sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Benjie Paras, Pokwang, Jairus Aquino, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jason Gainza at ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan.

Thursday, August 28, 2014

MICA Formerly Known As Gollayan Sisters Impresses Ailee At 'Superstar K6'

Walang makakapigil sa isang Pinoy singing group na mas kilala bilang 'MICA' na kinabibilangan ng apat na magkakapatid tubong Santiago City para sakupin ang buong mundo gamit ang kanilang powerful vocals.



Ang magkakapatid na sina Mylene, Irene, Celina at Almira o MICA, ay minsan ng nakuha ang atensiyon ng madlang people ng nanalo sila ng grand prize sa noontime show na 'It's Showtime' noong 2012.

MICA on Superstar K6
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15045439056/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong 2013 naman, sila ang nag-represent sa Pilipinas sa 17th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa US at sila ang naguwi ng Senior Grand Champion Vocal Group.



Ngayon ang magkakapatid ay nasa South Korea at sila ay nakapasa sa audition ng Superstar K6 reality talent show.

Silang apat ay confessed Kpop at Kdrama fanatics kaya naman gulat na gulat sila ng ang isa sa mga judges ay ang idolo nilang si Ailee na ikinagalak naman ng judge ang kanilang rendition ng kanyang kanta at sinabing isa ito sa pinakabest na rendition ng kanyang awitin.

Kinanta rin ng grupo ang Let It Go mula sa Disney Movie na Frozen.

Wednesday, August 27, 2014

Nora Aunor Reacts To Lyca Gairanod As 'Little Superstar'

Ang batikang artistang si Nora Aunor ay isinaad ang kanyang suporta sa 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod na naikukumpara sa kanya dahil sa kanyang angking talento at pagsisimula.



Sinabi ng 'Superstar' noong Miyerkules pagkatapos niyang matanggap ang Gawad Plaridel Award sa University of the Philippines Film Center sa Quezon City na dapat daw tulungan natin ang mga katulad ni Lyca dahil kapag nagtagal, sila rin ang magtuturo sa mga kabataang susunod sa kanila.

Nora Aunor At UP Film Center
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15058893612/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Lyca ay naikukumpara kay Nora dahil sa kanyang pagiging singing champion at parehas na pagsisimula sa showbiz kaya siya ay binansagang 'Little Superstar'.

Yeng Constantino And Fiance In Prenup Inspired Music Video Of 'Ikaw'

Ang singer na si Yeng Constantino ay mukhang ready ng ikasal sa kanyang latest music video para sa single niyang 'Ikaw' kung saan kasama niya ang kanyang fiance na si Victor Asuncion sa mga ilang scenic locations.



Makikita si Yeng sa kanyang music video na nakasuot ng white dress at si Victor naman ay naka-coat and tie na parang nag-popose na sila para sa isang prenuptial shoot.

Yeng Constantino Ikaw
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15055417211/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kantang 'Ikaw' ay sinulat ni Yeng ukol sa love story nila ni Victor. Sila ay naging engaged noong Marso pagkalipas ng walong buwan na pagsasama. Plano nilang magpakasal nitong 2015.

Vice Ganda Does ALS Ice Bucket Challenge On 'It's Showtime' During His Production Number

Ang komedyanteng si Vice Ganda ay tinanggap ang challenge ng kanyang kaibigang si Kris Aquino para gawin ang ALS ice bucket challenge noong Lunes sa noontime show na 'It's Showtime'.



Pero ang ginawa ni Vice ay kakaiba dahil isinama niya ang naturang challenge bilang stunt sa kanyang production number kung saan pinerform niya ang kantang 'Hot and Cold' ni Katy Perry.

Vice Ganda Did Ice Bucket Challenge With His Production Number
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15027445976/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos magawa ni Vice ang challenge, nagnominate siya ng tatlo para gawin ang challenge. Ang mga ito ay sina Coco Martin, Richard Yap at ang direktor ng It's Showtime na si Bobet Vidanes kung saan ginawa kaagad ni direk Bobet ang naturang challenge sa noontime show.