Lazada Philippines
Lazada Philippines

Monday, June 30, 2014

Richard Gutierrez And Baby Zion Joins Sarah Lahbati On Runway

Ang celebrity couple na si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na nasa ulo ng mga balita nitong nakaraang buwan magmula ng ipakilala nila ang kanilang anak, ay malugod na pinaunlakan at sinorpresa ang karamihan ng sumali sila sa isang fashion show sa Quezon City.

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati and Baby Zion at Fashion Show
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14524048746/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa Style Origin event na ginanap sa Fairview Terraces mall, si Sarah lamang ang naintroduced sa catwalk para sa pagmomodel niya sa American Eagle Outfitters.

Pero laking gulat ng mga audience ng lumabas si Sarah kasama si Richard. Naglakad ang dalawa sa runway hanggang sa kinuha nila ang kanilang baby na si Zion para isama sa catwalk at nagposed ng ilang segundo para sa mga photographers.



Boy Abunda Said 'Kung Wala Si Jane, There Is No Story!', On 'The Buzz'

'Kung wala si Jane, there is no story.' Yan ang matatapang na salita na binitawan ni Boy Abunda ng magsalita siya tungkol sa sinasabing 'attitude problem' ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house.

Boy Abunda and Kris Aquino on The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14354771609/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng 'The Buzz' noong Linggo, kasama nila Boy Abunda, Kris Aquino at Toni Gonzaga ang mga na-evict na PBB housemates na sina Aina Solano, Jayme Jalandoni at Michele Gumabao kung saan pinagusapan nila kung bakit hindi gusto ng ilang housemates si Jane.

Ang theory ni Abunda ay malamang na ang ibang housemates ay nag-eexpect na si Jane ay maging katulad nila.

Idiniin din ni Abunda na ang PBB ay hindi kumbento kung saan ang mga mabubuting tao lang ang puwedeng tumira sa loob.

Sa mga sinabing ito ni Abunda, ipinaliwanag niya na nirerespeto pa rin naman niya ang opinyon ng mga ibang housemates tungkol kay Jane.



Sunday, June 29, 2014

Daniel Matsunaga Kisses Vickie Rushton On 'Pinoy Big Brother' (PBB All In)

Ang Pinoy Big Brother All In celebrity housemate na si Daniel Matsunaga ay hinalikan ang kapwa housemate na si Vickie Rushton sa noo sa isang episode ng reality show na naipalabas sa linggong ito.

Daniel Matsunaga Kisses Vickie Rushton on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14354048347/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa naturang episode, ang house guest na si Cheridel Alejandrino o mas kilala bilang 'Elevator Girl' ay nakipagpustahan kay Daniel Matsunaga na kaya niyang kunin ang bola habang naglalaro sila ng soccer sa loob ng isang minuto.

Nang nanalo si Cheridel sa laro, ayaw halikan ni Daniel si Cheridel. Hinabol ng Elevator Girl ang Brazilian-Japanese model kung saan tumakbo naman ito papunta kay Vickie Rushton, kung saan hinalikan ni Daniel si Vickie sa noo.

Ang mga housemates ay biglang nagtititili sa kilig dahil sa kanilang nasaksihan. Makikita rin sa mga nakaraang episodes na tinutukso rin ng mga housemates ang dalawa at pinangalanan pang 'ViNiel' ang kanilang love team.



Alex Gonzaga And Michele Gumabao In Rap Battle On 'Gandang Gabi Vice' (GGV)

Ang mga dating Pinoy Big Brother housemates na sina Alex Gonzaga at Michele Gumabao ay parehong umamin sa 'Gandang Gabi Vice' na may crush sila sa kapwa nilang housemate na si Fourth Pagotan.

Alex Gonzaga and Michele Gumabao on GGV
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14516713866/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dahil dito, binigyan ng challenge ng host na si Vice Ganda sina Alex at Michele kung saan sila ay nag rap battle para sa isang audience member na nagpanggap bilang si Fourth.



Nichole Baranda Evicted From 'Pinoy Big Brother' (PBB All In)

Ang 'Sweet Revelation ng Makati' na si Nichole Baranda ay naevict sa Pinoy Big Brother house.

Nichole Baranda on PBB Live Eviction night
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14538150002/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa live eviction night ng reality show noong Linggo, si Nichole ang pang siyam na housemate na natanggal sa kompetisyon pagkatapos niyang makakalap lamang ng 12.61 porsiyento ng mga boto mula sa mga manonood.

Nang lumabas si Nichole, sinalubong siya ng kanyang ina na si Phoemela Baranda.

Naging kontrobersiyal si Nichole noong Oktubre ng umamin sa publiko si Phoemela na anak niya si Nichole na isinekreto niya ng mahigit sampung taon.




Kim Chiu In ASAP's Wet And Wild Dance Number With Enchong Dee

Ang aktres na si Kim Chiu ay sumayaw sa Sunday noontime show ng ABS-CBN na 'ASAP' sa isang wet and wild dance number. Si Kim ay nakasuot ng white body-hugging top at skimpy shorts.

Kim Chiu In ASAP Wet And Wild Number
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14348868387/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ginanap ang dance number na may artificial rain sa labas ng studio kung saan kasama rin niya ang aktor na si Enchong Dee para sa special production number.




Saturday, June 28, 2014

Angel Locsin Responds To Jennylyn Mercado's Good Wishes

Ang Darna star na si Angel Locsin ay mayroon lamang maikling sagot ng tanungin siya sa pagbati ni Jennylyn Mercado ng good wishes sa plano nilang pagpapakasal ni Luis Manzano.

Angel Locsin Interview About Darna
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14528287335/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong Martes, si Jennylyn ay natanong kung mayroon siyang wish para kay Luis, ang boyfriend niya ng dalawang taon.

Noong una, parang ayaw sagutin ni Jennylyn ang tanong pero sa huli ay sinabi niyang good wishes para kina Angel at Luis.

Kaya nung si Angel naman ang tinanong kung anong reaksiyon niya sa sagot ni Jennylyn ay nagpasalamat siya.

Samantala, tungkol naman sa balitang plano ng magpakasal ni Angel at Luis, sinabi ni Angel na hindi naman daw sila nagmamadali.




Daniel Padilla And Kathryn Bernardo's New Movie 'She's Dating The Gangster' Trailer Released

Ang unang trailer ng movie adaptation ng Star Cinema mula sa best selling book na 'She's Dating The Gangster' ay nareleased na.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo on She's Dating The Gangster
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14527566125/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa 90 minute na teaser ng movie, ang 17 year old na si Athena, na ginanapan ni Kathryn Bernardo, ay nakipag-deal sa heaththrob na si Kenji, na ginanapan naman ni Daniel Padilla, para magpanggap na kanyang girlfriend upang mapagselos ang kanyang ex-girlfriend.

Ang pelikula ay nakaset sa timeline noong 90's ayon na rin sa popular na nobela ni Bianca Bernardino, kung saan makikita sa trailer ang malalaking gadgets at fashion choices ng mga karakter.

Makikita rin sa trailer na dalawa ang role nila Kathryn at Daniel kung saan ang isa sa kanilang karakter ay nakaset naman sa present time.

Ang 'She's Dating The Gangster' ay maipapalabas simula July 16 at ito ang pangatlong pagsasama ng rumored couple sa pelikula.

Ang direktor ng pelikula ay si Cathy Garcia-Molina na nakatrabaho na rin ni Daniel at Kathryn sa kanilang TV series na 'Got To Believe'.




Michele Gumabao Said Housemates Think Jane Oineza Is Fake

Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Michele Gumabao ay ipinaliwanag noong Biyernes kung bakit kinaaayawan ng lahat ng housemates si Jane Oineza sa loob ng PBB house.

Michele Gumabao on Aquino & Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14522823471/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa live interview ng champion volleyball player sa 'Aquino & Abunda Tonight', ipinaliwanag niya na ang young actress ay may tendency na gumawa ng mga bagay na di naaayon o kasalungat ng mga sinasabi nya, kung saan napapasama siya, dahil sa tingin ng mga tao, siya ay isang fake na tao dahil sa aksiyon niyang ito.




Friday, June 27, 2014

Rochelle Pangilinan, Former SexBomb Girl, Almost Nude On Cover Of FHM's July 2014 Issue

Ang dating SexBomb Girls member na si Rochelle Pangilinan ay nagpost ng halos hubot hubad sa cover ng FHM sa July 2014 issue ng naturang magazine.

Rochelle Pangilinan
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14337797797/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng dancer-actress na ang ginawa niyang latest shoot para sa FHM ang pinakamatapang niyang ginawa sa buong career niya dahil ito ang unang pagkakataon na nagposed siya ng solo para sa naturang magazine. Si Rochelle ay lumabas na sa FHM noong 2002 at 2004 kasama ang kanyang grupong SexBomb Girls.

Itong latest issue ng FHM ay kasama ang 'Sexiest Women in the Philippines' special kung saan ang Top 5 sa listahan ay sina Marian Rivera, Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Cristine Reyes.


Rochelle Pangilinan on the July 2014 cover of FHM. Photo from the official website of FHM


Vickie Rushton Disappointed With Boyfriend Jason Abalos (PBB All In)

Sinabi ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na disappointed siya sa decreasing effort ng kanyang boyfriend na si Jason Abalos para maging espesyal ang kanilang relasyon.

Vickie Rushton mingling with other PBB Housemates
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14522185744/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng reality show noong Huwebes, naglabas ng hinanakit si Vickie na tila nababawasan ang effort ni Jason na sorpresahin siya kahit na ito pa man ay espesyal na okasyon.

Si Jason ay bumisita kamakailan sa PBB house ng tawagin siya ni Kuya para iabot kay Vickie ang sulat ng ama pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkausap ng masinsinan.




Marian Rivera Tops FHM's Sexiest Women In The Philippines 2014

Inihayag ng men's magazine na FHM noong Biyernes ang resulta ng kanilang taunang 'Sexiest Women in the Philippines' poll kung saan mahigit kumulang 13 million na boto ang dumating.

Marian Rivera at FHM Sexiest Party
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14496160266/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang number one sa listahan sa pangatlong pagkakataon ay si Marian Rivera na nakakalap ng 1.5 million na boto.

Nagpasalamat ang bente nuwebe anyos na aktres sa mga bumoto sa kanya sa pamamagitan ng Instagram pagkatapos ng anunsiyo.

Pumapangalawa naman sa listahan si Sam Pinto na nakakalap ng 1.4 million votes. Si Sam ay suki na rin ng FHM's Sexiest list magmula pa noong 2011 kung saan siya ay nangunguna o pumapangalawa sa listahan.

Ang pangatlo sa listahan ay si Angel Locsin na nakakalap ng 1 million votes. Pang-apat naman si Jennylyn Mercado na may 980,000 votes at panglima si Cristine Reyes na may 850,000 votes.

Ang buong listahan ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2014 ay lalabas kasama ng July 2014 issue ng magazine.

Thursday, June 26, 2014

Kim Chiu And Julia Montes Fight Scene In 'Ikaw Lamang' Trends Worldwide

Ang pisikal na komprontasyon ng mga karakter nina Julia Montes at Kim Chiu sa 'Ikaw Lamang' na ipinalabas noong Miyerkules ay naging worldwide trending topic sa Twitter.

Julia Montes and Kim Chiu Ikaw Lamang
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14517587365/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ginaganapan ni Julia ang karakter na si Mona, ang asawa ni Samuel na ginaganapan naman ni Coco Martin, samantalang si Kim Chiu ay gumaganap bilang si Isabel, ang pinagbibintangan ni Mona na ang dinadala niyang sanggol ay anak ng kanyang asawa.

Pagkatapos maipalabas ang scene sa episode, lahat ng netizens na nakatutok sa Ikaw Lamang ay nag share ng kanilang mga reaksiyon at ito'y naging isa sa mas pinaguusapang topic sa gabing iyon.




Angel Locsin To Fly Again As Darna In Philippines Biggest Movie

Si Angel Locsin ay lilipad muli bilang Darna sa isang pelikula kung saan sinabi niyang ito ang pinakauna sa Philippine cinema kung titingnan sa kalidad.

Angel Locsin interview on new Darna movie
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14329788647/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Kinumpirma ito ng bente nuwebe anyos na aktres noong Huwebes kung saan siya ay unang gumanap sa karakter ni Mars Ravelo noong 2005.

Ang pelikula ay isang proyekto ng Star Cinema at si Erik Matti ang magiging direktor ng naturang pelikula.

Nakipagpulong na si Angel sa creative team at executives ng Star Cinema pero wala pa itong kaukulang movie title.

Sinabi rin ni Angel na ang vision ng Star Cinema para sa pelikula ay daring dahil ang mga involved sa likod ng kamera ay ang mga pinakamagagaling sa industriyang ito sa Pilipinas.




Nikki Gil, Billy Crawford And Coleen Garcia In One Fashion Show

Sina Nikki Gil, Coleen Garcia at Billy Crawford ay lumahok sa isang show pagkatapos ng siyam na buwan mula ng wakasan nina Billy at Nikki ang limang taong relasyon.

Billy, Coleen and Nikki
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14325439197/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode
Ang show na ito ay ang Style Origin High Street Fashion Show na ginanap sa Trinoma noong Linggo kung saan si Coleen ang unang rumampa sa entablado at sinundan naman ni Nikki.

Samantalang si Billy naman na napaguusapang boyfriend ni Coleen ngayon ay sumayaw at kumanta sa event.

Kahit hindi sigurado kung nagkatagpo ang tatlo sa backstage, ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang tatlong celebrities sa iisang show.



Wednesday, June 25, 2014

Jayme Jalandoni Turns Emotional Over Jane Oineza In Aquino & Abunda Tonight


Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Jayme Jalandoni ay naging emosyonal pagkatapos nilang pagusapan sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight ang tungkol sa celebrity housemate na si Jane Oineza na naging puntirya ng mga kritisismo dahil sa kanyang mga aksiyon sa loob ng PBB house.


Jayme Jalandoni In Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14487260376/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong Miyerkules sa Aquino & Abunda Tonight, tinanong ni Boy Abunda si Jayme kung ayaw niya si Jane. Sumagot si Jayme ng hindi kung saan nagtanong agad si Kris Aquino kung gusto niya si Jane. Sumagot si Jayme ng mahal daw niya si Jane sa ibang paraan.

Naging emosyonal ang bente tres anyos na nurse habang siya ay nagpapaliwanag at kinekwento ang tungkol sa pagkacounsel niya kasama ang mga mas matandang housemates kay Jane.




Sarah Geronimo Sings Despite Technical Problems


Walang makakapigil kay Sarah Geronimo kahit technical problems na ang kalaban niya sa pag-perform sa grand coronation night ng Miss Manila 2014 noong Martes ng gabi.

Nang ang bente singko anyos na singer ay maguumpisa na sa kanyang performance, nagkamali ang technical team, ng pinatugtog nila ang kantang may vocals imbes na yung minus-one.

Kahit nasorpresa si Sarah ay minatili niyang maging kalmado sa stage at imbes na maghintay para maayos ng technical team ang problema, nakipag-interact siya sa audience.

Ilang mga organizers din ang nakitang lumapit kay Sarah, pati na rin si Manila Mayor Joseph Estrada ay napatayo kung saan mukhang alalang alala siya sa nangyari.

Pero nanatiling nakangiti si Sarah at hinintay ang tamang track na maipatugtog.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakapagperform din si Sarah kung saan isa itong tribute sa siyudad ng Manila.




Daniel Padilla's Latest Music Video Was Shot By Housemates Inside Pinoy Big Brother House


Ang music video ng latest single ni Daniel Padilla na 'Unlimited and Free' ay unang ipinalabas sa Pinoy Big Brother: All In noong Martes ng gabi.

Ang music video ay ginawa ng mga housemates kasama si Daniel at ang ka love team niyang si Kathryn Bernardo.

Sa kantang 'Unlimited and Free', pinasalamatan ni Daniel ang lahat ng sumuporta sa kanya magmula ng sumabak siya sa showbiz.

Ayon sa music channel na MYX, ito ang paraan na ginawa ni Daniel para pasalamatan ang kanyang pamilya at mga fans na nagbigay suporta sa kanya ng todo.




Tuesday, June 24, 2014

Jane Oineza, Emotional When She Says Sorry To Kathryn Bernardo In 'Pinoy Big Brother: All In'



Naging emosyonal ang Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Jane Oineza ng harapin niya ang dating co-star na si Kathryn Bernardo tungkol sa pagkakaroon niya ng duda kung nagpa-cosmetic surgery ba ang Got To Believe star, kung saan nag-apologize naman siya.

Sa episode ng reality show noong Martes, ipinanood ni Kuya kay Jane ang video ng nakaraang usapan nila ng teen housemates tungkol kay Kathryn.

Sa video clip, sumagot si Jane ng No Comment ng tanungin siya ni Loisa Andalio kung totoo bang nagpaopera si Kathryn.

Nang tanungin ni Big Brother kung ano ang ibig sabihin ng sagot ni Jane, ipinaliwanag niya na hindi siya sigurado kung totoo bang nagpaopera si Kathryn.

Ipinaalam ni Kuya kay Jane na alam ni Kathryn ang pinagusapan nila ng mga teen housemates.

Si Kathryn Bernardo naman na bumisita sa PBB house ay tinawag ni Kuya sa confession room para maayos ang lahat kay Jane.

Naging emosyonal si Jane habang nag-sosorry siya kay Kathryn.

Nagbigay ng payo si Kathryn kung saan sinabi niyang dapat mag-ingat si Jane sa mga sagot niya dahil maaaring mamisinterpret ito ng mga tao.

Pagkatapos tanggapin ni Kathryn ang apology ni Jane, nagbiro pa siya na sana pinahawak niya sa mga housemates ang kanyang mukha kung mayroon ba talagang naretoke.




Rowden, A Dying Cancer Patient Marries Girlfriend Leizel

Rowden and Leizel Wedding
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14497521914/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang wedding video ng isang cancer patient at ng kanyang girlfriend na nakunan oras lamang bago siya sumakabilang buhay ang umiikot ngayon online.

Makikita sa tatlong minutong video na inupload ni Hasset Go sa YouTube noong June 18, na ginanap ang kasal sa loob mismo ng ospital.

Saad ni Hasset sa description ng video na si Rowden at Leizel ay nagdesisyon na magpakasal sa 30th birthday ni Rowden sa July 8, 2014.

Pero nadiagnosed si Rowden ng stage IV liver cancer noong Mayo, at ang last request ng kanyang kapatid ay pakasalan si Leizel.

Pagkatapos ng labindalawang oras na preparasyon, ang pangarap ni Rowden ay natupad, kung saan dinala na mismo nila ang simbahan sa kanya dahil hindi siya puwedeng lumabas ng ospital.

Sa Facebook page ni Hasset, nagpasalamat siya sa Philippine General Hospital dahil malugod nilang pinagbigyan ang kahilingan ng kanyang kapatid.

Sa video, ay makikitang umattend ang mga kaibigan at pamilya nila Rowden at Leizel.

Si Leizel ay dumating na nakawedding dress at nakipag-exchanged vows sa nasa kamang si Rowden.

Sampung oras pagkatapos ng kanilang kasal, binawian ng buhay si Rowden noong June 11 sa edad na 29.




Mariel Rodriguez Returns To ABS-CBN As It's Showtime Judge

Mariel Rodriguez As One Of The Judges On It's Showtime
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14494916872/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dating Kapamilya TV host na si Mariel Rodriguez ay nagbalik sa ABS-CBN noong Lunes at naging isa sa mga hurado sa It's Showtime para sa buong linggong ito.

Pagkatapos maipakilala si Mariel bilang isa sa mga hurado, ang pangalan niya ay naging isa sa mga pinaguusapang topic sa Twitter sa Pilipinas.

Bilang welcome, nagbigay si Mariel ng sampol ng kanyang talento kung saan kinantahan niya ang studio audience ng Fallin ni Robert Klein at sinayaw ang Boom Panes ni Vice Ganda.

Maliban sa pagiging hurado niya sa It's Showtime, bumisita rin si Mariel sa Pinoy Big Brother house, paglalahad ng TV host na si Bianca Gonzalez.




Monday, June 23, 2014

Bamboo Sings Own Version Of Boom Panes And Performs Hallelujah With Bambuang On Gandang Gabi Vice

Bamboo On Gandang Gabi Vice
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14489256665/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Kinanta ng rocker at The Voice Kids coach Bamboo Manalac ang sarili niyang rock version ng kantang Boom Panes ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice noong Linggo.

Kinanta rin niya ang hit single niyang Hallelujah kasama ang Kalokalike niyang si Bambuang habang si Vice Ganda naman at ang co-host niyang si Negi ay nag-provide ng choreography at katatawanan.




Jayme Jalandoni And Michele Gumabao Evicted From 'Pinoy Big Brother' (PBB All In)

Jayme Jalandoni and Michelle Gumabao Out Of PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14483744951/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Lumabas na ng Pinoy Big Brother house sina Jayme Jalandoni at Michele Gumabao sa live eviction night ng reality show noong Linggo, kung saan si Jayme at Michelle ang pang-pito at pang-walong housemates na na-eliminate sa kompetisyon.

Sinalubong si Jayme ng kanyang ama sa labas ng PBB house kung saan sinabi niya na excited na siyang kumain ng cheeseburger.

Samantala, si Michele naman ay sinalubong ng kanyang bestfriend at sinabing mamimiss niya ang lahat ng housemates.

Nagpasalamat din si Kuya kay Michele dahil sa pagiging mabait niya at mabuting guide para sa mga teen housemates.




Sunday, June 22, 2014

Daniel Padilla Surprises 'Pinoy Big Brother' Housemate Loisa Andalio (PBB All In)

Daniel Padilla Surprises Loisa In PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14483420991/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga fans nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay excited na makita ang kanilang mga idolo sa pagbisita sa Pinoy Big Brother house.

Noong Linggo, naging trending ang hashtag na #KathNielPBBAllIn sa Twitter pagkatapos maipalabas ang teaser kung saan nakitang nagbigay ng bulaklak si Daniel sa self confessed KathNiel fan na si PBB housemate Loisa Andalio.

Sa mga nakaraang interview, nasabi ni Kathryn na isa siyang fan ng PBB at pangarap niyang makapasok sa bahay ni kuya kasama ang leading man niyang si Daniel.




Triscia Jumawid Completed Sarah Geronimo's Team On 'The Voice Kids'

Triscia Jumawid Sings Halo By Beyonce On The Voice Kids
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14298882198/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang trese anyos na batang babae galing Mindanao ang kumumpleto sa team ni Sarah Geronimo pagkatapos niyang kumanta ng Halo ni Beyonce sa huling gabi ng Blind Auditions ng The Voice Kids.

Naimpressed si Sarah kay Triscia Jumawid na tubong General Santos City kung saan naikumpara pa niya ito kay dating The Voice finalist Klarisse De Guzman.

Napaiyak sa tuwa si Triscia nang lumapit si Sarah sa kanya pagkatapos niyang kumanta.

Sinabi ng ina ni Triscia na ang yumao niyang lola ang nag-train sa kanya sa pagkanta.




Sarah Geronimo Asks Autograph From Grace Alade, The Last Team Lea Recruit On 'The Voice Kids'

Grace Alade Sings Try It On My Own in The Voice Kids
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14502018443/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang labing apat na taong gulang na nagngangalang Grace Alade, at tubong Binangonan, Rizal ang napaikot ang tatlong coaches sa Blind Auditions ng The Voice Kids noong Linggo nang kantahin niya ang 'Try It On My Own' ni Whitney Houston.

Sinabi ni Lea Salonga na sa sobrang ganda ng boses niya ay natauban pa niya si Whitney Houston.

Samantala, sinabi naman ni Bamboo Manalac na ang performance ni Grace ang pinakadabest so far.

Sa parte naman ni Sarah Geronimo, sinabi niyang isang daang porsiyentong sigurado siya na si Grace ay malayo ang mararating sa hinaharap dahil sa kanyang napakagandang tinig, kung saan tumayo pa si Sarah at humingi ng autograph kay Grace.

Sa huli ay pinili ni Grace na mapasama sa Team Lea kung saan siya ang huli at pang labing walong miyembro na kumumpleto sa team ni Salonga.




Ranty Portento Evicted From Pinoy Big Brother House

Ranty Portento Evicted From PBB House
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14479088112/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang bente sais anyos na seaman na si Ranty Portento na tubong Quezon province ay na-evict sa Pinoy Big Brother house.

Sa live eviction night ng reality show noong Sabado, si Ranty na tinatawag ding 'Maginoong Marino ng Quezon' ang pang-anim na housemate na na-eliminate sa kompetisyon.

Pagkatapos ng announcement, nagmadali si Ranty para dumistansiya palayo sa mga housemates na ikinasorpresa ng iba at sumigaw para siya ay bumalik.

Bago siya lumabas ng PBB house, nagmadali ang fellow housemate niyang si Joshua Garcia para magpaalam.

Sinabi ni Ranty na nagmadali siya dahil masakit sa kanya na iwan ang mga ibang housemates.

Sa confession room, tinanong ni Kuya kung anong bagong Ranty ang lalabas sa kanyang bahay at sinagot ni Ranty na mas matapang at may confidence siya kaysa sa dati.




Angel Aguilera Turned All 3 Chairs With Her Rendition Of Beyonce's Halo On 'The Voice Kids'

Angel Aguilera Sings Halo By Beyonce on The Voice Kids
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14477425814/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang labing apat na taong gulang na singer na nagngangalang Angel Aguilera na galing Cavite ang nagpaikot sa mga upuan ng tatlong coaches sa blind auditions ng The Voice Kids noong Sabado ng kinanta niya ang Halo ni Beyonce.

Sinabi ni Angel na sina The Voice contestants Morissette Amon at Klarrise De Guzman ang mga inspirasyon niya.

Ginawa lahat ng coaches ang makakaya nila para makumbinse si Angel na sa Team nila sumama pero nanaig si Lea ng siya ang pinili ng batang singer. Si Angel ang pang labing pitong miyembro ng Team Lea.




Saturday, June 21, 2014

Alex Gonzaga Re-Enters 'Pinoy Big Brother' House (PBB All In)

Alex Gonzaga Visits Her Housemates Inside the PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14476864302/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Hindi mapigilan ng television host at aktres na si Alex Gonzaga ang pagtulo ng kanyang mga luha ng makita niyang muli ang kanyang mga Pinoy Big Brother housemates sa pagpasok niyang muli sa bahay ni Kuya.

Sa episode na ipinalabas noong Sabado, inamin ni Alex na parang nawala siya sa sarili pagkatapos niyang umalis sa kompetisyon dahil namimiss niya ang lahat pati na rin ang PBB host na si Kuya.

Bago siya makapasok sa sala ng bahay, pinatigil ni Kuya ang mga housemates kung saan hindi sila puwedeng gumalaw bilang parte ng kanilang weekly task. Nilapitan at niyakap ni Alex ang bawat housemates habang pabirong nagbigay ng kanyang mga messages sa bawat isa sa kanila.




Rein Carmelite Pineda Surprised Everyone With A Kundiman Titled 'Kulasisi' On 'The Voice Kids'

Rein Pineda Sings Kundiman on The Voice Kids
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14287082850/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang labing isang taong gulang ang nangangarap na maipakilalang muli ang Kundiman sa makabagong henerasyon, at sinorpresa niya ang lahat sa kanyang napiling awitin para sa blind auditions ng The Voice Kids na ipinalabas noong Sabado.

Si Rein Carmelite Pineda na tubong Valenzuela City ay ipinamalas ang kanyang mala-operang boses sa pagkanta niya ng Filipino love song na 'Kulasisi'.

Si Lea Salonga at Sarah Geronimo ay umikot para kay Pineda kung saan sinabihan siyang napakatapang niya para awitin ang isang kundiman.

Pinili ni Pineda na mapasali sa team ni Lea kung saan siya ang panglabing-anim na miyembro ng Team Lea.




Ryan Bang Has Message For Alex Gonzaga On His Birthday On It's Showtime

Ryan Bang Has Message For Alex Gonzaga On His Birthday
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14286475820/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang komedyanteng si Ryan Bang ay may mensahe sa crush niyang television host at aktres na si Alex Gonzaga,  kung saan sinabi niyang bakit hindi siya nagrereply sa mga text niya.

Nanligaw dati si Ryan sa actress-host pero sinabi ni Alex na ayaw muna daw niyang magkaboyfriend sa time na yon.

Pero ng umalis si Alex sa PBB House, inamin niya na may crush siya kay Fourth Solomon, isang contestant sa Pinoy Big Brother na nakasama niya.

Sa isang recorded message para sa birthday ni Ryan, pinasalamatan at pinuri ni Alex ang mga effort ni Ryan para sa kanya. Sinabi rin ni Gonzaga na kailangang i-birthday treat siya ni Ryan.




Friday, June 20, 2014

Alex Gonzaga's New TV Series 'Pure Love' Released It's Trailer

Alex Gonzaga on Pure Love
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14464659811/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang trailer ng 'Pure Love', ang adaptation ng ABS-CBN sa Korean TV series na '49 Days', ay lumabas noong Biyernes at naging instant trending topic sa Twitter.

Ipinakilala ng preview ang mga lead characters na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Yen Santos, kung saan ang dalawa ay first time na gaganap ng lead role sa isang TV series sa ABS-CBN.

Ilang saglit lang pagkatapos mailabas ang trailer, ang 'Pure Love' at '49 Days' ay umangat sa Twitter trending topics, kung saan pinaguusapan ng mga netizens ang pagbabalik ng minahal nilang kuwento sa local TV.

Ang orihinal na SBS series ay ipinalabas sa ABS-CBN noong 2011 kasabay ng premier nito sa South Korea. Sa bersiyon na ito, si Diane o Ji-Hyun ay may 49 days para maisakatuparan niya ang kanyang misyon, kung saan nakuha ang titulo ng tv series.

Ipapalabas ang unang episode ng 'Pure Love' sa Hulyo kung saan kasama rin ang mga artistang sina John Arcilla, Sunshine Cruz, Arjo Atayde, Yam Concepcion at Joseph Marco.




Senator Ramon 'Bong' Revilla Jr. Surrenders To The Sandiganbayan

Bong Revilla Surrenders, Mugshot
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14465763324/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Sumuko si Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. sa Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga kaugnay ng graft and plunder charges na naisampa laban sa kanya at ng iba pang mga nasa listahan ni Janet Lim-Napoles kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Napakalayo ng nilakbay ni Revilla para sumuko, kung saan sumikat siya bilang action star bago siya pumasok sa pulitika.




Noong Biyernes, ang mga taga suporta ni Revilla sa Cavite ay naghain ng misa at ipinagdasal ang senador bago siya sumuko.

Dumalaw naman si Revilla kasama ang kanyang pamilya sa St. Michael's Parish sa Bacoor bago dumiretso sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Revilla na nagdesisyon siyang sumuko sa anti-graft court para hindi na madamay pa ang kanyang pamilya sa ugong ng isyu pagkatapos naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan noong Biyernes ng umaga.

Si Revilla at tatlo pang senador na nasa oposisyon ang nadawit sa P10 billion pork barrel scam na sinasabing mastermind si Janet Lim-Napoles. Si Revilla ay inakusahang tumanggap ng P242 million mula sa Priority Development Assistance Funds o PDAF.

Itinanggi umano ni Revilla ang mga paratang at sinabing hindi niya kailangang magnakaw sa pondo ng bayan.




Vickie Rushton Breaks Down Over Estranged Dad, Eric's Surprise Visit

Vickie Ruston's dad surprise visit
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14279489719/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Napaluha ng todo ang Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton ng sorpresang bumisita ang kanyang amang si Eric kung saan iniwan sila ng kanyang ina ng walang paliwanag noong siya ay nasa Grade 2.

Ang emosyonal na reunion ay naipalabas sa episode ng reality show noong June 19 kung saan dumalaw din ang boyfriend ni Vickie na si Jason Abalos na nag-abot ng labingwalong pahinang sulat mula sa kanyang ama na hindi niya nabasa ilang taon na ang nakalipas.

Sa mga naunang episodes, nasabi ni Vickie na umuwi siya galing eskwelahan isang araw at hindi na niya nadatnan doon ang ama. Inamin niyang galit na galit siya kung bakit hindi sinabi ng ama ang dahilan ng pagalis nito.

Nung siya ay nasa 4th year college, sinabi ni Vickie na nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama kung saan nakasaad daw ang rason kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang. Pero sa takot niyang mabahiran ng hindi kanais nais ang kanyang mga magagandang alaala, binasa lang ni Vickie ang mga unang pahina ng sulat at nagdesisyon na babasahin niya lahat kung siya ay handa na.

Nangyari ang magkahiwalay na pagbisita ni Eric at Jason habang nasa weekly task ang mga housemates, kung saan sila ay di maaaring gumalaw kapag sinabi ni Kuya na tigil, at mayroon lamang silang tatlong chances for errors sa buong linggo.

Si Vickie ang unang nagkamit ng error ng yakapin niya si Jason ng maiabot nito ang sulat ni Eric. Sa confession room, naging emosyonal si Jason tungkol sa pagkakawalay ni Vickie sa kanyang ama, kung saan sinabi niyang pasanin ito ni Vickie sa buong buhay niya.

Nang si Eric na ang lumapit kay Vickie, tumulo ng todo ang kanyang mga luha pero pinilit niyang manatiling nakatigil para hindi na siya magkamit pa ng error para sa weekly task. Niyakap ni Eric at hinalikan ang kanyang anak ng ilang beses para maipadama niya ang kanyang pagmamahal kahit na nawalay siya ng matagal na panahon.

Inamin ni Eric kay Big Brother na siya ay nagsisising nawalay kay Vickie, pero saad niyang siya ay masaya dahil lumaking maganda at disente ang anak niya.

Sa pagtapos ng episode, hindi pa nakapagdesisyon si Vickie kung bubuksan niyang muli ang sulat ng ama.




Sarah Geronimo Admits Matteo Guidicelli Is Her Boyfriend

Sarah Geronimo Interview Admitting Matteo Is Her Boyfriend
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14278820377/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos ng ilang buwang ispekulasyon, ang pop star na si Sarah Geronimo ay umamin na rin sa wakas na mayroon siyang relasyon sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Inamin ito ni Sarah noong Huwebes sa Thanksgiving party ng kanyang pelikulang 'Maybe This Time'.

Lumabas ang unang tsismis tungkol sa namamagitan sa dalawa noong 2013 kung saan si Matteo lamang ang personalidad sa showbiz na nakita sa private birthday party ni Sarah noong Hulyo.

Noong January naman nitong kasalukuyang taon, inireport ng YES! magazine na may relasyon na nga ang dalawa kahit na walang kumpirmasyon na galing sa kanila.

Pero nitong Marso ay mas naging maluwag ang dalawa ng si Sarah ay umattend ng birthday ni Matteo kung saan nakitang hawak kamay ang dalawa.




Thursday, June 19, 2014

Vice Ganda Spoof Maleficent Together With Anne Curtis On Her Return To 'It's Showtime' After A Month

Vice Ganda Plays a spoof of Maleficent as Waleyficent
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14271712408/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang Disney blockbuster na 'Maleficent' na pinagbidahan ni Angelina Jolie ay ginawan ng spoof sa segment ng It's Showtime na Sine Mo 'To noong Huwebes, kung saan gumanap ang kababalik lamang na si Anne Curtis makalipas ang isang buwan, bilang si Princess Antukin (spoof ng Princess Aurora), at si Vice Ganda naman bilang si Waleyficent na siyang spoof ng Maleficent.

Si Anne Curtis ay nawala ng mahigit isang buwan sa noontime show dahil sa busy niyang taping at shooting para sa TV series niyang Dyesebel at bago niyang pelikulang 'The Gifted' kung saan kasama niya si Sam Milby at Cristine Reyes.




Bea Alonzo And Paulo Avelino Act With Pinoy Big Brother Housemates

Paulo Avelino and Bea Alonzo Inside the PBB House
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14270573587/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagkaroon ng bihirang pagkakataon ang mga Pinoy Big Brother housemates na umarte kasama si Bea Alonzo at Paulo Avelino ng bumisita ang dalawang batikang artista sa famous yellow house.

Sa episode ng PBB na ipinalabas noong Martes, dismayado ang mga housemates ng unang pumasok sina Bea at Paulo kung saan sila ay nakatigil dahil sa weekly task nilang Tigil-Galaw.

Pero sadyang mabait si Kuya at pinapasok niya uli sina Bea at Paulo upang makisalamuha sa mga housemates.

Sa episode ng PBB Uber na ipinalabas noong Miyerkules, makikitang umarte sina Bea at Paulo kasama ang mga housemates gamit ang mga dialogue sa mga nakaraan nilang proyekto.

Ang mga lalaking housemates ay umarte sa harap ni Bea at gumanap bilang character ni Paulo sa seryeng 'Walang Hanggan', habang ang mga babaeng housemates naman ay gumanap bilang 'Basha', ang role na ginanapan ni Bea sa pelikulang 'One More Chance' habang si Paulo naman ang gumanap sa role ni John Lloyd Cruz.

Pinili ni Paulo at Bea sina Daniel Matsunaga at Maris Racal bilang mga nagwagi at tumanggap sila ng tig-isang box ng chocolate bilang gantimpala.




Wednesday, June 18, 2014

Anne Curtis' New Movie 'The Gifted': Behind The Scenes

Anne Curtis Interview on 'The Gifted' set
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14453266431/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

'Out of this world!', yan ang deskripsiyon ni Anne Curtis sa bago niyang pelikula na 'The Gifted' kung saan kasama niya si Sam Milby at Cristine Reyes.

Ang 'The Gifted' ay isang dark humor film na proyekto ni Chris Martinez kung saan siya rin ang direktor.

Sabi ni Anne na siguradong magugustuhan ng mga manonood ang mga super hilarious na characters at very intelligent script.

Sinabi rin ni Anne na ang kanyang character na si Zoe Tuazon ay isang 'breath of fresh air' na kung saan siguradong maninibago ang kanyang mga fans sa kakaibang character na kanyang ginanapan.

Sa ngayon, wala pang release date ang naihayag para sa naturang pelikula.




Dad Geo Garcia Visits Frozen Joshua Garcia On Pinoy Big Brother

Dad Visits Joshua Garcia on PBB
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14268702348/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang ama ng Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia ay di mapigilan ang kanyang luha ng payagan siyang bisitahin ang kanyang anak pagkatapos ng dalawang buwang hindi pagkikita.

Si Geo Garcia and ama ng labinganim na taong gulang na teen housemate, ay bumisita sa bahay ni Kuya para magbigay ng advice tungkol sa love triangle na namamagitan sa kanyang anak at ng mga teen housemates na sina Jane Oineza at Loisa Andalio.

Pinangaralan din ni Geo ang anak tungkol sa mga delikadong kahihinatnan ng pagkahumaling kaagad agad sa pagibig habang si Joshua at ang mga mga housemates ay nakatigil dahil sa weekly task nila.

Habang ang mag-ama ay nagiging emosyonal sa kanilang moment, ilang mga housemates din ang naging emosyonal, katulad ni Jane at Loisa, at mas lalo na si Nichole Baranda na hindi talaga maitago ang mga hikbi.

Ito ang pangalawang pagkakataon na binisita ng magulang si Joshua, kung saan ang unang bumisita sa kanya noong nakaraang buwan ay ang kanyang ina na si Fe na hindi na niya nakita magmula ng siya ay limang taong gulang.




Paul Soriano Shares Plans Of Marrying Toni Gonzaga

Paul Soriano and Toni Gonzaga
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14451345765/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Kung si Toni Gonzaga ay mayroon ng nagawang kanta para sa wedding song nila, si Paul Soriano naman ay honeymoon na ang nasa isipan niya.

Ayon kay Paul, siya ay talagang nasorpresa ng sinabi ni Toni sa isang press conference na ayos at gawa na ang kantang gagamitin para sa kasal nila.

Sinabi rin ni Paul na naghihintay lang siya ng talagang klarong pahiwatig na galing kay Toni bago siya magpropose.

Ngayong magpipitong taon na silang may relasyon, sinabi ni Paul na natuto siyang maging pasensiyoso lalo na't ang girlfriend nitong si Toni ay nasa peak ng kanyang career.

Maliban sa Pinoy Big Brother, si Toni ay parte rin ng ASAP family at co-host din siya ng The Buzz. Siya rin ang magiging host ng second season ng The Voice of the Philippines.

Si Paul naman ay kasalukuyang gumagawa ng mga TV commercials at nagpoproduce ng dalawang pelikula para sa Cinemalaya film festival para sa taong ito. Siya rin ay magdidirek ng pelikula sa mga huling buwan ng taong ito.

Pero, kahit sa mga busy schedules nila, nagpapasalamat si Paul at kaya pa rin nilang bigyan ng oras ang relasyon nilang dalawa.

Elevator Girl, Cheridel Alejandrino Charms 'Pinoy Big Brother' On Her First Day

Elevator Girl Cheridel Alejandrino On PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14470300953/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Elevator Girl' na si Cheridel Alejandrino ay napasaya ang mga housemates sa unang araw niya sa Pinoy Big Brother noong Martes.

Si Cheridel ay sumikat ng maging viral ang video niya bilang elevator girl. Sa unang araw niya ay binigyan siya agad ni kuya ng task.

Bago siya payagang makapunta sa living room, sinabihan ni Kuya na kailangan niyang makilala ang bawat isa sa mga housemates habang ina-assists niya sila sa sarili niyang elevator.

Talagang nakakatuwa itong si elevator girl dahil sa isang scene ay nagkamali siya sa tawag sa confession room kung saan tinawag niya itong, consperence room, conference room, convention room at confintion room.




Alex Gonzaga Explains Why Jane Oineza Is Disliked By PBB Housemates

Alex Gonzaga on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14448615134/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dating Pinoy Big Brother celebrity house guest na si Alex Gonzaga ay nagpaliwanag sa naturang diumanoy hindi pagkakagusto ng mga housemates kay Jane Oineza, at ng love triangle na namuo sa pagitan nila Jane Oineza, Joshua Garcia at Loisa Andalio.

Sa panayam ng Aquino & Abunda Tonight, ipinaliwanag ni Alex na hirap si Jane sumabay sa dalawang age groups dahil sa kanyang ugali na parang matanda na. Ang mga teen housemates ay nagtataka bakit si Jane ay kilos matanda na at ang mga adult housemates naman ay ganun din.




Tuesday, June 17, 2014

Bea Alonzo And Paulo Avelino Enters 'Pinoy Big Brother' House

Bea Alonzo and Paulo Avelino on Pinoy Big Brother
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14262759168/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pumasok sa Pinoy Big Brother house si Bea Alonzo para sa isang misyon sa isang episode ng reality show na ipinalabas noong Martes kung saan iba't ibang reaksiyon ang ikinatuwa ng mga housemates.

Kasama ni Bea ang leading man niya sa 'Sana Bukas Pa Ang Kahapon' na si Paulo Avelino, kung saan kinuntsaba sila ni Kuya para ma-distract ang mga housemates sa kanilang weekly task, kung saan kailangan nilang manatiling di gumagalaw kapag sinabing tumigil at gagalaw lang sila uli kapag sinabing galaw.

Nauna si Bea na pumasok sa living room kung saan talagang kiniliti din niya ang ibang housemates. Sumunod naman si Paulo para mang-distract din sa mga babaeng housemates pero talagang matibay at matatag ang mga housemates. Muli lamang nakagalaw ang mga housemates ng nakapasok uli sa confession room si Bea at Paulo kung saan nagsigawan at nagtitilian ang mga housemates sa sorpresa.




Eric 'Eruption' Tai Wears Make Up And Skirt After He Lost A Bet To Billy Crawford

Eric Tai Wearing Skirt and Make Up
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14463018893/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang host ng 'It's Showtime' na si Eric 'Eruption' Tai ay nag-makeup at nagsuot ng skirt pagkatapos niyang matalo sa isang pustahan.

Ang pustahan ay base sa kung sino ang mananalo sa NBA finals ngayong taon kung saan kapustahan niya si Billy Crawford. Sa NBA finals, nanalo ang San Antonio Spurs kung saan pumusta si Billy at natalo ang kalaban nitong koponan na Miami Heat kung saan naman pumusta si Eric. Ang pustahan na ito ay ginawa rin nila noong nakaraang taon kung saan si Billy naman ang natalo at nagpakulay ng buhok ng nanaig ang Miami Heat.




Annabelle Rama Belittled Sarah Lahbati's Mom Esther Lahbati At Baby Zion's Party?

Sarah Lahbati With Mom Esther
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14255713407/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Totoo bang minaliit at di pinansin ng talent manager na si Anabelle Rama ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati noong birthday party at christening ni Baby Zion noong Linggo, June 14, 2014?

Sa Instagram post ni Esther, inilabas niya ang kanyang hinanakit kung saan nagpost siya ng litrato ni Baby Zion na may caption na: (Ang naturang post ay nadelete na)





Napahiya din daw si Esther ng sabihan ng isang tao sa selebrasyon na iuwi na niya ang mga tirang pagkain sa party. Pinagmukha daw tuloy siyang patay gutom at awang awa siya sa sarili niya.

Kahit hindi pinangalanan ni Esther kung sino ang nagpahiya sa kanya, maraming tao ang nagsasabing ang ina mismo ni Richard Gutierrez yun.

Marami rin ang nakapansin na halos lahat ng ninong at ninang ay puro celebrities at close friends ng mga Gutierrez. Ni wala man lang isang litrato si Esther o ng pamilya Lahbati noong christening at birthday celebration na naipost online.

Samantala, si Sarah Lahbati ay nagpost ng family photo get together kasama ang kanyang mga magulang, si Baby Zion at Richard Gutierrez na may caption na 'Like any other family we have misunderstandings but we will settle this internally and we will move forward.'




Monday, June 16, 2014

Kris Aquino And Derek Ramsay Go On A Movie Date

Kris Aquino With Derek Ramsay, Josh and Bimby after watching The Fault in our Stars
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14254314047/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Kris Aquino ay nakipag-movie-date kay Derek Ramsay noong Sabado ng gabi.

Nagpost si Aquino sa kanyang Instagram account ng movie poster ng 'The Fault in our Stars' kung saan nakasulat sa caption na sinamahan daw siya ng tatlong boys kung saan nagpost din siya ng picture kung sino ang mga kasama niya pagkatapos ng ilang oras.

Sa post na iyon ay nakitang kasama ni Kris ang kanyang dalawang anak na si Joshua at Bimby at ang pangatlo ay si Derek Ramsay na kung saan siya nalilink dati.

Nagumpisa ang tsismis na may namumuong pag-ibig kina Kris at Derek noong Marso kung saan nagpost si Derek sa kanyang Instagram account ng litratong kasama si Kris.


Sunday, June 15, 2014

Melason, Melai Cantiveros And Jason Francisco Brings Baby To 'The Buzz'

Melason shows baby on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14247337337/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang celebrity couple na si Jason Francisco at Melai Cantiveros ay nagpaunlak ng interview sa The Buzz noong Fathers Day, Linggo, kasama ang kanilang dalawang buwan na baby na si Mela.

Ang mag-asawang mas kilala bilang Melason at dating mga housemates sa Pinoy Big Brother ay kababalik lamang sa Maynila galing General Santos City kung saan sila ay nanirahan pagkatapos manganak ni Melai.

Si Melai ay patawang nagkuwento kay host Toni Gonzaga ng kanyang mga naranasan noong siya ay nanganganak at nagpasalamat ng todo sa asawang si Jason dahil sa pagiging napakabuting ama.