Lazada Philippines
Lazada Philippines

Wednesday, July 9, 2014

Kris Aquino Recalls Secret Wedding With James Yap At Boy Abunda's House

Naalala ni Kris Aquino noong Miyerkules ang kanyang secret wedding kay James Yap noong July 10, 2005 na ginanap sa bahay ng kanyang kaibigang si Boy Abunda.

Kris Aquino on Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14615085004/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Natawa si Boy ng inumpisahan ni Kris ang naturang topic sa 'Aquino & Abunda Tonight' kung saan ipinaalala ni Kris na nine years ago, ikinasal siya sa bahay ni Boy, pero na-annul na.

Na-annul ang kasal ni Kris at James noong Pebrero 2012 dahil sa akusasyong pangangaliwa ni James.

Nitong Marso ng 2014, nagkaayos sina Kris at James at nabigyan ng korte ng visitation rights si James sa anak nilang si Bimby na nasa kustodiya ni Kris.


Tuesday, July 8, 2014

Ellen Adarna Clarifies Ties With Jailed Senator Bong Revilla

Klinaro ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang pagkakalink kay Senator Bong Revilla, na sa ngayon ay nasa kulungan dahil sa graft and plunder charges.

Ellen Adarna Interview
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14607161451/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng aktres na walang katotohanan ang mga ispekulasyon na niligawan siya ng Senador pagkatapos ng kanyang kontrobersiyal na interview sa show ni DJ Mo Twister na naging viral online.

Ayon kay Ellen, tinanong siya ni Mo kung mayroon bang mga politician na kumontak sa kanya through text at inamin ni Ellen na minsan nagtext nga si Senador Bong.

Pero ipinaliwanag ni Ellen na hindi nanligaw ang Senador kundi ito ay minsan lang na friendly text nang magkasama sila sa fantasy action film na Si Agimat At Si Enteng Kabisote noong 2010.



Hayden Kho Gets Reinstated As A Medical Doctor

Limang taon pagkatapos siyang matanggalan ng lisensiya sa pagka-doktor dahil sa sex video scandal niya noong 2009, si Hayden Kho ay nabigyang muli ng lisensiya ng Professional Regulation Commission o PRC.

Hayden Kho photoshoot
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14422334239/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ito ay inihayag ni Hayden noong July 7 sa kanyang Instagram account ng magpost siya ng litrato ng dokumento na nagsasaad na siya ay na-reinstate bilang isang doktor at pirmado ng chairman ng Board of Medicine ng PRC na si Miguel Noche Jr.

Nagpasalamat si Hayden sa mga sumuporta sa kanya, sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina at sa PRC dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon.



KZ Tandingan's Amazing Cover Of 'Rolling In The Deep' By 'Adele' On 'It's Showtime'

Ang pinakaunang winner ng The X-Factor Philippines na si KZ Tandingan ay nagpakitang gilas at talagang napahanga ang mga manonood ng noontime show na It's Showtime, sa loob man ng studio o sa telebisyon, sa kanyang pagtatanghal ng Rolling In The Deep ni Adele.

KZ Tandingan on It's Showtime
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14604626502/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kanyang naturang pagkantang ito ang dahilan kung bakit siya naging nationwide trend sa Twitter.



Daniel Padilla And Kathryn Bernardo Think They Are Not A Perfect Love Team

Taliwas sa iniisip ng karamihan ng tao, sinabi ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi sila perpektong love team dahil nagaaway din sila sa mga hindi nila pagkakaunawaan sa trabaho.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo on ASAP singing Happy
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14416815787/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin naman ni Daniel na inaayos din nila agad ang mga hindi nila pinagkakaunawaan para hindi ito makaapekto sa kanilang trabaho.

Saad naman ni Kathryn, ang number one rule daw kung mayroon silang hindi pagkakaunawaan ay kailangang mag-apologize kaagad.

Sinabi din nang dalawa na ang madalas nilang pinagaawayan ay ang oras, pagod at puyat.

Samantala, si Daniel at Kathryn ay busy din sa pagpropromote ng kanilang panglimang pelikulang, She's Dating The Gangster.

Monday, July 7, 2014

Priest Humiliates Unwed Underage Mother During Her Baby's Baptism

Isang video ang kumakalat ngayon sa Facebook kung saan ang isang hindi ikinasal na ina ay ipinapahiya ng pari sa mismong seremonya ng binyag ng kanyang anak.

Priest Insults Unwed Mother During Her Baby's Baptism
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14602606855/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang video na ito ay ini-upload ni Jieve Daitol Frias ang lola ng binibinyagan sanggol, kung saan makikitang kinakausap ng paring si Fr. Romeo Ubach ng Sacred Heart Chaplaincy in Eversely Child Sanitarium in Cebu ang labingpitong taong gulang na ina ng binibinyagang sanggol.

Tinanong ng pari sa salitang Cebuano ang batang ina kung nahihiya ba siya na mayroon siyang anak sa lalaking hindi naman niya asawa.

Sinabi rin ng pari na kahit hindi nagkasala ang sanggol, maaaring maipasa sa sanggol ang kasalanan niya dahil ang sanggol ay ipinanganak dahil sa isang pagkakasala.

Ang naturang video ay naging viral sa Facebook at marami ang nagcomment na ang pari ay walang karapatan na insultuhin ang batang ina.

Sabi rin ng lola ng nabinyagang sanggol ay imbes na insultuhin ng pari ang kanyang anak, dapat ay binigyan na lamang niya ito ng payo.




Daniel Matsunaga, Jane Oineza And Cheridel Alejandrino Up For Eviction On 'PBB All In'

Ang mga housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza at ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay nominado para sa eviction ng reality show na Pinoy Big Brother: All In para sa linggong ito.

Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Cheridel Alejandrino
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14407914070/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang tatlo ay nominado ng matalo sila sa special nomination challenges na ibinigay ni Big Brother.

Para sa special challenges, ang sampung housemates ay na-divide sa pares. Si Cheridel laban kay Maris Racal, si Loisa Andalio laban kay Vickie Rushton at Manolo Pedrosa laban kay Fourth Solomon. Ang ka-compete ni Daniel ay si Joshua Garcia at si Jane naman ay si Fifth Solomon.

Dalawang housemates pa ang kailangan para makumpleto ang set ng nominees para sa linggong ito.

READ THE SPECIAL CHALLENGE MECHANICS BELOW:


Sunday, July 6, 2014

Vice Ganda Calls Vic Sotto 'Laos At Inutil'?

Kumakalat ngayon sa internet ang video post sa Facebook na talaga namang pilit na sinisira si Vice Ganda kahit na wala namang basehan.

Vic Sotto And Vice Ganda
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14407219840/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

“VICE GANDA SINABIHANG LAOS AT INUTIL si VIC SOTTO on AIR!”. Yan ang attention grabbing title ng video na kumakalat ngayon sa Facebook at iba pang social media sites.

Actually, isa lamang itong scam dahil kung bubuksan mo ang video ay hindi naman ito ma-open.

Sa pagsisiyasat ng Pinoy Scoop, ito ay isang scam website. Ang gumawa ng website na ito ay umaani ng pera sa mga advertisements na inilagay niya at para kumita siya, kailangan niya ng attention grabbing na title, at ito nga ang naisip niya, gawan ng issue si Vice at Vic para kumita.

Kung tutuusin, hindi na ito bago dahil ginawan na rin sila ng intrigang katulad nito isang taon na ang nakaraan katulad na lang ng ginawa ng isang youtube user na di angkop ang titulo sa kanyang inupload na video.



Sarah Geronimo Thinks Matteo Guidicelli Is Worth Keeping (The Buzz)

Sinabi ni Sarah Geronimo na ang relasyon niya kay Matteo Guidicelli ay 'worth keeping' pagkatapos niyang umamin dalawang linggo na ang nakaraan.

Sarah Geronimo Interview on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14592789565/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin ni Sarah sa exclusive interview niya sa The Buzz noong Linggo na hindi siya papasok sa isang relasyon kung hindi niya ito pinagisipan at pinag-aralan ng matagal.

Nang tanungin si Sarah kung bakit nagustuhan niya si Matteo, sinabi niyang dahil si Matteo daw ay matiyaga.

Inamin ni Sarah ang lahat sa kanila ni Matteo noong nakaraang buwan sa thanksgiving party ng kanyang pelikulang Maybe This Time.



Maja Salvador's Sexy Opening Number On Gandang Gabi Vice (GGV)

Ipinakita ni Maja Salvador kung bakit siya tinawag na Legal Performer nang siya ay magperform ng sexy para sa kanyang kantang Dahan-Dahan sa Gandang Gabi Vice (GGV).

Maja Salvador Opens GGV With Song Dahan Dahan
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14590429794/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang Legal Wife star ay magtatanghal sa kanyang kauna-unahang concert sa Music Museum sa July 12.