Lazada Philippines
Lazada Philippines

Wednesday, June 18, 2014

Anne Curtis' New Movie 'The Gifted': Behind The Scenes

Anne Curtis Interview on 'The Gifted' set
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14453266431/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

'Out of this world!', yan ang deskripsiyon ni Anne Curtis sa bago niyang pelikula na 'The Gifted' kung saan kasama niya si Sam Milby at Cristine Reyes.

Ang 'The Gifted' ay isang dark humor film na proyekto ni Chris Martinez kung saan siya rin ang direktor.

Sabi ni Anne na siguradong magugustuhan ng mga manonood ang mga super hilarious na characters at very intelligent script.

Sinabi rin ni Anne na ang kanyang character na si Zoe Tuazon ay isang 'breath of fresh air' na kung saan siguradong maninibago ang kanyang mga fans sa kakaibang character na kanyang ginanapan.

Sa ngayon, wala pang release date ang naihayag para sa naturang pelikula.




Dad Geo Garcia Visits Frozen Joshua Garcia On Pinoy Big Brother

Dad Visits Joshua Garcia on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14268702348/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang ama ng Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia ay di mapigilan ang kanyang luha ng payagan siyang bisitahin ang kanyang anak pagkatapos ng dalawang buwang hindi pagkikita.

Si Geo Garcia and ama ng labinganim na taong gulang na teen housemate, ay bumisita sa bahay ni Kuya para magbigay ng advice tungkol sa love triangle na namamagitan sa kanyang anak at ng mga teen housemates na sina Jane Oineza at Loisa Andalio.

Pinangaralan din ni Geo ang anak tungkol sa mga delikadong kahihinatnan ng pagkahumaling kaagad agad sa pagibig habang si Joshua at ang mga mga housemates ay nakatigil dahil sa weekly task nila.

Habang ang mag-ama ay nagiging emosyonal sa kanilang moment, ilang mga housemates din ang naging emosyonal, katulad ni Jane at Loisa, at mas lalo na si Nichole Baranda na hindi talaga maitago ang mga hikbi.

Ito ang pangalawang pagkakataon na binisita ng magulang si Joshua, kung saan ang unang bumisita sa kanya noong nakaraang buwan ay ang kanyang ina na si Fe na hindi na niya nakita magmula ng siya ay limang taong gulang.




Paul Soriano Shares Plans Of Marrying Toni Gonzaga

Paul Soriano and Toni Gonzaga
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14451345765/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Kung si Toni Gonzaga ay mayroon ng nagawang kanta para sa wedding song nila, si Paul Soriano naman ay honeymoon na ang nasa isipan niya.

Ayon kay Paul, siya ay talagang nasorpresa ng sinabi ni Toni sa isang press conference na ayos at gawa na ang kantang gagamitin para sa kasal nila.

Sinabi rin ni Paul na naghihintay lang siya ng talagang klarong pahiwatig na galing kay Toni bago siya magpropose.

Ngayong magpipitong taon na silang may relasyon, sinabi ni Paul na natuto siyang maging pasensiyoso lalo na't ang girlfriend nitong si Toni ay nasa peak ng kanyang career.

Maliban sa Pinoy Big Brother, si Toni ay parte rin ng ASAP family at co-host din siya ng The Buzz. Siya rin ang magiging host ng second season ng The Voice of the Philippines.

Si Paul naman ay kasalukuyang gumagawa ng mga TV commercials at nagpoproduce ng dalawang pelikula para sa Cinemalaya film festival para sa taong ito. Siya rin ay magdidirek ng pelikula sa mga huling buwan ng taong ito.

Pero, kahit sa mga busy schedules nila, nagpapasalamat si Paul at kaya pa rin nilang bigyan ng oras ang relasyon nilang dalawa.

Elevator Girl, Cheridel Alejandrino Charms 'Pinoy Big Brother' On Her First Day

Elevator Girl Cheridel Alejandrino On PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14470300953/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay napasaya ang mga housemates sa unang araw niya sa Pinoy Big Brother noong Martes.

Si Cheridel ay sumikat ng maging viral ang video niya bilang elevator girl. Sa unang araw niya ay binigyan siya agad ni kuya ng task.

Bago siya payagang makapunta sa living room, sinabihan ni Kuya na kailangan niyang makilala ang bawat isa sa mga housemates habang ina-assists niya sila sa sarili niyang elevator.

Talagang nakakatuwa itong si elevator girl dahil sa isang scene ay nagkamali siya sa tawag sa confession room kung saan tinawag niya itong, consperence room, conference room, convention room at confintion room.




Alex Gonzaga Explains Why Jane Oineza Is Disliked By PBB Housemates

Alex Gonzaga on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14448615134/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dating Pinoy Big Brother celebrity house guest na si Alex Gonzaga ay nagpaliwanag sa naturang diumanoy hindi pagkakagusto ng mga housemates kay Jane Oineza, at ng love triangle na namuo sa pagitan nila Jane Oineza, Joshua Garcia at Loisa Andalio.

Sa panayam ng Aquino & Abunda Tonight, ipinaliwanag ni Alex na hirap si Jane sumabay sa dalawang age groups dahil sa kanyang ugali na parang matanda na. Ang mga teen housemates ay nagtataka bakit si Jane ay kilos matanda na at ang mga adult housemates naman ay ganun din.




Tuesday, June 17, 2014

Bea Alonzo And Paulo Avelino Enters 'Pinoy Big Brother' House

Bea Alonzo and Paulo Avelino on Pinoy Big Brother
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14262759168/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pumasok sa Pinoy Big Brother house si Bea Alonzo para sa isang misyon sa isang episode ng reality show na ipinalabas noong Martes kung saan iba't ibang reaksiyon ang ikinatuwa ng mga housemates.

Kasama ni Bea ang leading man niya sa 'Sana Bukas Pa Ang Kahapon' na si Paulo Avelino, kung saan kinuntsaba sila ni Kuya para ma-distract ang mga housemates sa kanilang weekly task, kung saan kailangan nilang manatiling di gumagalaw kapag sinabing tumigil at gagalaw lang sila uli kapag sinabing galaw.

Nauna si Bea na pumasok sa living room kung saan talagang kiniliti din niya ang ibang housemates. Sumunod naman si Paulo para mang-distract din sa mga babaeng housemates pero talagang matibay at matatag ang mga housemates. Muli lamang nakagalaw ang mga housemates ng nakapasok uli sa confession room si Bea at Paulo kung saan nagsigawan at nagtitilian ang mga housemates sa sorpresa.




Eric 'Eruption' Tai Wears Make Up And Skirt After He Lost A Bet To Billy Crawford

Eric Tai Wearing Skirt and Make Up
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14463018893/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang host ng 'It's Showtime' na si Eric 'Eruption' Tai ay nag-makeup at nagsuot ng skirt pagkatapos niyang matalo sa isang pustahan.

Ang pustahan ay base sa kung sino ang mananalo sa NBA finals ngayong taon kung saan kapustahan niya si Billy Crawford. Sa NBA finals, nanalo ang San Antonio Spurs kung saan pumusta si Billy at natalo ang kalaban nitong koponan na Miami Heat kung saan naman pumusta si Eric. Ang pustahan na ito ay ginawa rin nila noong nakaraang taon kung saan si Billy naman ang natalo at nagpakulay ng buhok ng nanaig ang Miami Heat.




Annabelle Rama Belittled Sarah Lahbati's Mom Esther Lahbati At Baby Zion's Party?

Sarah Lahbati With Mom Esther
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14255713407/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Totoo bang minaliit at di pinansin ng talent manager na si Anabelle Rama ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati noong birthday party at christening ni Baby Zion noong Linggo, June 14, 2014?

Sa Instagram post ni Esther, inilabas niya ang kanyang hinanakit kung saan nagpost siya ng litrato ni Baby Zion na may caption na: (Ang naturang post ay nadelete na)





Napahiya din daw si Esther ng sabihan ng isang tao sa selebrasyon na iuwi na niya ang mga tirang pagkain sa party. Pinagmukha daw tuloy siyang patay gutom at awang awa siya sa sarili niya.

Kahit hindi pinangalanan ni Esther kung sino ang nagpahiya sa kanya, maraming tao ang nagsasabing ang ina mismo ni Richard Gutierrez yun.

Marami rin ang nakapansin na halos lahat ng ninong at ninang ay puro celebrities at close friends ng mga Gutierrez. Ni wala man lang isang litrato si Esther o ng pamilya Lahbati noong christening at birthday celebration na naipost online.

Samantala, si Sarah Lahbati ay nagpost ng family photo get together kasama ang kanyang mga magulang, si Baby Zion at Richard Gutierrez na may caption na 'Like any other family we have misunderstandings but we will settle this internally and we will move forward.'




Monday, June 16, 2014

Kris Aquino And Derek Ramsay Go On A Movie Date

Kris Aquino With Derek Ramsay, Josh and Bimby after watching The Fault in our Stars
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14254314047/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Kris Aquino ay nakipag-movie-date kay Derek Ramsay noong Sabado ng gabi.

Nagpost si Aquino sa kanyang Instagram account ng movie poster ng 'The Fault in our Stars' kung saan nakasulat sa caption na sinamahan daw siya ng tatlong boys kung saan nagpost din siya ng picture kung sino ang mga kasama niya pagkatapos ng ilang oras.

Sa post na iyon ay nakitang kasama ni Kris ang kanyang dalawang anak na si Joshua at Bimby at ang pangatlo ay si Derek Ramsay na kung saan siya nalilink dati.

Nagumpisa ang tsismis na may namumuong pag-ibig kina Kris at Derek noong Marso kung saan nagpost si Derek sa kanyang Instagram account ng litratong kasama si Kris.


Sunday, June 15, 2014

Melason, Melai Cantiveros And Jason Francisco Brings Baby To 'The Buzz'

Melason shows baby on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14247337337/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang celebrity couple na si Jason Francisco at Melai Cantiveros ay nagpaunlak ng interview sa The Buzz noong Fathers Day, Linggo, kasama ang kanilang dalawang buwan na baby na si Mela.

Ang mag-asawang mas kilala bilang Melason at dating mga housemates sa Pinoy Big Brother ay kababalik lamang sa Maynila galing General Santos City kung saan sila ay nanirahan pagkatapos manganak ni Melai.

Si Melai ay patawang nagkuwento kay host Toni Gonzaga ng kanyang mga naranasan noong siya ay nanganganak at nagpasalamat ng todo sa asawang si Jason dahil sa pagiging napakabuting ama.