Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, July 6, 2014

Sarah Geronimo Celebrates 26th Birthday On ASAP

Ang singer, aktres at The Voice Kids coach na si Sarah Geronimo ay nag-celebrate ng kanyang ika-dalawamput anim na kaarawan sa ASAP noong Linggo.

Sarah Geronimo's 26th Birthday on ASAP
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14399884920/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa kanyang birthday production number, nag-ala Michael Jackson si Sarah sa kanyang pagtatanghal at pag-awit ng Love Never Felt So Good.

Si Sarah ay mag-dadalwamput anim na taong gulang nitong Hulyo 25.



Nathan Bautista Wins Battle Of The Rockers On Team Bamboo In 'The Voice Kids'

Kahit na siya ang pinakamaliit, walang nakapigil sa walong taong gulang na si Nathan Bautista para mag-advance sa next round ng The Voice Kids noong Sabado.

Nathan, Junmark and Douglas on The Voice Kids battles
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14398524848/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Naimpressed muli ang mga audience at coaches sa performance ni Nathan kasama ang mga ka-battle niya sa Team Bamboo na sina Junmark Amercin at Douglas Alabe sa kanta ng Aerosmith na I Don't Want To Miss A Thing.

Nahirapan na naman si coach Bamboo Manalac dahil talagang magagaling ang kanyang mga nasa team pero pinili niya si Nathan dahil mas nangibabaw daw ang kanyang delivery at charisma sa kanyang performance.



Saturday, July 5, 2014

Stacy Pineda Emerges From Tough Battle Group On Team Bamboo In 'The Voice Kids'

Sadyang napakahirap na desisyon para kay coach Bamboo Manalac kung saan kailangan niyang mamili ng isa sa tatlong miyembro ng kanyang team na pinahiyaw ang mga audience sa kanilang kamangha-manghang performance noong Sabado.

Stacy, Katherine and Arriana on Team Bamboo Battles
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14398120348/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang pangalawang grupo sa Team ni Bamboo na nagharap ay sina Katherine Medina, Stacy Pineda at Arianna Ocampo na nagwaging makuha ang atensiyon ng mga manonood at judges dahil sa kanilang performance sa kantang 'Ain't No Mountain High Enough' ni Marvin Gaye.

Bago nagumpisa ang round, nailahad na nagkaroon na ng matinding pagkakaibigan ang tatlo.

Si Bamboo ay talagang nahirapan sa pagpili pero kailangan niya talagang mamili at sa huli ay napili niya ang OPM rock singer na si Stacy.



Juan Karlos Labajo Wins First Battle Of Team Bamboo In 'The Voice Kids'

Ang batang Cebuano na si Juan Karlos Labajo ay nabihag na naman ang mga hurado sa pamamagitan ng mas improved niyang boses upang makamit ang pagkapanalo at makarating sa next round ng The Voice Kids noong Sabado.

Juan Karlos, Maite And Julienne on Sing-Offs
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14581105424/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang trese anyos na miyembro ng Team ni Bamboo Manalac ay tinalo ang mga kapwa ka-Team na sina Maite Zubiri at Julienne Echavez sa Sing-Offs.

Itinanghal ng tatlo ang A Thousand Years ni Christina Perri, isang awitin na sabi ni Sarah Geronimo ay mahirap kantahin.

Binigyang pugay naman ni Lea Salonga ang grabeng pag-improve ng boses ni Juan Karlos at ito ang kanyang napiling pumaibabaw sa kanilang tatlo.

Pero ang desisyon ay nasa mga kamay ni Bamboo kung saan napili niya si Juan Karlos sa bandang huli.


Trophy Wife First Trailer Released, Featuring Derek Ramsay And Cristine Reyes

Inireleased ng Viva Films noong Biyernes ang unang trailer ng bago nilang sexy drama movie na 'Trophy Wife' na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Heart Evangelista, John Estrada at Derek Ramsay.

Cristine Reyes and Derek Ramsay on Trophy Wife
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14395681370/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Trophy Wife' ang pangalawang movie na magsasama si Derek at Cristine kung saan ang unang pelikulang pinagsamahan nila ay ang 'No Other Woman' noong 2011.

Si Heart naman at John ay nagkasama na rin sa TV series na 'Hiram' noong 2004.

Ang 'Trophy Wife' ay dinirek ni Andoy Ranay at ito ay ipapalabas sa mga sinehan sa July 30.



Alex Gonzaga Ends Ryan Bang's Hope On It's Showtime (Boom Busted!)

'Boom Busted!' Ito ang mga katagang nasabi ni Ryan Bang ng siya ay diretsahang sinaraduhan ng television host na si Alex Gonzaga sa kanyang puso noong Sabado sa 'It's Showtime'.

Alex Gonzaga And Ryan Bang On It's Showtime
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14599539763/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dalawa ay nagpalitan ng salita sa segment na 'Sine Mo 'To' tungkol sa totoong iskor sa pagitan nilang dalawa, kung saan iginiit ni Alex na gusto lang niyang maging kaibigan si Ryan.

Sinabi rin ni Alex na never niyang pinaasa si Ryan dahil hindi naman daw talaga siya nanligaw. Sumagot naman si Ryan ng tanungin niya si Alex kung puwede siyang manligaw, kung saan napahawak na lang sa mukha si Alex at di nakapagsalita.

Inilahad din ni Ryan na tinanong din niya ang driver ni Alex kung may pagasa siya kung saan sumagot daw ito na ituloy lang daw niya ang panliligaw.

Kung saan tinapos ni Alex na friends lang talaga sila.



Friday, July 4, 2014

Francis 'Kiko' Pangilinan Denies Cheating On Sharon Cuneta

Ang dating senador na si Francis 'Kiko' Pangilinan ay pinabulaanan ang akusasyong kinakaliwa niya ang kanyang asawang si Megastar Sharon Cuneta sa interview niya sa show ni Mareng Winnie Monsod na 'Bawal Ang Pasaway' sa GMA News TV.

Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14575359794/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dagdag pa ni Kiko na hiniwalayan na dapat siya ni Sharon kung siya ay nangangaliwa.

Saad ni Kiko, ang mga alegasyong ito ay palakad ng mga naninira sa kanya sa pulitika at kung walang epekto ito sa kanya, lumalabas din ang balitang siya ay isang bakla.

Tinanggap ni Mareng Winnie ang mga pahayag ni Kiko pero sinabi niyang kapag nalaman niyang nagsisinungaling si Kiko ay talagang magagalit siya sa kanya.



'Elevator Girl', Cheridel Alejandrino In Tears As Son, Kyle Visits Pinoy Big Brother House

Si Cheridel Alejandrino, o mas popular sa pangalang 'Elevator Girl', ay napaluha ng makita niya ang kanyang anak sa episode ng Pinoy Big Brother noong Biyernes.

Cheridel Alejandrino Cries As She Sees Son Kyle Inside PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14389780077/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang sumikat na dating elevator girl dahil sa isang video niya na naging viral, ay di makapagsalita ng maayos ng makita niya ang kanyang anak sa loob ng PBB house.

Si Cheridel ay sumali sa reality show noong June 14 at pinalitan niya ang celebrity house guest na si Alex Gonzaga.

Sina Daniel Matsunaga, Loisa Andalio, Manolo Pedrosa at Vickie Rushton ay nabigyan ng task na mag-bisikleta ng katulad na distansiya mula PBB house hanggang Olongapo, kung saan galing si Cheridel.

Natapos ng grupo ang task pagkatapos ng limang episodes sa show.

Sa katapusan ng episode, sinamahan ni Cheridel ang kanyang anak pabalik sa confession room para magpaalam.



She's Dating The Gangster Starring Daniel Padilla And Kathryn Bernardo Released It's Full Trailer

Nareleased na ang full trailer ng 'She's Dating The Gangster' na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

She's Dating The Gangster
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14571556755/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang trailer ay nagpremiere noong Huwebes sa primetime block ng ABS-CBN at mas marami ang ipinakitang scenes sa present day characters na ginanapan nina Daniel at Kathryn kumpara sa teaser.



Vickie Rushton Expressed Something Is Missing In Her Relationship With Jason Abalos (PBB All In)

Nararamdaman ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na parang may kulang sa relasyon nila ng aktor na si Jason Abalos.

Vickie Rushton Talks To Fourth Solomon
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14568631634/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ito ni Vickie sa episode ng PBB All in noong Huwebes habang kausap niya ang fellow housemate na si Fourth Pagotan.

Sinabi rin ni Vickie na hindi siya close sa pamilya ni Jason.

Saad din ni Vickie na hindi niya alam kung magiimprove ba o lalo lang lumala ang kanilang relasyon ni Jason paglabas niya ng PBB house.

Si Vickie naman sa kasalukuyan ay tinutukso sa fellow housemate na si Daniel Matsunaga.