Lazada Philippines
Lazada Philippines

Monday, July 7, 2014

Priest Humiliates Unwed Underage Mother During Her Baby's Baptism

Isang video ang kumakalat ngayon sa Facebook kung saan ang isang hindi ikinasal na ina ay ipinapahiya ng pari sa mismong seremonya ng binyag ng kanyang anak.

Priest Insults Unwed Mother During Her Baby's Baptism
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14602606855/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang video na ito ay ini-upload ni Jieve Daitol Frias ang lola ng binibinyagan sanggol, kung saan makikitang kinakausap ng paring si Fr. Romeo Ubach ng Sacred Heart Chaplaincy in Eversely Child Sanitarium in Cebu ang labingpitong taong gulang na ina ng binibinyagang sanggol.

Tinanong ng pari sa salitang Cebuano ang batang ina kung nahihiya ba siya na mayroon siyang anak sa lalaking hindi naman niya asawa.

Sinabi rin ng pari na kahit hindi nagkasala ang sanggol, maaaring maipasa sa sanggol ang kasalanan niya dahil ang sanggol ay ipinanganak dahil sa isang pagkakasala.

Ang naturang video ay naging viral sa Facebook at marami ang nagcomment na ang pari ay walang karapatan na insultuhin ang batang ina.

Sabi rin ng lola ng nabinyagang sanggol ay imbes na insultuhin ng pari ang kanyang anak, dapat ay binigyan na lamang niya ito ng payo.




0 comments:

Post a Comment