Ang bente kuwatro anyos na aktor ay nagpunta sa Quezon City Hall of Justice noong Huwebes ng hapon at nag-file ng complaint na Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA Network.
Aljur Abrenica Files A Case Against GMA Network at Quezon City Hall of Justice Courtesy of Dane Alegana https://www.flickr.com/photos/danealegana/ Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14734858101/ License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode |
Ayon sa formal complaint, si Aljur ay isang exclusive talent ng GMA-7 hanggang March 2015. Ang kanyang kontrata ay renewable ng tatlong taon, ayon sa network's exclusive option.
Si Aljur ay humihingi ng isang milyong piso para sa moral damages hinggil sa kanyang nabahirang reputasyon, serious anxiety at sleepless nights, kung saan pinagtrabaho siya ng GMA-7 ng mahabang oras kahit na siya ay may sakit, na nakaapekto sa kanyang acting performance.
Ang complaint na nilagdaan ng legal counsel ni Aljur na si Atty. Ferdinand Topacio ay humihingi rin ng P100,000 na exemplary damages at karagdagang P800,000 para sa attorney's at iba pang legal fees.
Ayon kay Topacio, wala ng choice si Aljur dahil nakipag-usap na daw ito sa mga network executives ng GMA-7. Dagdag pa niya na ang kampo nila ay hindi naguumpisa ng gulo kundi para mag-open ng dialogue sa mga GMA-7 executives para i-terminate ang kontrata ni Aljur.
0 comments:
Post a Comment