Lazada Philippines
Lazada Philippines

Thursday, July 3, 2014

Kris Aquino Publicly Apologized To Vilma Santos On 'Aquino & Abunda Tonight'

Nag-apologize si Kris Aquino sa kanyang primetime talk show noong Huwebes kay Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa pagkakatanggap ng kritisismo ni Ate Vi online pagkatapos maishare ni Kris ang litrato ng regalo ni Ate Vi na may mga maling spelling sa dedication.

Kris Aquino Apologize to Ate Vi On Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14568932922/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Kris sa 'Aquino & Abunda Tonight' na naoffend siya nang binigyang malisya ng mga netizens ang kanyang pagpost sa naturang litrato sa kanyang Instagram page.

Nagsabi rin ng saloobin si Boy Abunda tungkol sa pangyayari. Sinabi niyang ang humility ni Ate Vi ay katumbas ng greatness at wisdom, kung saan ito ay mas importante kaysa sa grammar.



Vilma Santos Breaks Silence Over Spelling Error

'Tomorrow is another day!' Iyan ang mga katagang binitawan ni Batangas Governor Vilma Santos nang tanungin siya kung ano ang reaksiyon niya tungkol sa ugong na ginawa ng kanyang spelling mistake na naisapubliko ng ipost ito sa Instagram noong Martes ng TV host na si Kris Aquino.

Vilma Santos
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14545512406/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Hindi na lang pinapansin ni Vilma ang mga kritiko at sinabing mas mainam na magfocus siya sa kanyang trabaho sa kaniyang probinsiya.

Nagumpisa ang lahat ng magpost si Kris sa Instagram ng isang litrato kung saan nakunan ang isang box ng ensaymadang regalo ni Vilma kalakip ang isang dedication card kung saan ang isang word na naisulat ng Gobernador ay wrong spelling.

Dahil dito nagsilabasan ang mga kritiko at binatikos ang Gobernador sa naturang wrong spelling.




Nagpaumanhin naman si Kris sa naturang di inaasahang pangyayari kung saan malugod naman itong tinanggap ni Vilma.


Wednesday, July 2, 2014

James Yap Admits Having An Older Child Besides Bimby

Ang dating asawa ni Kris Aquino na si James Yap ay inaming mayroon siyang ibang anak maliban sa pitong taong gulang na si James 'Bimby' Yap Jr.

Kris Aquino and James Yap On Bimby Visitation
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/13737417765/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Inamin ito ni James sa episode ng 'Tapatan ni Tunying' na ipinalabas noong huwebes ng hapon.

Si Kris at si James ay naging mag-asawa ng pitong taon bago sila naghiwalay.

Sinabi rin ni James na plano niyang magretiro sa kanyang basketball career mga anim na taon magmula ngayon at gusto niyang mag coach ng mga estudyante.

Anne Curtis In Revealing Dress Photo Went Viral

Isang litrato ni Anne Curtis na nakasuot ng high-slit dress na nakuha sa shooting ng kanyang latest movie ang naging viral online.

Anne Curtis Dress on The Gifted
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14376405160/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa naturang litrato, makikita ang Dyesebel star na nakapose sa pintuan at suot ang dark teal dress kung saan bahagyang nakaexpose ang kanyang cleavage. Dahil din sa high slit ng gown, makikita rin ang thigh at right hip ng aktres.

Ang naturang litrato ay nakunan sa set ng latest movie ni Anne na The Gifted, isang comedy film under Viva Films kung saan kasama niya sina Sam Milby at Cristine Reyes.



Charito Miguel, 'Stars On 45' Contestant On 'It's Showtime' Falls Off Stage

Ang contestant na si Charito Miguel sa 'Stars on 45' segment ng It's Showtime ay nahulog habang nagpeperform sa kanta ng Pussycat Dolls na Buttons noong Miyerkules.

Stars on 45 contestant fell during performance
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14560855032/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Charito ay dating miyembro ng Sangkatutak band kung saan kasama niya ang mga beteranong singer na sina Richard Merck at Ivy Violan.

Sa kanyang interview, sinabi ni Charito na hindi siya nasaktan at nagbiro pang nahulog kasi siya dahil bago ang mga sapatos na gamit niya.

Sa naturang segment, siya ay nakakalap ng kabuuang iskor na 9.7 galing sa mga hurado na sina Jay-R, Karylle at Vernie Varga kung saan siya ang nanalo.


Vice Ganda Competes In Cebu Pacific Contest During His Flight

Ang host ng It's Showtime na si Vice Ganda ay sumali sa isang contest ng Cebu Pacific habang sila ay nasa ere.

Vice Ganda on Cebu Pacific flight challenge
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14370893860/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa video na naipost sa isang Facebook parody account, makikita si Vice Ganda na ginagawa ang tongue twister challenge habang ang cabin crew at mga pasahero ay nanonood.

Ang tongue twister na kailangang magawa ni Vice ay 'Cindy Lopez Cindy Lauper'.

Subalit, nagkamali si Vice sa pang-anim niyang attempt pero nagawa pa rin niyang mapahiyaw ang mga tao ng bigla niyang hinalikan sa pisngi ang isa sa mga lalaking flight attendants.




Tuesday, July 1, 2014

Cute Kids Invade Pinoy Big Brother House (PBB All In)

Ang mga Pinoy Big Brother housemates ay mapapasabak sa isang kakaibang challenge sa pagpasok ng ilang mga bata para turuan nila ng nursery rhyme bago matapos ang linggong ito.

Kids invade PBB house
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14369139919/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng reality show noong July 1, limang bata ang sinalubong ng kanilang mga naatasang mga guardian sa loob ng PBB house.

Si Vickie Rushton at Daniel Matsunaga ay naatasang alagaan ang limang taong gulang na si Miguel, si Joshua Garcia at Jane Oineza ay naatasan sa limang taong gulang na si Tino, habang ang apat na taong gulang na si Alonzo ay aalagaan naman ni Loisa Andalio at Fourth Pagotan.

Samantala, si Mariz Racal at Fifth Pagotan naman ay naatasan para sa apat na taong gulang na si Reese at ang panghuli ay ang nagbabalik na limang taong gulang na si Bree, kung saan nag-guest na siya sa Teen Edition ng Pinoy Big Brother kamakailan, at naatasang alagaan ni Manolo Pedrosa at Cheridel Alejandrino.

Ang mga housemates ay sobrang excited sa mga munti nilang bisita pero hindi nila inaasahang malilikot at hyper ang mga ito, katulad na lang ng walang kapagurang si Miguel kung saan hinahabol siya palagi ni Daniel at Vickie.

Samantalang iba ang epekto ng mga bata sa loob ng PBB house para kay Cheridel, kung saan sa nakaraang episode ay umiyak siya dahil namimiss na niya ang kanyang kaisa-isang anak.



Sandara Park Of 2NE1 Watches Sarah Geronimo's Concert In Singapore

Ang K-pop star at 2NE1 member na si Sandara Park ay nanood ng concert ni Sarah Geronimo sa Singapore.

Sandara Park At Sarah Geronimo's Concert in Singapore
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14364526978/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa official Twitter account ni Sandara, nagpost siya ng litrato na kasama si Sarah at ang member ng G-Force dance group na si Georcelle Dapat-Sy.


Ang concert ni Sarah sa Singapore ay nasabay sa Singapore leg ng 2NE1's All or Nothing world tour.

Nag-tweet din si Sandara ng litratong kumakain siya sa Gerry's Grill sa Singapore para sa isang Filipino dinner.


Jane Oineza And Loisa Andalio Have Heart-To-Heart Talk In Pinoy Big Brother

Ang bagong policy na naisatupad sa loob ng Pinoy Big Brother house ay ginawang mapalapit sina Jane Oineza at Loisa Andalio sa isa't-isa.

Loisa Andalio And Jane Oineza on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14363778588/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ito ay pagkatapos nang ang dalawa ay nagkaroon ng maliit na hindi pagkakaintindihan tungkol sa isyung 'attitude problem' ni Jane at sa pagiging malapit na rin niya kay Joshua Garcia, kung saan naging malapit din kay Loisa dati.

Ang bagong rule na naisatupad ay dapat mas maraming oras na magkakasalamuha ang mga teen housemates, gayundin ang mga older housemates.

Dahil sa policy na ito, si Jane at Loisa ay nagkaroon ng oras na magusap ng masinsinan at makilala ang isa't-isa habang nasa sala.

Nagpasalamat si Loisa at Jane sa pagkakataong ito dahil halos dalawang buwan na ang lumipas noong pumasok sila sa PBB house at ngayon lang sila naging malapit sa isa't isa.

Bilang pruweba na wala ng isyu tungkol sa kanilang  dalawa, nagbigay pa ng payo si Loisa kay Jane kung paano niya pakikitunguhan si Joshua.



Jay-R Surprises Viewers As He Appeared On 'It's Showtime'

Nasorpresa ang mga manonood ng It's Showtime noong Lunes ng ang R&B star at GMA-7 artist na si Jay-R Sillona ay nasa ABS-CBN noontime show.

Jay-R on It's Showtime
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14362828269/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Jay-R ang isa sa mga hurado sa variety show kasama ang beteranong singer na si Vernie Varga para sa buong isang linggo.

Kinanta rin ng Filipino-American singer ang kanyang latest single na 'Parachute'.

Sa Twitter naman, ang mga netizens ay nagtatanong kung lumipat na nga ba si Jay-R sa ABS-CBN pagkatapos naging mainstay ng parehas na mga programa sa GMA-7 ng sampung taon.

Naireport kamakailan na ang kontrata ni Jay-R sa GMA-7 ay nagexpire na nitong buwan at sa kanyang Facebook account, nagpasurvey siya sa kanyang mga fans kung mas bagay ba siya sa Sunday All Stars ng GMA o ASAP ng ABS-CBN.

Wala pang statement si Jay-R o ng kanyang management kung pumirma na ba o pipirma na siya ng kontrata sa Kapamilya network.