Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, August 31, 2014

Mark Gil Passed Away At Age 52 Due To Liver Cirrhosis

Ang beteranong aktor na si Mark Gil ay namayapa nitong Lunes bandang alas otso ng umaga. Siya ay 52 years old at magcecelebrate sana ng kanyang 53rd birthday nitong September 25.

Ayon sa report, ang aktor ay namatay dahil sa liver cirrhosis. Ang kanyang pamilya ay hindi pa nag-issue ng statement sa ngayon.

Mark Gil Interview
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14915076489/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Mark Gil ay ipinanganak sa pangalan na Ralph John Eigenmann. Ang kanyang mga magulang ay ang mga beteranong artista na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Kapatid niya ang mga artistang sina Michael de Mesa at Cherry Gil at siya ang ama ng mga celebrities na sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero at Andi Eigenmann.

Gilas Pilipinas Hung Tough With 82-70 Loss To Number 5 Greece

Ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang katatagan at hindi bumitiw kahit na hirap silang pigilan ang malakas na team ng Greece sa score na 82-70 sa pangalawa nilang laro sa FIBA World Cup noong Linggo.


Si Andray Blatche ay may 21 points at 14 rebounds para sa Gilas Pilipinas at sila ay talagang nagpakitang gilas laban sa powerhouse team ng Greece kahit na sila ay natalo.

Gilas Pilipinas Timeout
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15074823616/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nalamangan sila ng Greece ng mahigit 17 points pero lumaban pa rin sila at hindi sila natambakan ng husto.

Ang pinakalast na paghabol nila sa laro ay sa huling yugto ng fourth quarter kung saan nabawasan nila ang lamang ng 8 points sa score na 76-68.

Pagkatapos ng laro ay nagkagulo pa ng biglang itulak ng isang greek player si Jimmy Alapag.

Saturday, August 30, 2014

Gilas Pilipinas Lost To Croatia 81-78 In OT; Wows Pinoy Crowd In Spain

Talagang todo suporta ang mga Pinoy Basketball Fans sa Seville, Spain noong Sabado para sa unang laro ng Gilas Pilipinas kontra Croatia sa 2014 FIBA World Cup of Basketball, kung saan umabot pa ito ng overtime sa score na 71-all bago nanalo ang Croatia sa score na 81-78.



Dahil sa dikit na pagkatalong ito, lahat ng news tungkol sa FIBA World Cup ay halos nakatuon ang pansin sa Pilipinas. Gumawa pa nga ng sariling article ang FIBA.com tungkol sa hollywood like story ng Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

Philippines Croatia
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15083029365/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa 14 point lead ng Croatians sa first quarter, humabol at lumamang pa ang Pilipinas ng 69-66 sa fourth quarter kung saan nanguna sa puntos si Andray Blatche at Jeff Chan.

Friday, August 29, 2014

Kris Aquino Grills Vickie Rushton In Front Of Daniel Matsunaga On 'Kris TV'

Ang mga dating 'Pinoy Big Brother' housemates na sina Daniel Matsunaga at Vickie Rushton na nalink sa loob ng bahay ni kuya ay tinanong ni Kris Aquino sa Kris TV noong Biyernes para maklaro ang isyung ito.



Ang Big Winner ng reality show na si Daniel ay halatang nailang ng direktang tinanong ni Kris si Vickie kung mayroon nga ba siyang nararamdaman sa Brazilian-Japanese model.

Vickie Rushton And Daniel Matsunaga on Kris TV
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14891178358/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sagot ni Vickie na friends lang naman daw talaga sila at talagang sweet lang naman daw talaga si Daniel hindi lang sa kanya. Masyado lang kasi itong naging isyu ng tinukso sila ng mga ibang housemates.

Inamin din ng bente uno anyos na dating pageant contestant na inaayos pa nila ng kanyang boyfriend na si Jason Abalos ang ilang isyu na lumabas sa apat na buwan niyang pamamalagi sa PBB house, lalo na ang tungkol sa pagkakalink niya kay Daniel, kung saan sinabi ni Vickie sa interview niya sa Aquino and Abunda Tonight noong Huwebes na nasaktan si Jason tungkol sa isyung iyon.

Sinabi naman ni Daniel na nirerespeto niya ang relasyon ni Vickie at Jason. Saad din niyang wala siyang nararamdaman para kay Vickie at kailangan niyang dumistansiya para hindi na lumala pa ang nangyayari sa relasyon nila.

Derek Ramsay's Estranged Wife Mary Christine Jolly Surfaces

Ang estranged wife ng aktor na si Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly ay humarap na sa camera noong Biyernes at sinabing ipaglalaban niya ang kanyang legal dispute at hinamon ang aktor na panagutan niya ang kanyang obligasyon sa kanyang labing isang taong gulang na anak na lalaki.

Mary Christine Jolly
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14890198307/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Mary Christine ay nag-file ng complaint laban kay Derek dahil sa pagviolate ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Ayon kay Mary Christine, nagkakilala sila ni Derek noong 2001 at ikinasal sa Balagtas, Bulacan noong 2002 pero sila ay naghiwalay kinalaunan.

Lyca Gairanod Imitates Nora Aunor In 'Nathaniel' Teaser

Inirelease ng ABS-CBN noong Huwebes ang unang teaser ng bago nitong primetime series na 'Nathaniel' sa trade concert for advertisers ng naturang network na 'Kapamilya: All Out' na ginanap sa kanilang studio sa Quezon City.



Makikita sa preview ang 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod kasama ang isang bagong child actor ng ABS-CBN na gumanap bilang si Nathaniel.

Lyca On Nathaniel
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15072675191/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Isang scene sa naturang preview ang talagang nakakatawa kung saan nagpakilala si Lyca kay Nathaniel sa paraang paggaya kay 'Superstar' Nora Aunor sa isang scene ng pelikulang 'Minsa'y Isang Gamu-Gamo'.

Ang iba pang cast na kasama sa Nathaniel ay sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Benjie Paras, Pokwang, Jairus Aquino, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jason Gainza at ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan.

Thursday, August 28, 2014

MICA Formerly Known As Gollayan Sisters Impresses Ailee At 'Superstar K6'

Walang makakapigil sa isang Pinoy singing group na mas kilala bilang 'MICA' na kinabibilangan ng apat na magkakapatid tubong Santiago City para sakupin ang buong mundo gamit ang kanilang powerful vocals.



Ang magkakapatid na sina Mylene, Irene, Celina at Almira o MICA, ay minsan ng nakuha ang atensiyon ng madlang people ng nanalo sila ng grand prize sa noontime show na 'It's Showtime' noong 2012.

MICA on Superstar K6
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15045439056/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Noong 2013 naman, sila ang nag-represent sa Pilipinas sa 17th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa US at sila ang naguwi ng Senior Grand Champion Vocal Group.



Ngayon ang magkakapatid ay nasa South Korea at sila ay nakapasa sa audition ng Superstar K6 reality talent show.

Silang apat ay confessed Kpop at Kdrama fanatics kaya naman gulat na gulat sila ng ang isa sa mga judges ay ang idolo nilang si Ailee na ikinagalak naman ng judge ang kanilang rendition ng kanyang kanta at sinabing isa ito sa pinakabest na rendition ng kanyang awitin.

Kinanta rin ng grupo ang Let It Go mula sa Disney Movie na Frozen.

Wednesday, August 27, 2014

Nora Aunor Reacts To Lyca Gairanod As 'Little Superstar'

Ang batikang artistang si Nora Aunor ay isinaad ang kanyang suporta sa 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod na naikukumpara sa kanya dahil sa kanyang angking talento at pagsisimula.



Sinabi ng 'Superstar' noong Miyerkules pagkatapos niyang matanggap ang Gawad Plaridel Award sa University of the Philippines Film Center sa Quezon City na dapat daw tulungan natin ang mga katulad ni Lyca dahil kapag nagtagal, sila rin ang magtuturo sa mga kabataang susunod sa kanila.

Nora Aunor At UP Film Center
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15058893612/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Lyca ay naikukumpara kay Nora dahil sa kanyang pagiging singing champion at parehas na pagsisimula sa showbiz kaya siya ay binansagang 'Little Superstar'.

Yeng Constantino And Fiance In Prenup Inspired Music Video Of 'Ikaw'

Ang singer na si Yeng Constantino ay mukhang ready ng ikasal sa kanyang latest music video para sa single niyang 'Ikaw' kung saan kasama niya ang kanyang fiance na si Victor Asuncion sa mga ilang scenic locations.



Makikita si Yeng sa kanyang music video na nakasuot ng white dress at si Victor naman ay naka-coat and tie na parang nag-popose na sila para sa isang prenuptial shoot.

Yeng Constantino Ikaw
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15055417211/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kantang 'Ikaw' ay sinulat ni Yeng ukol sa love story nila ni Victor. Sila ay naging engaged noong Marso pagkalipas ng walong buwan na pagsasama. Plano nilang magpakasal nitong 2015.

Vice Ganda Does ALS Ice Bucket Challenge On 'It's Showtime' During His Production Number

Ang komedyanteng si Vice Ganda ay tinanggap ang challenge ng kanyang kaibigang si Kris Aquino para gawin ang ALS ice bucket challenge noong Lunes sa noontime show na 'It's Showtime'.



Pero ang ginawa ni Vice ay kakaiba dahil isinama niya ang naturang challenge bilang stunt sa kanyang production number kung saan pinerform niya ang kantang 'Hot and Cold' ni Katy Perry.

Vice Ganda Did Ice Bucket Challenge With His Production Number
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15027445976/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos magawa ni Vice ang challenge, nagnominate siya ng tatlo para gawin ang challenge. Ang mga ito ay sina Coco Martin, Richard Yap at ang direktor ng It's Showtime na si Bobet Vidanes kung saan ginawa kaagad ni direk Bobet ang naturang challenge sa noontime show.

Monday, August 25, 2014

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo Accept Ice Bucket Challenge

Ang teen stars at love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel ay tinanggap ang ALS ice bucket challenge pagkatapos silang i-nominate ng kaibigan ni Kris Aquino na si Darla Sauler.


Bago nabuhusan ang maglove team ng napakalamig na tubig, ini-nominate muna nila ang celebrity couple na si Robin at Mariel Padilla, sweethearts Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, at Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, at ang panghuli ay si Ben Chan.

KathNiel ALS Ice Bucket Challenge
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14853300540/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Lyca Gairanod Meets Mommy D And Sings 'Wrecking Ball' Together

Si Dionisia Pacquiao, ang ina ng Filipino Boxing Icon na si Manny Pacquiao at ang 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod ay kumanta ng 'Wrecking Ball' sa KCC Mall sa General Santos City.



Kasama rin ni Lyca ang iba pang 'The Voice Kids' talents na sina Darren Espanto, Darlene Vibares at Juan Karlos Labajo.

Lyca Gairanod and Mommy D Sings Wrecking Ball
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14852835907/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinamahan ni Mommy D si Lyca sa entablado para i-voice out ang kanyang suporta sa batang dating nangangalakal sa Tanza, Cavite.

Sunday, August 24, 2014

Kris Aquino Does 'ALS Ice Bucket Challenge' Live On 'The Buzz'

Ang aktres at TV host na si Kris Aquino ang pinakalatest na celebrity na gumawa ng ALS ice bucket challenge. Ginawa niya ito mismo live sa 'The Buzz' noong Linggo.



Sinabi ni Kris na ang aktor na si Derek Ramsay ang nagnominate sa kanya noong Sabado para gawin ang challenge.

Kris Aquino Does ALS Ice Bucket Challenge On The Buzz
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15027738712/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pero kahit na ginawa ito ni Kris, siya ay late na dahil ang rule ay dapat magawa ito ng nominado sa loob ng 24 oras kaya si Kris ay nagdonate pa rin sa ALS Association ng $100.

Bago ginawa ni Kris ang challenge, kailangan muna niyang mag-nominate ayon sa rule kaya tinawag niya sina Anthony Taberna, 'Kris TV' writer Darla Sauler at ang komedyanteng si Vice Ganda para gawin din ang challenge.

Ang kanyang co-host na si Toni Gonzaga at anak na si James Bimby Yap Jr. ang nag-assist para ibuhos sa kanya ang ice-cold na tubig.

Daniel Matsunaga Is 'Pinoy Big Brother: All In' Big Winner

Ang model na si Daniel Matsunaga ang nanalo bilang big winner ng 'Pinoy Big Brother: All In' sa 'Big Night' ng reality show na ginanap sa Resorts World Manila noong Linggo.



Ang Brazilian Japanese na celebrity housemate ay naniniwalang ibinoto siya ng mga manonood dahil sa pagmamahal niya sa Pilipinas. Dagdag pa niya na mas proud pa siya bilang Filipino sa puso kaysa sa iba na hindi proud sa bansa nila.

Daniel Matsunaga Is PBB Big Winner
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14840378688/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin di Daniel na ang kanyang PBB experience ang 'craziest experience' of his life.

Si Daniel ay pumasok sa loob ng PBB house noong Mayo para palitan ang mga housemates na natanggal sa first live eviction night ng reality show.

Si Daniel ang parang naging pangalawang Big Brother sa loob ng PBB house dahil sa kanyang mga advices para sa mga nakababatang housemates.

Dahil sa kanyang mga naipapakitang reliability sa mga weekly task, si Daniel ay naging isa sa mga paborito na housemate hindi lang ng mga manonood kundi pati rin ng kanyang mga kapwa housemates.

Saturday, August 23, 2014

Chiz Escudero Proposed To Heart Evangelista And Are Now Engaged

Engaged na ngayon ang Senador na si Chiz Escudero at ang aktres na si Heart Evangelista ng magpropose ang senador noong Sabado, August 23, 2014 kay Heart sa kanilang trip sa Sorsogon.


Si Chiz at Heart ay nag-umpisang mag-date noong 2012. Ang kanilang relasyon ay naging headlines noong 2013 ng i-announce ng mga magulang ni Heart sa isang press conference na tutol sila sa relasyon ng kanilang anak sa Senador.

Chiz Escudero Proposes to Heart Evangelista
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14829192117/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang engagement ay hindi na itinuring na sorpresa dahil napagusapan na nila dati ang planong pagpapakasal.


Loisa Andalio Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Talented Darling ng Paranaque' na si Loisa Andalio ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Sabado.



Si Loisa ang pang-labing-limang housemate na na-eliminate sa kompetisyon.

Loisa Evicted From PBB House
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15015043815/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa linggong ito, ang mga manonood ay nabigyan ng pagkakataon para bumoto at mamili ng kanilang i-e-evict o ililigtas na housemate.

Pagkatapos ma-tally ang lahat ng boto, si Loisa ay nakakuha lamang ng 0.99% ng viewer's votes.

Si Loisa ay sinalubong ng kanyang ina sa paglabas niya sa PBB house.

Friday, August 22, 2014

Daniel Matsunaga Cried For The First Time Over Family Reunion (PBB All In)

Ang 'Pinoy Big Brother' housemate na si Daniel Matsunaga ay talagang napaluha ng makita niya ang kanyang ina at kapatid na babae na base sa kanilang bansang Brazil.



Ang kanilang reunion ay ipinakita sa special episode ng 'Aquino & Abunda Tonight' na ipinalabas ng live noong Biyernes sa loob ng bahay ni kuya.

Daniel Matsunaga In Tears After Reunited With Mom And Sister
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14818322838/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa lahat ng natirang housemates, si Daniel na lang ang di pa nabibisita ng kanyang pamilya sa PBB house pero lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang kapatid na si Vanessa at inang si Geralda Maria ay nandito na sa Pilipinas pero hindi lang nakarating ng maaga para sa kanilang reunion sa loob ng PBB house.

Akala ni Daniel na ang kanyang alagang aso lamang ang magiging guest niya pero nabigla at nagulat ang Brazilian Japanese model sa pagpasok ng kanyang kapatid na si Vanessa sa confession room.

Nang papunta na sila sa living room, laking gulat din ni Daniel ng makita niya ang kanyang inang si Geralda at siya ay napaiyak sa unang pagkakataon sa loob ng PBB house pagkatapos ng mahigit 100 araw.

Thursday, August 21, 2014

Dawn Zulueta Reacts To Rumor That Bamboo Manalac Is Her Brother

Nagpost si Dawn Zulueta sa micro-blogging site na Twitter at sinabing hindi sila magkapatid ng 'The Voice' judge na si Bamboo Manalac.


Hindi na nakayanan ni Dawn ang naturang tsismis at kailangan na daw itong matigil.

Dawn Zulueta and Bamboo Manalac
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14809963547/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Dawn na siya at ang kanyang kapatid na lalaking si George lamang ang anak ng kanilang mga magulang na sina, Jose Fazil Tahanlangit-Taleon at Maria Cleofe Soleta-Salman.

Ang kanyang ama ay nagasawang muli kaya siya ay may dalawa pang half-brothers na sina Jed at Josiah.

Maliban dito, wala na silang iba pang kapatid.

Nakiusap si Dawn sa publiko na kung pupuwede ay tapusin na ang naturang isyu dahil ito ay hindi naman totoo.

Nakiusap din siya kay Bamboo na kung pupwede ay mag-release din siya ng sarili niyang statement.

Derek Ramsay Finally Admits He Was Married And Has A Son

Inamin ni Derek Ramsay sa unang pagkakataon noong Miyerkules na siya ay ikinasal kay Mary Christine Jolly noong 2002 at siya ay may labing isang taong gulang na anak na lalaki.

Sa statement ni Derek noong Miyerkules, sinabi niyang ang kasal niya kay Mary Christine ay hindi daw valid ayon sa kanyang Attorney na si Joji Alonso.

Derek Ramsay Interview
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14972937786/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dagdag pa ni Derek na kinumpirma lang niya na anak niya si Austin noong August 2011 dahil gusto niyang maging pribado ang kanilang relasyon at kailangan niya itong iiwas sa media dahil baka hindi masabayan ng bata ang mundo ng tsismis at kailangan siyang protektahan ni Derek.

Ang isyu ring ito noong 2011 ang isa sa naging dahilan ng paghihiwalay ni Derek at Angelica Panganiban.

Lyca Gairanod Sings For 'Crush' Daniel Padilla

Kagaya ng mga batang babae na ka-edad niya, ang 'The Voice Kids' champion na si Lyca Gairanod ay may crush sa teen hearththrob na si 'Daniel Padilla'.



Ang siyam na taong gulang na singer na sinorpresa kamakailan ni Daniel sa episode ng 'ASAP', ay nag-dedicate ng kanta sa labing siyam na taong gulang na aktor sa sidelines ng taping ng primetime series na Hawak Kamay.

Lyca Gairanod on the set of Hawak Kamay
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14808545438/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Kinanta ni Lyca ang ilang linya sa sikat na kanta ni Daniel na 'Nasa Iyo Na Ang Lahat'. Napatawa rin niya ang mga interviewers ng inayos niya kaagad ang kanyang sarili ng tanungin siya kung ano ang message niya para kay Daniel.

Sinabi ni Lyca na gusto niyang mapasama sa show ni Daniel at gusto rin niyang makasama si Kathryn Bernardo.

Sinabi rin ni Lyca na gusto niyang makatrabaho ang 'It's Showtime' co-host na si Anne Curtis.

Wednesday, August 20, 2014

Kathryn Bernardo And Julia Barretto In Good Terms Despite Fans Clashing

Kahit na nagkokontrahan ang kanilang mga fans, ang teen stars na sina Julia Barretto at Kathryn Bernardo ay maayos naman sa isa't isa ayon sa 'Got To Believe' star.


Si Kathryn ay na-interview tungkol sa kanyang relasyon kay Julia sa press conference ng launching ng kanyang pagiging unang celebrity endorser ng Nails by Chic Centre noong Martes.

Kathryn Bernardo and Julia Barretto
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14799999797/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Julia ay ikinukumpara kay Kathryn ng umusbong ang kanyang primetime series na Mirabella at lalo itong umigting ng siya ay naipareha kay Daniel Padilla bilang ambassadors ng isang soda brand kung saan hindi naging maganda ang dating sa mga fans ni Kathryn.


Pero ayon kay Kathryn, naging close sila ni Julia ng magkatrabaho sila nitong July kasama si Maja Salvador at Erich Gonzales sa isang fashion magazine shoot sa South Africa.

Manolo Pedrosa Of Pinoy Big Brother Seen Kissing A Girl

Ang dating 'Pinoy Big Brother: All In' housemate na si Manolo Pedrosa ay may kumakalat na litrato ngayon sa social media sites kung saan makikitang may kahalikan siyang babae.


Sa isang litrato, makikitang si Manolo talaga ang lalaki pero ang iba pang litrato kung saan kahalikan niya ang babae ay wala pang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang mga ito.

Manolo Pedrosa Kissing Girl
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14799086737/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Manolo ay na-evict sa PBB house noong August 10, 2014 at siya ay na-link kay Nichole Baranda, ang anak ng TV host at model na si Phoemela Baranda, ng silang dalawa ay nasa loob pa ng PBB house.

Tuesday, August 19, 2014

Maris Racal's Parents Got Married Inside Pinoy Big Brother House Officiated By Herbert Bautista

Ang Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house para ikasal ang mga magulang ng housemate na si Maris Racal, na kamakailan lamang ay naging emosyonal sa naturang distansiya sa pagitan ng kanyang ama at ina.



Sa episode ng reality show noong Martes, sinabihan ni Big Brother ang mga housemates na mag-ayos dahil sila ay mag-aattend ng kasal. Hindi alam ni Maris na ang kanyang pangarap na makita ang ama at ina na ikasal ay matutupad na.

Maris Racal's Parents Got Married Inside PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14972847081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Na shocked si Maris ng makita niya ang kanyang mga kapatid na umattend sa seremonya sa activity area at nagkaroon na siya ng idea kung ano ang talagang magaganap. Maya maya pa, ang ama ni Maris na si Henry ay lumabas at sumunod naman ang kanyang ina na si Leony na naglakad patungong altar.

Nang silang dalawa ay nasa altar na, tinawag ni Big Brother si Mayor Herbert para umpisahan na ang naturang seremonya.

Lyca Gairanod Shows Other Talents Besides Singing And Charms With Wit And Energy

Sa stage, napapaimpress ni Lyca Gairanod ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang pagkanta pero sa mga interview at casual conversations, ang siyam na taong gulang ay napapaimpress ang mga tao sa kakaiba pa niyang galing.



Pagkatapos siyang itanghal na grand champion ng 'The Voice Kids', si Lyca ay naging isang TV darling. Siya ay gumanap na rin sa isang TV show at pinortray ang kanyang kwento sa 'Maalaala Mo Kaya'.

Lyca Gairanod at Resorts World Manila's Fifth Anniversary Festivites
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14974609855/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ngayon siya ay tinawag na 'Little Superstar' at lalabas rin siya sa kanyang unang pelikula na pinagbibidahan ni Vice Ganda, ang 'Praybeyt Benjamin 2'.

Ito ay bukod pa sa kanyang singing career kung saan ang kanyang solo album ay ginagawa na under MCA Universal at isang guesting sa nalalapit na concert ni Lani Misalucha.

Noong Martes, si Lyca ay isa sa mga guests ng fifth anniversary festivities ng Resorts World Manila at kinanta ang kanyang winning song na 'Narito Ako'.

Sa kanyang interview, ipinakita ni Lyca ang kanyang galing at iba pang talent katulad na lang ng pagbi-beatboxing at ang kanyang bagong natutunang modelling skills na nagpatawa sa mga interviewers.

Monday, August 18, 2014

Loisa Andalio's Dad Asks For Forgiveness In 'Pinoy Big Brother: All In'

Ang dalawang pinakabatang housemates sa 'Pinoy Big Brother All In' na sina Loisa Andalio at Maris Racal ay nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo kasama ang kanilang mga ama para mapagusapan at maklaro ang ilang concerns tungkol sa kanilang mga pamilya.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Lunes, sina Loisa at Maris ay kinailangang matapos muna ang isang task sa activity area para makita ang kanilang mga ama at magkaroon ng pagkakataon na malaman ang kasagutan sa tanong na matagal na nilang gustong itanong.

Loisa Andalio With Father In PBB
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14964289822/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Loisa ang unang sumalubong sa kanyang amang si Leo at direktang tinanong kung mahal pa ba ng kanyang ama ang kanyang ina. Sagot ni Leo na mahal pa niya ang ina Loisa pero nagkaproblema sila dahil sa age gap. Ang pinakamatinding rason ayon kay Leo ay dahil sa kanyang insecurity tungkol sa di pagkakaroon ng trabaho at di maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Inamin ni Leo na hindi niya nagawan ng tamang paraan ang sitwasyon na iyon at sinabi kay Loisa na ayaw niyang mangyari sa kanya ang sinapit ng kanilang pamilya pagdating ng araw na siya ay magkakapamilya na rin.

Humingi ng tawad si Leo sa anak na si Loisa at humingi rin ng tawad si Loisa sa ama dahil sa pagsagot ng walang respeto at pagsabi ng mga masasakit na salita sa ama.

Bago umalis ng PBB house si Leo, binigyan niya si Loisa ng necklace na may cross bilang pendant at sinabing huwag niyang kalimutang laging magdasal sa Diyos.

Kuya Jobert Attempts To Jump Off Hotel Building

Ang komedyanteng si Jobert Austria o mas kilala bilang Kuya Jobert ay nagtangkang tumalon sa sixth floor ng Hotel Sogo sa Quezon Avenue noong Sabado, August 16, 2014.



Siya ay iniligtas ng mga pulis na rumesponde at dinala sa Quezon City Police District. Siya ay sinamahan ng kanyang kapwa Banana Nite co-star na si Badjie Mortiz.

Kuya Jobert The Buzz Interview
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14958595255/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon kay Jobert, siya ay nakakatanggap ng mga death threats dahil sa kanyang connection sa kanyang limang taong karelasyon na base sa Canada na sa ngayon ay nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

Sa kanyang interview sa The Buzz noong Linggo, sinabi ni Jobert na hindi siya nagtangkang magpakamatay kundi kumukuha lamang siya ng atensiyon dahil may isang grupo daw na nagaabang sa kanya sa labas ng hotel.

Inamin din ni Jobert na siya ay narehab dati dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na droga at ngayon ay plano ng kanyang mga kaibigan na dalhin siyang muli sa rehab dahil sa naturang insidente.

Sunday, August 17, 2014

Joshua Garcia Evicted From 'Pinoy Big Brother' House

Ang 'Tatay's Boy ng Batangas' na si Joshua Garcia ay na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Linggo.

Si Joshua ang pang-labing-apat na housemate na na-eliminate sa kompetisyon.



Sa linggong ito, ang mga manonood ay nabigyan ng option para magboto ng housemate na gusto nilang ma-evict o mailigtas.

Joshua Garcia Evicted
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14930779746/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkatapos makumpleto ang mga boto, si Joshua ay nakakuha ng 34.57%, samantalang ang ibang nominated housemates na sina Jane Oineza ay nakakuha ng 24.75% at Daniel Matsunaga ay nakakuha ng 9.82%.

Nagpasalamat si Joshua sa mga kapwa housemates at kay Big Brother bago siya lumabas ng PBB house at siya ay sinalubong ng kanyang ama sa labas ng bahay ni kuya.

Marian Rivera And Dingdong Dantes To Wed In December 30, 2014

Ang Kapuso stars na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay inanunsiyo na sila ay ikakasal nitong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao sa exclusive interview nila sa Startalk noong Sabado, August 16, 2014.



Ang isa sa kanilang principal sponsor ay si Batangas Governor Vilma Santos kung saan siya ang unang nag-congratulate sa kanilang engagement. Sa ngayon, pinagpaplanuhan pa ni Dingdong at Marian ang mga iba pang detalye sa kanilang kasal.

Dingdong And Marian on Startalk
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14942341051/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon din sa dalawa, sila ay una ng na-engaged sa Macau isang linggo bago nila ito i-anunsiyo sa show ni Marian noong nakaraang linggo.

Sa Marian show, imbes na i-anunsiyo lamang nila ang kanilang engagement, lumuhod muli si Dingdong at nagproposed kay Marian para makita ng kanilang mga pamilya, kaibigan at fans na sumuporta sa kanilang relasyon magmula pa noong simula.

Friday, August 15, 2014

Kim Chiu Said 'No' For Now On Doing Project With Gerald Anderson And Maja Salvador

Sinabi ng aktres na si Kim Chiu na ayaw na muna niyang gumawa ng proyekto sa ngayon kasama ang dating boyfriend na si Gerald Anderson at kasalukuyang girlfriend nitong si Maja Salvador.



Ipinaliwanag ni Kim na ayaw muna niya kasi kahit na nagkaayos na silang tatlo at okay na sila, sa mata ng mga fans, ang naturang isyu ay mainit-init pa kaya kailangan muna nila itong palamigin.

Kim Chiu Interview
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14929143961/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dagdag pa ng aktres na sa tamang panahon at tamang proyekto, willing na siyang makipagtrabaho kina Gerald at Maja.

Mommy D On Sex With Boyfriend, 'No Problem'; Michael Yamson Speaks Up

Sa kanyang unang on-camera interview, ang tatlumput walong taong gulang na seaman na si Michael Yamson ay kinwento kung paano niya unang nakilala at na-inlove sa animnaput limang taong gulang na si Dionisia Pacquiao o Mommy D, ina ng Filipino boxing icon at Sarangani Congressman Manny Pacquiao.



Sinabi ni Michael na hindi niya hinahabol ang pera ni Mommy D, kaya siya nag re-apply bilang seaman. Dagdag pa ni Yamson na importanteng mapatunayan niya sa pamilya ni Mommy D na kaya niyang suportahan si Mommy D financially.

Michael Yamson And Mommy D
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14744776669/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nang tinanong naman si Michael tungkol sa kanilang 27 year age gap, sinabi niyang concerned lang siya kay Mommy D pag nagkaroon ito ng health complications dahil siya ay nagkakaedad na. Natatakot siyang hindi niya maaalagaan si Mommy D sa mga oras na siya ay nasa malayo. Dahil dito, nagkasundo ang dalawa na anim o siyam na buwan lamang na kontrata ang i-rereapply ng seaman.

Nang tinanong naman sila kung may plano ba silang mag-settle down o magkaroon ng supling, sinabi nilang wala pa silang plano, pero umamin sila na mayroon pa silang sex life.

Thursday, August 14, 2014

Nadine Lustre Asked By Kris Aquino If She Is Dating James Reid On 'Aquino And Abunda Tonight'

Ang star ng teen romance film na 'Talk Back And You're Dead' na si Nadine Lustre ay natanong ng host na si Kris Aquino noong Huwebes sa 'Aquino And Abunda Tonight' kung may relasyon ba sila ng kanyang co-star na si James Reid.



Sinagot ng bente anyos na aktres na mas focus muna siya sa kanyang career ngayon at mas gusto niyang magkaibigan lamang sila ng dating Pinoy Big Brother housemate 'for now'.

Nadine Lustre On Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14922744412/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'Talk Back And You're Dead' ay dinirek ni Andoy Ranay at ang kuwento ng pelikula ay nakasentro sa mayaman at magandang schoolgirl na si Sam, na ginanapan ni Nadine, at ang mga leather clad members ng isang gang na sina Top, na ginanapan ni James, at Red, na ginanapan naman ni Joseph Marco.

Juan Karlos Labajo Revealed He Also Used To Scavenge Junk Like Lyca Gairanod

Hindi man halata pero sinabi ng 'The Voice Kids' finalist na si Juan Karlos Labajo na dati rin siyang nangangalakal katulad ng grand champion na si Lyca Gairanod.

Sa kanyang interview sa 'Tapatan ni Tunying' noong Huwebes, ang labing tatlong taong gulang na singer ay umaming baon pa rin sila sa utang kahit na naging pangatlo siya sa singing competition.

Juan Karlos Labajo on Tapatan ni Tunying
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14735126317/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang batang taga Cebu ay patawa ding sinabing kahit na kokonti ang consolation prize, malaki naman daw ang nabago sa buhay nilang pamilya.

Si Juan Karlos ngayon ay nakatira sa kanyang uncle sa Maynila 'for good' para magpursige sa kanyang career sa musika.

Sinabi din niyang itutuloy pa rin naman din niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng home schooling at ito ang isa sa kanyang mga mithiing matupad sa lahat.

Wednesday, August 13, 2014

Judy Ann Santos Enters Pinoy Big Brother House (PBB All In)

Si Judy Ann Santos ay pumasok sa Pinoy Big Brother house bilang host ng special challenge para sa mga housemates na tinawag na 'Do You Know'?



Ang housemate na si Vickie Rushton ang unang nanalo sa first round ng challenge kaya siya ay ligtas para sa nominasyon nitong linggo.

Judy Ann Santos host special challenge in PBB
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14726714477/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Samantalang ang housemate naman na si Maris Racal ang pangalawang nanalo sa second round at ligtas din siya sa nominasyon. Nagkamit din ng power si Maris na magligtas pa ng isang housemate para hindi maisali sa nominasyon at pinili niyang gamitin ito sa kanyang kaibigang si Loisa Andalio.

Dahil dito, ang mga ibang natitira pang housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza at Joshua Garcia ay automatic na nominado pagkatapos nilang matalo sa challenge.

Boy Abunda Hospitalized According To Kris Aquino On 'KrisTV'

Kung kayo ay nagtataka kung bakit wala si Boy Abunda sa 'The Buzz' at 'Aquino and Abunda Tonight' ay dahil siya ay naconfine sa ospital ayon sa kanyang co-host at kaibigang si Kris Aquino.

Sinabi ni Kris sa episode ng 'KrisTV' noong Miyerkules na itinakbo si Boy sa ospital dahil sa mataas na lagnat na umabot ng 41 degrees celsius.

Kris Aquino and Boy Abunda on A&A Tonight
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14725266778/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon din kay Kris, si Boy ay dumaan din sa isang CT scan para masigurado ang lahat at kung okay nga ba ang kanyang kalagayan.

Tuesday, August 12, 2014

Vice Ganda Broke TV Screen 'It's Showtime'

Si Vice Ganda ay humingi ng paumanhin sa production staff ng 'It's Showtime' pagkatapos niyang aksidenteng masira ang screen ng isang TV sa set ng noontime show noong Martes.



Ito ay nangyari sa segment ng show na 'Sine Mo 'To' ng biglang sinipa ni Vice ang prop at tumama sa TV screen sa studio.

Vice Ganda Broke TV Screen on It's Showtime
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14716622870/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Vice na akala niya ay kahon lamang ang prop at di inaakalang ito ay matigas. Nagpatawa din siya ng nanawagan siya sa kanyang mga sponsors para bayaran ang nasira niyang TV.

Herbert Bautista Grilled By Kris Aquino On 'Aquino & Abunda Tonight'

Sinabi ni Kris Aquino na hindi daw niya akalaing mangyayari ang pagiging guest at pagharap niya sa dating karelasyon na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.



Absent si Boy Abunda sa episode noong Lunes kaya one on one si Kris at Bistek sa show, kung saan inihaw ni Kris si Herbert tungkol sa insidenteng pagsampal ni Herbert sa nahuling Chinese drug dealer.

Herbert Bautista on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14899070781/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpaumanhin muli si Herbert sa publiko dahil sa naturang insidente at sinabing hindi daw siya talaga nananakit ng tao physically by nature.

Si Kris naman ay halatang ibinabalik ang kanilang past love affair at sumisingit at talagang iniihaw si Herbert.

Bago pa man maging awkward ang naturang interview, nagsignal si Kris ng commercial break para mabigyan si Herbert ng oras na makapagpahinga.

Patungo sa pagtatapos ng show, nagpasalamat si Herbert kay Kris at binigyan siya nito ng oportunidad para maklaro ang naturang pananampal niya sa drug dealer, kung saan nagparinig na naman si Kris at sinabing, hindi nananakit si Herbert physically kundi damdamin lang.

Monday, August 11, 2014

Robin Williams Found Dead From Apparent Suicide

Ang hollywood star at komedyanteng si Robin Williams ay natagpuang patay noong Lunes sa kanyang bahay sa Northern California. Siya ay 63 years old.



Sa imbestigasyon ng Martin County Sheriff's coroner division, si Robin ay nagpakamatay pero ang kanyang cause of death ay under investigation pa at nitong Martes ay i-o-autopsy ang kanyang bangkay.

Robin Williams Stage Act
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14890678541/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon sa publicist na si Mara Buxbaum, si Robin ay dumanas ng severe depression kamakailan lamang.

Si Robin ay nakipaglaban din sa kanyang past addictions at pumasok siya sa Minnesota rehabilitation center nitong summer, pero saad ng kanyang mga representatives, si Robin ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na droga o alkohol. Siya ay pumasok lamang sa rehabilitation center para magkaroon siyang muli ng focus dahil sa kanyang masyadong mahahabang working schedules.

Sunday, August 10, 2014

Manolo Pedrosa Evicted From Pinoy Big Brother House

Ang 'Wonder Son ng Quezon City' na si Manolo Pedrosa ay ang latest na na-evict sa 'Pinoy Big Brother' house noong Linggo.



Si Manolo ang pang-labing-tatlong housemate na na-eliminate sa kompetisyon pagkatapos niyang makakuha lamang ng 31.16 na porsyentong boto mula sa mga manonood.

Manolo Pedrosa And Jane Oineza on Live Eviction Night
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14882904482/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nang tinanong si Manolo kung ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang experience sa loob ng bahay ni kuya, sinabi niyang para daw itong isang 'wild roller coaster ride'.

Si Manolo ay sinalubong ng kanyang ina sa labas ng PBB house.

Lyca Gairanod Makes Vice Ganda Cry On Gandang Gabi Vice (GGV)

Ang grand champion ng 'The Voice Kids' na si Lyca Gairanod ay napaiyak ang host na si Vice Ganda sa Filipino version niya ng classic na kanta ni Luther Vandross na 'Dance With My Father' sa Gandang Gabi Vice noong Linggo.


Sinabi ni Vice na napaiyak siya dahil bumalik ang mga alaala niya sa kanyang yumaong ama dahil sa kantang iyon.

Lyca on Gandang Gabi Vice
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14880155644/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Lyca ay guest sa GGV kasama ang kapwa final four na sina Darren Espanto, Juan Karlos Labajo at Darlene Vibares.

Daniel Padilla Surprises Lyca Gairanod On 'ASAP'

Ang grand winner ng 'The Voice Kids' na si Lyca Gairanod ay shocked at di makapagsalita ng dumating at kinarga siya ng teen star na si Daniel Padilla.


Sa episode ng 'ASAP' noong Linggo, sinorpresa ni Daniel si Lyca habang kinakausap siya ng host na si Alex Gonzaga kasama ang kanyang kapwa final four.

Daniel Padilla Carries Lyca Gairanod
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14879462254/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Tinukso din si Lyca ni Robbie Domingo na crush niya si Daniel Padilla at siya ay namumula, habang buhat siya ng teen star.

Saturday, August 9, 2014

Herbert Bautista Slaps Arrested Chinese Drug Dealer

Karamihan ng tao ay maaalala si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang mga comedy roles, pero nitong Biyernes ipinakita ni Herbert ang kanyang pagiging 'tough guy' side pagkatapos niyang sampalin ang isang Chinese National na nahuli sa isang anti-drug operation ng hindi ito sinagot ang katanungan ni Bistek.



Nagtungo ang mayor sa Philcoa area kung saan nahuli ng mga pulis ang Chinese na nakilala sa kanyang driver's license na si Xu Zhen Zhi.

Herbert Bautista Slaps Drug Dealer
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14871045604/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nakumpiska ng nga pulis ang sampung bag ng shabu na nagkakahalaga ng P15 million.

Ayon naman sa Commission on Human Rights, ang ginawa umano ng mayor ay isang paglabag ng human rights.

Kwinestiyon din ni Bistek ang driver's license ng naturang suspek kung bakit siya nakakuha nito kung hindi talaga siya nakakaintindi ng Ingles o Filipino.

Pinoy Big Brother House Visited By Spirits?

Hindi lamang ang mga housemates ang nasa loob ng Pinoy Big Brother house ayon sa isang paranormal expert.



Sa episode ng Pinoy Big Brother: All In noong Sabado, mapapanood na ang ilan sa mga housemates ay nakarinig ng mga weird na ingay sa loob ng PBB house.

Daniel Matsunaga Feeling Weird Presence Inside PBB house
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14685928937/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Tinanong ni Big Brother ang mga housemates kung mayroon silang nararamdamang kakaiba sa loob ng bahay at umamin ang mga housemates na palagi silang nakakarinig ng kakaibang ingay at minsan si Loisa Andalio ay nakakita ng anino sa isa sa mga salamin sa loob ng kuwarto.

Saad ng isang paranormal investigator na si Gerald Elvina, ang kakaibang tunog na naririnig ng mga housemates ay galing sa isang babae ayon sa kanyang pagsusuri ng voice range nito.

Ipinaliwanag din ni Gerald na dalawang grupo ang nasa loob ng bahay, isang grupo ng mga elementals at isang grupo ng mga lost spirits.

Kinausap ni Gerald ang mga housemates at ipinaliwanag na ang pagpaparamdam ng mga spirits ay dahil sa kanilang depression at anxiety kaya nag-advice siya na huwag silang matakot dahil ang takot nila ay lalo lang magiimbita ng mas marami pang spirits.

Nagsagawa rin si Gerald ng isang cleansing ritual sa mga housemates at sa bahay gamit ang isang Tibetan singing bowl.

Dingdong Dantes Proposes To Marian Rivera On Live TV

Ang GMA Primetime King at Queen ay engaged na. Noong Sabado, August 9, si Dingdong Dantes ay nag-proposed sa kanyang long-time girlfriend na si Marian Rivera sa live TV.



Ang ina at lola ni Marian at ang pamilya ni Dingdong ay personal na nasaksihan ang proposal sa special birthday episode ng self-titled dance show ni Marian.

Dingdong Proposes To Marian
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14685008318/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga fans naman nila, specially ang mga DongYan, ay talagang nagulat sa sorpresa ng aktor at sila ay nagtititili.

Friday, August 8, 2014

Nadine Lustre Doesn't Mind Being Compared To Kathryn Bernardo

Ang star ng Diary ng Panget na si Nadine Lustre ay nag-react noong Biyernes sa mga komento ng mga nagsasabing hawig na hawig niya ang teen star na si Kathryn Bernardo.



Sa isang interview niya sa press conference ng kanyang nalalapit na pelikulang 'Talk Back and You're Dead', sinabi ni Nadine na okay lang daw namang maikumpara siya kay Kathryn.

Nadine Lustre interview at Talk back and Youre Dead press con
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14677492969/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ipinagpatuloy ni Nadine na marami siyang natatanggap na negative comments at mga threats na nanggagaling sa mga nagpapanggap na fans ni Kathryn.

Pinatunayan ni Nadine na wala siyang kahit anong bahid laban kay Kathryn dahil isa siyang fan ng love team nila ni Daniel Padilla na KathNiel.

Sinabi rin ni Nadine na ginagawan niya ng effort para maging iba siya sa imahe ni Kathryn para madevelop at makilala siya sa kanyang sariling imahe.

Derek Ramsay's Estranged Wife, Mary Christine Jolly Files Case Against The Actor

Ang alleged estranged wife ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly ay nag-file ng kaso laban sa aktor.

Derek Ramsay Speech
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14879690973/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pinakasalan ni Derek si Mary Christine noong 2002 sa Bulacan at nagkaroon sila ng lalaking anak na ngayon ay labing isang taong gulang na.

Si Mary Christine ay nag-file ng kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o Republic Act No. 9262 laban sa aktor noong Hunyo 27, 2014.

Ang kanyang complaint ay isinasaad na ang aktor ay di nagampanan ang kanyang pagiging ama at hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang anak.

Ayon naman sa abugado ni Derek na si Joji Alonso, lahat ng ito ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Ang kampo ni Derek ay magsusumite ng counter affidavit sa Makati Prosecutor's Office nitong August 20.

Thursday, August 7, 2014

Sandara Park With Daniel Padilla And Kathryn Bernardo, And Star Circle Quest Alums

Ang Korean pop star na si Sandara Park ay nasa Pilipinas muli para magbakasyon pagkatapos ng kanyang concert kasama ang grupo niyang 2NE1 tatlong buwan na ang nakakaraan.


Ang dating aktres ng ABS-CBN ay nag-share ng kanyang mga litrato sa Instagram noong Huwebes kung saan makikita ang kanyang mga outing sa Tagaytay at Manila kasama ang kanyang mga Star Circle Quest finalists.

Sandara Park with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14670309218/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpunta rin ang 'Pambansang Krung-krung' sa victory party ng She's Dating The Gangster na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sinabi ni Daniel at Kathryn na sila ay nasorpresa dahil personal na lumapit si Sandara para i-congratulate sila.

Jane Oineza And Vickie Rushton Evicted From Pinoy Big Brother: All In

Na-evict sa Pinoy Big Brother: All In ang mga housemates na sina Jane Oineza at Vickie Rushton pagkatapos ng kanilang weekly task.



Sa episode ng reality show noong Miyerkules, kinausap ni Big Brother ang mga natirang housemates sa loob ng PBB house at sinabing tatlo na lamang ang matitira sa loob ng bahay dahil ang dalawang pinakamabagal na nakatapos ng weekly task ang ma-eevict.

PBB Housemates In Confession Room As Vickie and Jane Were Evicted
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14827637136/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Inanunsiyo ng TV host na si Toni Gonzaga ang tatlong maiiwan na housemates na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio at Maris Racal at sinabihang bumalik agad sa loob ng bahay.

Sina Vickie Rushton at Jane Oineza na sa tingin ng tatlong natirang housemates ay na-evict na, ay sasamahan sina Daniel Matsunaga at Manolo Pedrosa sa secret room at hihintayin ang final votes na manggagaling sa mga manonood.

Wednesday, August 6, 2014

Daniel Padilla Shows Off His Bedroom On KrisTV

Sa episode ng 'KrisTV' noong Huwebes, sinugod ni Kris Aquino ang bahay ni Daniel Padilla.



Ipinakita ni Daniel ang kanyang private bedroom at ang kanyang gaming at multimedia home theater room kung saan palagi niyang kasama ang kanyang mga kaibigan.

Daniel Padilla Shows Room On KrisTV
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14869182983/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang room ni Daniel ay napakasimple at walang mga ibang dekorasyon katulad ng ibang kuwarto ng mga personalidad sa showbiz.

Mommy D Or Dionisia Pacquiao Opens Up About Boyfriend Michael

Ang 65 na taong gulang na ina ng Filipino boxing icon at Saranggani Rep. Manny Pacquiao ay kinumpirmang mayroon siyang boyfriend noong Miyerkules.



Si Dionisia Pacquiao, o mas kilala sa pangalang Mommy D sa showbiz ay tumangging ibigay ang mga detalye tungkol sa kanyang boyfriend pero sinabi naman niya ang first name nito bilang si Michael.

Mommy D confirms having boyfriend
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14661490480/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Mommy D na nagkakilala sila ni Michael sa isang sing-along birthday party.

Saad ni Mommy D na hindi niya sineseryoso si Michael at malayong siya ay maging pangalawa niyang asawa dahil si Michael ay may planong magtrabaho abroad at si Mommy D naman ay sobrang busy sa kanyang trabaho.

Ipinaliwanag ni Mommy D na kailangan muna niyang makilala ng mabuti si Michael kung siya nga ba ay karapat-dapat na maging lifetime partner niya.