Lazada Philippines
Lazada Philippines

Thursday, July 31, 2014

Enchong Dee Asked 'Are You Still A Virgin?' On Aquino & Abunda Tonight

Hindi nagdalawang isip si Enchong Dee na sagutin ang tanong kung virgin pa nga ba siya, sa Aquino and Abunda Tonight.



Ito ay pagkatapos ng mainit na pag-amin ng mga ilang personalidad sa showbiz na mas prefer nilang wala munang romansa hanggang sila ay kasal na.

Enchong Dee on Aquino and Abunda Tonight
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14613040657/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang bente sais anyos na aktor ay nadiin din ng host na si Boy Abunda kung ano nga ba talaga ang mayroon sila ng kanyang leading lady sa 'Once A Princess' na si Erich Gonzales, pati na rin ang aktres na si Julia Montes, kung saan siya ay na-link sa kanilang dalawa sa magkaibang panahon.

Vickie Rushton Passed Out After Completing Obstacle Course In 'Pinoy Big Brother: All In'

Nag-panic ang lahat ng housemates sa loob ng Pinoy Big Brother house ng mawalan ng malay ang contestant na si Vickie Rushton.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Miyerkules, kakatapos lamang gawin ng mga housemates ang kanilang obstacle course task ng himatayin si Vickie.

Daniel Matsunaga tends to unconscious Vickie Rushton
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14770691826/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dinala siya ni Daniel Matsunaga sa confession room at tumawag si Big Brother ng medical assistance.

Pagkatapos ma-checked ng doktor si Vickie at ma-approved na maayos na ang kanyang kondisyon, inalalayan siya ng mga lalaking housemates pabalik sa living room.

Sinabi ng doktor na tumingin kay Vickie, na si Dr. Alma Cristina Andin na nakaranas si Vickie ng pagbaba ng supply ng dugo sa kanyang utak, pero sinigurado naman ng doktor na okay na ang lahat.

Tuesday, July 29, 2014

Fifth Pagotan Throws Funny Tantrum During 'Pinoy Big Brother' Task

Ang Pinoy Big Brother contestant na si Fifth Pagotan ay talagang nakakatawa kung mapapanood ang kanyang emosyonal na reaksiyon dahil sa isang task kung saan involved ang mga ahas, palaka at iba pang mga hayop sa episode ng reality show na ipinalabas noong Martes.



Ang bente dos anyos na commercial model, pati na rin ang pitong natitirang housemates ay dumaan sa isang obstacle course kung saan kailangan nilang bilangin ang mga palaka, uod, guinea pigs at ahas, na kung sila ay tama ng bilang, maaari silang magligtas ng isang housemate para hindi maisama sa nominasyon para sa eviction.

Fifth Pagotan's Funny Tantrum On PBB
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14596302259/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pinili ni Fifth ang kanyang close friend na si Manolo Pedrosa at siya ang unang sumabak sa loob ng challenge room.

Siya ay gulat na gulat ng makita ang mga aquarium na puno ng mga hayop at lalo siyang natakot at nag-panic ng makita niya ang mga ahas.

Ang kabuuang nabilang ni Fifth ay 101 pero siya ay nagkamali dahil ang tamang bilang ay 99.

Sa pagtatapos ng challenge, apat na housemates ang nananatiling nasa listahan ng mga nominees, ito ay sina Fifth, Manolo, Jane Oineza at Joshua Garcia.

Sarah Geronimo Named 'Most Beautiful Celebrity' By YES! Magazine

Ang pop star na si Sarah Geronimo ang pinakamagandang celebrity sa Pilipinas ayon sa YES! showbiz magazine na nailathala sa kanilang special issue.


Si Sarah ay naipakilala noong Martes bilang top pick ng editor-in-chief ng YES! magazine na si Joann Maglipon sa press conference na idinaos ng naturang magazine sa Quezon City. Ang host ng press con ay si Iya Villania.

Sarah Geronimo Pictorial
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14778038461/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon sa YES!, ang bente sais anyos na singer ay napili dahil sa kanyang confidence at napakasimpleng kagandahan.

Monday, July 28, 2014

Melissa Ricks Is Pregnant

Ang aktres na si Melissa Ricks ay buntis. Ito ay kinumpirma ni Tess Gubi ng Star Magic noong Lunes ng hapon.

Melissa Ricks
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14750067546/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang bente kuwatro anyos na aktres ay kasalukuyang ini-enjoy ang kanyang pahinga sa showbiz sa Cebu kasama ang ilang kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, siya ay nagpost ng kanyang mga litrato sa kanyang bakasyon kung saan siya ay nakatanggap ng mga congratulatory messages.

Si Melissa ay nagumpisa sa showbiz bilang miyembro ng Star Circle Quest at naging karelasyon niya ang mga aktor na sina Paul Jake Castillo at Jake Cuenca.

Noong Mayo, nasabi ni Melissa na gusto na niyang maging pribado ang kanyang buhay. Sinabi din niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang sariling ikakasal dahil bata pa siya at ini-enjoy muna niya ang kanyang buhay.

Mommy Dionisia Pacquiao Steals Spotlight On SONA Red Carpet

Si Dionisia 'Mommy D' Pacquiao ay pinagkaguluhan sa red carpet sa House of Representatives bago ang taunang State Of The Nation Address ni Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III.

Mommy Dionisia Pacquiao at the 5th State of the Nation Address Red Carpet
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14765816404/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang anak ni Aling Dionisia na si Rep. Emmanuel 'Manny' Pacquiao ay dumating kasama ang kanyang asawang si Jinkee pagkaraan ng ilang minuto.

Sinabi ni Mommy D sa mga reporters noong Lunes na first time daw niya talagang magpunta sa Batasang Pambansa para dumalo ng SONA at siya ay masayang masaya.

Ang 65 taong gulang na ina ng Filipino boxing icon na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay nakasuot ng puting terno at apple green na floral details na dinisenyo ni Gin Villamayor.

Si Mommy D ay masayang nag-posed para sa mga cameraman at malugod na nagpaunlak ng mga interviews.

Maliban kay Mommy D, ilang celebrities din ang naglakad sa SONA red carpet katulad nila Assunta de Rossi, Alfred Vargas, Heart Evangelista at ang mag-asawang Richard at Lucy Gomez.

Patrick Garcia Proposes To Girlfriend Nikka Martinez

Ang aktor na si Patrick Garcia ay engaged na ngayon sa kanyang non-showbiz na partner na si Nikka Martinez.



Sa official Instagram account ni Patrick, nagpost siya ng video clips ng kanyang proposal kay Nikka, ang ina ng kanilang anak na babaeng si Chelsea, sa harap ng kanilang mga ka-church members.

Patrick Garcia Proposes To Girlfriend
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14578859258/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Nikka naman ay nagpost din sa kanyang Instagram account at nag-expressed ng kanyang pag-ibig at excitement para pakasalan si Patrick.

Sunday, July 27, 2014

Daniel Padilla Reacts To Lea Salonga's Comment On 'The Voice Kids'

Sinabi ni Daniel Padilla na hindi siya na-offend sa comment ng Tony Award winner na si Lea Salonga sa 'The Voice Kids' noong Sabado.



Sa interview ni Daniel sa 'The Buzz' noong Linggo, sinabi niyang nirerespeto pa rin niya ang veteran singer.

Daniel Padilla on The Buzz
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14740473046/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang isyu ay nangyari ng nagkomento si Lea sa miyembro ng Team Bamboo na si Juan Karlos Labajo at sinabing kaya niyang talbugan si Daniel pagdating niya sa edad na mayroon si Daniel ngayon.

Saad ni Daniel na hindi naman ito big deal at isyu, nadala lang naman daw si Lea sa naturang kompetisyon.

Samantala, si Lea ay nagpaumanhin na sa mga supporters ni Daniel sa Twitter noong Linggo at sinabing hindi naman niya intensiyon at sinasadya ang naturang komento.

Paolo Bediones Sex Video Scandal Spreading Online

Ang TV host na si Paolo Bediones ang bagong involved sa isang sex video scandal.

Click Here To Watch Paolo Bediones Sex Video (warning adult content) 18+

Ang video na halos umabot ng pitong minuto ay naging viral na sa social media sites.

Hindi pa klaro kung magbibigay ng statement si Paolo tungkol sa scandal, pero hula ng mga netizens na siguradong hindi siya magpapakita sa kanyang mga TV appearances sa mga susunod na araw o di kaya ay magmamaangmaangan na lamang siya na parang walang nangyari.

Paolo Bediones
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14759064805/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa isang column ng Inquirer, isang blogger ang nagsabing umamin noon si Paolo na nagkaroon siya ng scandal video sa isang sexy star.

Lyca Gairanod Is 'The Voice Kids' Philippines First Grand Champion

Isang siyam na taong gulang na batang babae na dating nangangalakal ng basura sa Cavite ang pinakaunang nanalo bilang grand champion sa 'The Voice Kids' sa Pilipinas noong Linggo sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.



Si Lyca Gairanod, isa sa mga miyembro ng Team Sarah sa 'Final Showdown' ng naturang kompetisyon ang nanalo pagkatapos niyang makatanggap ng pinakamaraming boto na galing sa publiko.

Lyca Gairanod on The Voice Kids Finale
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14757453195/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kanyang teammate na si Darren Espanto ang nagwagi bilang 1st runner up at ang miyembro ng Team Bamboo na si Juan Karlos Labajo at miyembro ng Team Lea na si Darlene Vibares ang mga iba pang runners up ng kompetisyon.

Noong Sabado, naimpressed ang mga coaches sa performance ni Lyca sa kanta ni Regine Velasquez na 'Narito Ako'.

Kinanta rin ni Lyca ang 'Call Me Maybe' ni Carla Rae Jepsen.

Samantala, sa results show noong Linggo, nag-perform ang mga guests na sina Lani Misalucha, Martin Nievera, Gary Valenciano at ang bandang Aegis.

Saturday, July 26, 2014

Lyca, Darren, Juan Karlos And Darlene Opens 'The Voice Kids' With Solid Performance

Ang apat na batang pasok sa finals ng 'The Voice Kids' ay nagsama-sama noong Sabado para sa opening ng live show ng kompetisyon sa Resorts World Manila.



Sina Darren Espanto, Darlene Vibares, Lyca Gairanod at Juan Karlos Labajo ay kumanta ng medley ng mga alternative OPM hits na pinasikat ng mga bandang Rocksteddy, Spongecola at Sandwich, kung saan napasaya at napaindak nila ang mga manonood sa kanilang napaka-energetic na performance.

Darren, Lyca, Darlene and Juan Karlos The Voice Kids opening
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14752834802/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Little Girl Sings Amazing OPM Song While Selling Rice Cakes (Bibingka)

Ang Facebook post ng isang nagngangalang Axel Sioson ay naging isa sa mga pinakamaiinit na topic online kung saan mapapanood ang isang batang babae na kumakanta ng sarili niyang bersiyon ng isang OPM song habang nagbebenta ng bibingka.




Ang naturang viral video ay unang naipost noong July 23, 2014 at ito ay naging instant hit at na-share at nairepost sa iba't ibang Facebook pages.

Amazing Little Girl Sings while selling rice cakes
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14744139451/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga netizens ay nangangarap na sana ang naturang video ay makuha ang atensiyon ng mga local at international scouts dahil sadyang sobrang galing talagang kumanta ng batang tindera.

Friday, July 25, 2014

Jane Oineza Visited By Rumored Suitor Jeron Teng On Her 18th Birthday (PBB All In)

Ang Green Archer na si Jeron Teng ay bumisita sa Pinoy Big Brother house para umattend ng 18th birthday celebration ng celebrity housemate na si Jane Oineza sa episode ng reality show noong Biyernes.



Ang college basketball star na nababalitang nanliligaw kay Jane bago pa man nagumpisa ang reality show, ang pinakahuling surpresang bisita na inihanda ng show para sa aktres.

Jane Oineza and Jeron Teng in PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14722895276/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dalawa ay saglit na sumayaw bago sila umupo at nag-usap. Sila ay talagang gula't na gula't sa isa't isa.

Ilan sa mga bisitang dumalo sa kaarawan ni Jane ay ang kanyang mga magulang, dating housemates na sina Axel Torres at Nichole Baranda at si Kiray.

Samantala, ang teen housemate na nalilink kay Jane na si Joshua Garcia ay tahimik sa buong oras na nasa loob ng PBB house si Jeron.

Nang tinanong siya kung siya ba ay nagseselos, sinabi niyang hindi naman daw siya nanliligaw, pero umamin din siyang nagseselos siya ng kaunti sa bandang huli dahil mukhang nakalimutan na siya ng aktres magmula ng dumating si Jeron.

Kathryn Bernardo And Solenn Heussaff Put PH In FHM's '10 Hottest Nations In The World'

Ang Pilipinas ay naging parte ng '10 hottest nations in the world' list ng FHM United kingdom.



Pang-lima ang Pilipinas sa listahan kung saan nabanggit ang teen star na si Kathryn Bernardo at ang aktres na si Solenn Heussaff.

Solenn Heussaff Bench Pictorial
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/13210020644/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo Singing Got To Believe
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/13125693645/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Talagang nakamamangha na napasama si Kathryn sa listahan dahil nakuha niya ang atensiyon ng naturang men's magazine sa abroad dahil siya lang ang hindi nagpapakita ng balat di katulad ng ibang na-feature.

Ang apat na nanguna sa listahan ng FHM UK ay ang Brazil, Russia, Colombia at Britain.

Ang mga iba pang bansa na kasali sa Top 10 ay ang Spain, Australia, Bulgaria, South Africa at Canada.

Thursday, July 24, 2014

Jason Abalos Hurt On Vickie Rushton's Revelations

Sinabi ni Jason Abalos na siya ay nasaktan ng malaman niya ang mga isyu tungkol sa kanilang relasyon ni Vickie Rushton na nanggaling mismo sa Pinoy Big Brother housemate.



Inamin din ni Jason na umiyak siya ng napanood niya ang mga confession ni Vickie. Sinabi rin niyang hindi siya aware sa mga pagkukulang niya sa kanilang relasyon.

Jason Abalos interview Separados press con
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14759385153/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Unang nag-open si Vickie tungkol sa mga isyu ng kanyang relasyon kay Jason sa episode ng PBB noong June 26. Sinabi niyang disappointed siya sa decreasing efforts ni Jason para maging special ang kanilang relasyon.

Sinabi ni Jason na hindi siya gaanong concerned sa mga issues na iyon noong una pero siya ay biglang nabahala at parang seryoso na ng nai-open muli ito ni Vickie sa mga nakaraang episodes ng reality show.

Tungkol naman sa panunukso ng mga housemates kay Vickie at Daniel, hindi daw nagseselos si Jason. Nakikita naman daw niyang wala talagang nangyayari sa kanila at mataas ang respeto niya kay Daniel dahil napapanood naman daw niya na marunong dumistansiya at rumespeto ang Brazilian Japanese model sa mga taong nasa isang relasyon na.

Aljur Abrenica Files Case Against GMA-7, Wants Out Of Contract

Ang aktor na si Aljur Abrenica ay gustong kumalas sa kontrata niya sa GMA-7.



Ang bente kuwatro anyos na aktor ay nagpunta sa Quezon City Hall of Justice noong Huwebes ng hapon at nag-file ng complaint na Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA Network.

Aljur Abrenica Files A Case Against GMA Network at Quezon City Hall of Justice
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14734858101/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon sa formal complaint, si Aljur ay isang exclusive talent ng GMA-7 hanggang March 2015. Ang kanyang kontrata ay renewable ng tatlong taon, ayon sa network's exclusive option.

Si Aljur ay humihingi ng isang milyong piso para sa moral damages hinggil sa kanyang nabahirang reputasyon, serious anxiety at sleepless nights, kung saan pinagtrabaho siya ng GMA-7 ng mahabang oras kahit na siya ay may sakit, na nakaapekto sa kanyang acting performance.

Ang complaint na nilagdaan ng legal counsel ni Aljur na si Atty. Ferdinand Topacio ay humihingi rin ng P100,000 na exemplary damages at karagdagang P800,000 para sa attorney's at iba pang legal fees.

Ayon kay Topacio, wala ng choice si Aljur dahil nakipag-usap na daw ito sa mga network executives ng GMA-7. Dagdag pa niya na ang kampo nila ay hindi naguumpisa ng gulo kundi para mag-open ng dialogue sa mga GMA-7 executives para i-terminate ang kontrata ni Aljur.

Billy Crawford Admits Relationship With Coleen Garcia

Sa episode ng It's Showtime noong Huwebes, umamin na si Billy Crawford na girlfriend niya si Coleen Garcia. Matatandaang pitong buwan na ang nakalipas ng una niyang inamin na nanliligaw siya sa kanyang co-host.



Ang dalawa ay naging open sa pagkakalink sa isa't isa kahit inamin lang nila ang kanilang relasyon nitong Huwebes.

Billy Crawford And Coleen Garcia on It's Showtime
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14734212781/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Matatandaang sinabi ni Coleen na hindi siya mahilig maglagay ng kahit anong label sa isang relasyon. Sinabi rin niya noon na hinihintay lamang niya ang tamang panahon.

Wednesday, July 23, 2014

Jane Oineza Called 'Touchy Queen' By Joshua Garcia, Tension Escalated

Ang aktres na si Jane Oineza ay na-offend sa 'Touchy Queen' remark ng kapwa Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia sa episode ng reality show noong Miyerkules.



Nasabi ito ni Joshua nang mapansin niyang parang masyadong 'touchy' si Jane kay Manolo Pedrosa habang tinuturuan niya ito ng dance steps para sa nalalapit na concert.

Jane Oineza and Joshua Garcia
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14727776601/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pagkarinig ni Jane sa remark ni Joshua, nag-walked out ito at iniiwasan niyang makipagusap sa kanya hanggang sa pilit ng lumapit si Joshua kay Jane para maayos ang lahat.

Pero lalo lang nainis si Jane dahil porke't naging malapit sila ay hindi ibig sabihing mababa na ang respeto niya sa kanya.

Sa nakaraang episodes, nagpahiwatig si Joshua na may gusto siya kay Jane, pero kaibigan lamang ang turing ng dating 'Goin' Bulilit' mainstay sa kanya.

Sa sumunod na araw, si Jane ay dumidistansiya kay Joshua, kahit na niyakap na siya ni Joshua at pilit hinahawakan ang kamay. Sumagot ng 'hindi' si Jane ng tinanong ni Joshua kung naiirita ba siya sa kanya pero malamig pa rin ang pakikitungo ni Jane sa kanya.

Hanggang kailan kaya magiging malamig si Jane kay Joshua ngayong malapit na ang nalalapit na 18th birthday celebration ni Jane.

Vickie Rushton Asks Jason Abalos Where Relationship Stands Thru Text (PBB All In)

Sinabi ng Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton na nagdududa siya sa kahihinatnan ng relasyon niya sa aktor na si Jason Abalos pagkatapos ng isang isyu na umugong ng dumalaw ang komedyanteng si Vice Ganda sa PBB house.



Bago nagpaalam ng PBB house si Vice, binigyan siya ni Big Brother ng choice para mamili sa mga natitirang housemates kung sino ang mabibigyan ng tsansang makapag-send ng text message sa kanilang mahal sa buhay.

Vickie Rushton talks to Big Brother
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14749353363/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Dahil sa mga duda ni Vickie sa kanyang relasyon kay Jason, napili siya ni Vice para makontak niya si Jason.

Inamin ni Vickie na maaaring naapektuhan si Jason sa pagkakalink niya kay Daniel Matsunaga, kung saan pinabulaanan nila ang naturang 'romance' sa kanilang dalawa.

Sa episode ng PBB noong Miyerkules, hirap si Vickie na tapusin ang kanyang message para kay Jason, pero pagkatapos niyang humingi ng payo sa teen housemate na si Loisa Andalio, natapos din ni Vickie ang mensaheng ipinadala niya kay Jason.

Vice Ganda Hugs Fifth Pagotan And Said 'You Made Me Cry' (PBB All In)

Nagbigay ng words of encouragement si Vice Ganda sa Pinoy Big Brother housemate na si Fifth Pagotan na umaming isa siyang bisexual kamakailan lamang.



Si Vice ay bumisita sa Pinoy Big Brother house nitong linggo.

Vice Ganda Hugs Fifth Pagotan
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14722303301/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Martes, sinabi ni Vice sa bente dos anyos na commercial model na siya ay naging emosyonal nang mapanood niya ang confession ni Fifth noong nakaraang linggo.

Pagkatapos yakapin ni Vice si Fifth, pinaalalahanan niya ito na hindi niya kailangang magpaliwanag ng kanyang sexual orientation sa harap ng madla.

Tuesday, July 22, 2014

'Last Home Stand' A Disappointment, Blake Griffin And Paul George No Show

Ang 'Last Home Stand' charity event ay napuno ng pagkadismaya at galit sa mga manonood kung saan kasama ang Gilas Pilipinas at ilang NBA stars na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes.



Imbes na makakita ng exhibition game ang mga manonood, mga drills at exercises lamang ang kanilang nasaksihan.

NBA Stars in Philippines
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14700040536/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Una nang nadismaya ang mga manonood ng nalaman nilang hindi makakarating si Blake Griffin at Paul George.



Ang naturang 2 day event ay naging isang 1 day event na lamang ng ideklarang kanselado na ang pangalawang araw.



Ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng exhibition game ay dahil hindi ito aprubado ng NBA kung saan ang promoter ng naturang event ay hindi nakakuha ng go signal mula sa naturang basketball organization.





Monday, July 21, 2014

Vice Ganda Opens Up To Housemates During His Brief Visit Inside PBB House

'I am proud to say na mukha akong kabayo'. Ito ang mga katagang sinabi ni Vice Ganda sa mga housemates ng Pinoy Big Brother noong Lunes upang sila ay maliwanagan para tanggapin ang kanilang mga imperfections.



Sa confession room. ipinaliwanag ng 'It's Showtime' co-host kay Big Brother na siya ay talagang bumilib sa housemate na si Fifth Pagotan ng kanyang aminin na isa siyang bisexual sa nakaraang episode ng PBB kaya siya ay nagagalak na ma-meet si Fifth para bigyan niya ito ng suporta at words of encouragement.

Vice Ganda Inside PBB house
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14528180177/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Vice ay binigyan ni Big Brother ng task para turuan ang mga housemates na sayawin ang dance steps ng kanyang sikat na kantang 'Boom Panes', kung saan saad ni Vice na angkop na angkop ang mensahe ng kanyang kanta para sa mga natirang housemates sa loob ng bahay ni Kuya.

Ang kanta ayon kay Vice ay tungkol sa pagiging komportable ng isang tao sa kanyang mga imperfections at para maging totoo sa kanyang sarili.

Sa living room, ibinahagi ni Vice sa mga housemates na lagi siyang tinutukso na mukhang kabayo. Sinabi niyang siya ay nasasaktan noon pero napagaralan niya itong tanggapin at ginamit sa magandang paraan, kung saan isa itong dahilan para marating niya ang kanyang estado ngayon sa buhay.

Claudine Barretto Photos With Bruises Surfaced Online

Nagsilabasan sa internet ang mga litrato ni Claudine Barretto na puno ng mga pasa pagkatapos niyang ilahad ang kanyang planong pagdemandang muli sa kanyang asawang si Raymart Santiago at pagputol ng kanilang legal agreement hinggil sa kanilang dalawang anak.



Ang legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio ang nagpost ng tatlong litrato ng aktres kung saan makikitang may mga sugat at pasa siya sa kanyang mukha.

Claudine Barretto With Bruises on her face
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14710763704/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang isang litrato ay makikitang puro pasa si Claudine, sa pangalawa naman ay nag-apply na ng concealer ang aktres at hindi na gaanong halata ang mga pasa, at ang pangatlo naman ay naka full make up na siya.

Hindi sinabi ng abogado ni Claudine kung kailan nakunan ang mga naturang litrato at ang mga ito ay ni-retweet ni Claudine sa kanyang account.

Saad ni Topacio, hindi daw nila ito gawa gawa lang, ito daw ay totoo, kagaya na lamang ng naunang mga litrato ni Claudine sa isang photo shoot kung saan makikitang puro paso ng sigarilyo ang kanyang mga hita.

Lyca Gairanod, Darlene Vibares And Edray Teodoro Sings 'Let It Go' On The Voice Kids

Ang tatlong Top 3 na mga batang babae ng 'The Voice Kids' na sina Lyca Gairanod, Edray Teodoro at Darlene Vibares ay kinanta ang kanilang sariling rendition ng Oscar winning song at soundtrack ng pelikulang 'Frozen' na 'Let It Go'.



Napaindak nila Lyca, Darlene at Edray ang mga manonood sa napakaganda nilang pagtatanghal noong Linggo ng gabi sa Resorts World Manila.

Lyca, Darlene and Edray Sings Let It Go
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14703428141/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Silang tatlo ang natirang babae sa Top 6 bago na-reveal ang Top 4 kung saan natanggal si Edray Teodoro.

Ang apat na pasok sa Grand Finals ay sina Lyca Gairanod, Darlene Vibares, Juan Karlos Labajo at Darren Espanto.

Sunday, July 20, 2014

Fourth Pagotan, 11th Housemate Evicted From Pinoy Big Brother House (PBB All In)

Ang 'Brad Bait ng Pasay' na si Fourth Pagotan ay na-evict sa Pinoy Big Brother house.



Sa live eviction night ng reality show noong Linggo, pang-labing-isa si Fourth na na-eliminate sa kompetisyon pagkatapos niyang makakuha lamang ng 15.62% na boto galing sa mga viewer's.

Fourth Pagotan With Mom After Evicted From PBB House
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14701455274/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Bago lumabas ng PBB house si Fourth, nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang kakambal na si Fifth. Sinabi niyang bilib na bilib siya kay Fifth kasi napakatapang ng ipinakita niya sa loob ng PBB house.

Nang tinanong kung anong klaseng Fourth ang nagbabalik sa outside world, sinabi niyang, mas malakas at mas open na Fourth ang lumabas ng bahay ni Kuya.

Sinabi rin ni Fourth na marami siyang natutunan habang nasa loob ng bahay ni Kuya.

Siya ay sinalubong ng kanyang ina paglabas niya ng PBB house.

Kim Chiu, Gerald Anderson And Maja Salvador Performed Together In ASAP

Sa unang pagkakataon magmula ng maayos nila sa taong ito ang lahat ng mga hindi pagkakaintindihan dahil sa pag-ibig, sina Gerald Anderson, Kim Chiu at Maja Salvador ay nagsama-sama sa iisang entablado at sumayaw sa dance floor ng ASAP noong Linggo.



Silang tatlo ay sumayaw ng medley ng mga naging sikat na pangsayaw na tugtugin noong dekada nobenta kasama sina Gab Valenciano, Sam Concepcion at Iya Villania.

Kim Chiu, Maja Salvador and Gerald Anderson In ASAP
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14512702580/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Saturday, July 19, 2014

Fifth Pagotan And Loisa Andalio Saved From Eviction (PBB All In)

Si Fifth Pagotan, kung saan umaming siya ay isang bisexual at ang teen housemate na si Loisa Andalio ay ligtas sa eviction ng Pinoy Big Brother: All in sa linggong ito.



Si Loisa ay naging ligtas ng makatanggap siya ng 43.58% na boto galing sa mga home viewers at si Fifth naman ay ligtas pagkatapos lumamang lamang ng dalawang porsiyento.

Fifth Pagotan And Loisa Andalio Waiting For Eviction Announcement
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14510159507/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga ibang nominees for eviction na sina Vickie Rushton at Fourth Pagotan ay maghihintay pa para sa kumpletong resulta nitong Linggo.

Ang isa sa dalawang nominado ay lalabas ng bahay ni Kuya pagkatapos makatanggap ng 16 percent ng kabuuang boto.

Lyca Gairanod Sings 'Pangarap Na Bituin' On'The Voice Kids' Semifinals

Pinatunayan ng 'Little Superstar' na si Lyca Gairanod na karapat-dapat siyang nasa stage ng 'The Voice Kids' ng kinanta niya ang isang classic na kanta gamit ang kanyang powerful na boses.



Sa live episode ng 'The Voice Kids' noong Sabado, kinanta ni Lyca ang 'Pangarap na Bituin', ang isa sa pinakasuking kanta sa mga singing contests.

Lyca Gairanod sings Pangarap na Bituin on The Voice Kids
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14508965578/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Gaya ng kanyang mga nakaraang pagtatanghal, ang mga manonood ay nagchi-cheer ng malakas para kay Lyca.

Pinuri ni Lea Salonga si Lyca sa kanyang napakagandang performance at sinabing siguradong magiging proud ang superstar na si Nora Aunor sa kanyang performance.

Bago nagtanghal si Lyca, pinanood muna niya ang isang video mula sa kanyang idol na si Angeline Quinto kung saan nagbigay si Angeline ng advice kay Lyca.

Friday, July 18, 2014

Sarah Geronimo And Bamboo Won 'Performer Of The Year' Awards At Yahoo Celebrity Awards 2014

Ang The Voice Kids coaches na sina Bamboo Manalac at Sarah Geronimo ang itinanghal na 'Male at Female Performer of the Year' sa Yahoo Celebrity 2014 Awards na idinaos sa Mall of Asia Arena noong Biyernes, July 18.

Sarah Geronimo and Bamboo Manalac's Finale Performance at Yahoo Celebrity Awards 2014
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14688462902/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Maagang nakatanggap ng birthday gift si Sarah, kung saan siya ay magiging 26 years old na nitong July 25, dahil sa natamo niyang 536,921 na boto sa fan-based poll. Sinundan siya sa pangalawang puwesto ng singer-actress na si Julie Anne San Jose na may 491,880 na boto.

Samantalang si Bamboo naman ay nakatanggap ng 343,009 na boto na sinundan naman ng 232,355 na boto para kay Elmo Magalona.

Pinahiyaw din nila ang mga fans at audience sa kanilang surprise finale performance sa naturang Awards night.

Si Bamboo at Sarah ay malugod na nagpapasalamat sa lahat ng kanilang fans na taos pusong sumuporta at bumoto sa kanila.

Para sa kumpletong listahan ng mga nanalo sa Yahoo Philippines Celebrity Awards:
http://thepinoyscoop.blogspot.com/2014/07/full-list-of-winners-of-yahoo.html

Fourth Pagotan Cries Over Twin Brother Fifth Pagotan's Bisexual Confession

Ang Pinoy Big Brother housemate na si Fourth Pagotan ay sumumpa na susuportahan niya ang kanyang kambal na kapatid na si Fifth Pagotan pagkatapos nitong umamin tungkol sa kanyang pagkatao.



Sa episode ng reality show na ipinalabas noong Biyernes, ang bente dos anyos na si Fourth ay naging emosyonal habang siya ay umaamin kay Big Brother sa mga nararamdaman niya tungkol sa pag-amin ni Fifth na siya ay isang bisexual.

Sinabi ni Fourth na alam na niya ang tungkol sa pagkataong ito ni Fifth noong high school pa lamang sila.

Fourth Pagotan Cries in PBB over Fifth's bisexual confession
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14687402422/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Saad niya na hindi direktang sinabi ito ni Fifth sa kanya, kundi nalaman niya lang ng aksidente.

Diin ni Fourth na wala siyang pakialam kahit ano pa man ang gusto ng kanyang kakambal at nasa likod lang siya para suportahan ito kung saan siya masaya.

Sumagot si Fourth na tanggap na niya ang kanyang kapatid ng tanungin siya ni Big Brother tungkol dito pero hindi niya napigilang mapaluha ng sabihin niya ang kanyang mga ikinatatakot na maaaring mangyari paglabas nila ng PBB house.

Kim Chiu Sweeps Yahoo Philippines Celebrity Awards 2014

Pinakyaw ni Kim Chiu ang kadaraos lamang na Yahoo Philippines Celebrity Awards 2014 na idinaos sa SM Mall of Asia Arena nitong Biyernes, July 18, 2014. Siya ay umani ng dalawang personal na award at tatlong award kung saan siya ay kasali.

Kim Chiu Interview
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14705184503/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nanalo si Kim bilang 'Celebrity of the Year' at 'Actress of the Year'. Samantalang ang kanyang fans club kasama ang ka love team niyang si Xian Lim na KimXi ay nagwagi bilang 'Fan Club of the Year'.

Ang kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN na 'Ikaw Lamang' ay nagwagi bilang 'Teleserye of the Year' at ang kanyang pelikulang 'Bride for Rent' ang nagwagi bilang 'Movie of the Year'.

Para sa kumpletong listahan ng mga nanalo sa Yahoo Philippines Celebrity Awards:
http://thepinoyscoop.blogspot.com/2014/07/full-list-of-winners-of-yahoo.html

Yahoo Philippines Celebrity Awards 2014 Full List Of Winners

Ang mga Pinoy Celebrities ay nagkaroon na naman ng pagkakataon sa red carpet para maipakita ang kanilang mga magagarbong kasuotan sa Yahoo Philippines Celebrity Awards 2014 na idinaos sa SM Mall of Asia nitong July 18, 2014.

Pero maliban sa kanilang mga kasuotan ang mga nanalo sa naturang awards night ay mas pumaibabaw sa lahat ng naroon.



Ito ang listahan ng mga nanalo para sa taong ito:

Celebrity of the Year
Kim Chiu

Celebrity Couple of the Year
Jake Vargas and Bea Binene

Celebrity Family of the Year
Padilla Family

Social Media Star of the Year
Vice Ganda

Actor of the Year
Coco Martin

Actress of the Year
Kim Chiu

Male Emerging Star
JC De Vera

Female Emerging Star
Julia Barretto

Male Kontrabida
Jake Cuenca

Female Kontrabida of the Year
Jennylyn Mercado

Love Team of the Year
Vice Ganda and Karylle

Child Star of the Year
Andrea Brillantes

Male TV Host
Vhong Navarro

Female Tv Host
Kris Aquino

Fan Club of the Year
KimXi

Teleserye of the Year
Ikaw Lamang

News Program of the Year
TV Patrol

Movie of the Year
Bride for Rent

Male Hothlete of the Year
Jeron and Jeric Teng

Female Hothlete of the Year
Gretchen Ho

Male Performer of the Year
Bamboo

Female Performer of the Year
Sarah Geronimo

Band of the Year
Parokya ni Edgar

Emerging Band of the Year
Yolanda Moon

Song of the Year
Bakit Ngayon -Julie San Jose

FM Radio Station of the Year
90.7 Love Radio

Male DJ of the Year
Papa jack - Love Radio 90.7

Female DJ of the Year
DJ Chacha - MOR 101.9

Wednesday, July 16, 2014

Isabel Oli And Gretchen Ho Pranks Their Respective Boyfriends John Prats And Robi Domingo (PBB All In)

Ang aktres na si Isabel Oli at ang volleyball player na si Gretchen Ho ay bumisita sa set ng Pinoy Big Brother noong Martes para sunduin ang kanilang mga boyfriend na sina John Prats at Robi Domingo, pagkatapos mag-stay ng dalawang co-host bilang house guest sa PBB house ng dalawang araw.

Isabel Oli and Gretchen Ho inside PBB house
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14672899095/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagulat si John at Robi ng maabutan nila ang kanilang mga girlfriend sa set ng Ubertime pagkatapos nilang lumabas ng bahay ni Kuya.

Ilang sandali lang pagkatapos nilang ma-reunite sa kanilang mga girlfriend, in-announced ng Ubertime co-host na si Slater Young at Joj at Jai Agpangan na papasok sina Isabel at Gretchen sa PBB house bilang mga housemates.

Hindi makapaniwala sina John at Robi pero ipinaliwanag ni Slater na isinakripisyo nina Isabel at Gretchen ang kanilang mga sarili para makalabas sina John at Robi ng mas maaga. Dagdag pa ni Slater na nag-assign na ng task si Big Brother para sa kanilang mga girlfriend.

Sina John at Robi ay na-shocked at sila ay nakapagsalita lamang ng mapanood ang mga ilang scenes sa loob ng PBB house.

Pagkatapos ng sampung minutong interview nina John at Robi tungkol sa pag-stay nila sa loob ng PBB house bilang house guest, ang kanilang mga girlfriend ay binati ng mga Agpangan twins sa pagbabalik nilang muli sa outside world.

Sina Gretchen at Isabel ay humahalakhak ng todo habang ipinaliwanag sa kanilang mga boyfriend na ang kanilang pagpasok sa loob ng bahay ni Kuya ay isang biro lamang.

Fifth Pagotan Confessed He Is Bisexual On Pinoy Big Brother: All In

Ang bente dos anyos na si Fifth Pagotan ay umaming hindi siya 'straight' kundi isa siyang 'bisexual' sa kanyang fellow housemate na si Manolo Pedrosa sa preview ng susunod na episode ng reality TV series na Pinoy Big Brother: All In.



Sa preview na ipinalabas noong July 16, makikitang aburido si Fifth sa anonymous comment na binasa ng host na si Robi Domingo tungkol sa seksuwalidad ng isang housemate.

Fifth Pagotan inside PBB house
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14669145814/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang episode noong Miyerkules ay dedicated sa mga reaksiyon ng mga housemates tungkol sa mga negative comments na galing sa outside world na inilahad ni Robi sa kanila.

Namalagi si Robi ng dalawang araw sa loob ng bahay ni Kuya bilang isang guest housemate kasama ang co-host na  si John Prats.

Tuesday, July 15, 2014

Morissette Amon Sings At Jessie J's Concert In Manila



Na-impressed ang British singer-songwriter na si Jessie J sa dating The Voice of the Philippines contestant na si Morissette Amon noong Lunes.



Si Jessie J ay nasa Pilipinas para sa isang gabing concert sa Araneta Coliseum noong Lunes ng gabi.

Morissette Amon with Jessie J
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14680288123/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Unang nagkita ang dalawa ng in-interview ni Morissette si Jessie J para sa music channel na MYX at sinabi ni Morissette na kinanta niya ang isa sa mga kanta ni Jessie J nang sumali siya sa The Voice of the Philippines, kung saan tinanong ni Jessie kung pwedeng kumanta si Morissette.

Noong una ay nahihiyang kumanta si Morissete pero siya ay napakanta rin sa isang part ng kanta ni Jessie J na Who You Are.

Talagang na-impressed si Jessie J kay Morissette at sinabi niyang dapat ay mag-perform silang dalawa sa kanyang concert at nagpost din siya sa kanyang Instagram account kung gaano siya namangha sa angking talento ni Morissette.

At sa mismong concert ni Jessie J, isa ito sa mga gabing hindi malilimutan ni Morissette dahil nakasama siya mismo sa concert at kumanta kasama ang British singer.

Monday, July 14, 2014

Kris Aquino Freaked Out By 'Elevator Girl' Cheridel Alejandrino

Ang na-evict na Pinoy Big Brother housemate na si Cheridel Alejandrino o mas kilala bilang 'Elevator Girl' ay napatawa ng matindi ang host na si Kris Aquino sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.



Si Cheridel ay nag-guest sa show para liwanagin ang mga ilang isyu ng siya ay namalagi sa PBB house.

Cheridel Alejandrino on Aquino And Abunda Tonight
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14677892833/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa pagtatapos ng episode, hindi napigilan ni Kris na humalakhak habang siya ay nagkokomento tungkol sa mga mannerism's ni Cheridel, lalo na ang paggalaw ng kanyang mga kilay, kung saan sinabi ni Kris na siya ay na-pi-freak out.

Pokwang Emotional And Could Not Hold Back Tears On KrisTV

Hindi napigil ng komedyanteng si Pokwang na maging emosyonal nang maalala niya ang kanyang unang anak na si Shin, na namayapa dahil sa brain cancer sa murang edad na limang taong gulang.



Umiyak si Pokwang sa episode ng KrisTV noong Lunes habang ibinabahagi niya ang kuwento ng pagpanaw ng kanyang anak habang siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Pokwang on KrisTV
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14676995473/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Diin ni Pokwang na hindi malilimutan ng isang ina ang paghihirap ng isang anak.

Inamin din ni Pokwang na ang pagpanaw ng kanyang anak na lalaki ang isang dahilan kung bakit siya napaka-over protective sa kanyang nag-iisang anak na babaeng si Ria Mae.

3 Year Old Girl Wakes Up At Her Funeral

Ang video ng isang tatlong taong gulang na bata na dapat ay ililibing na noong Sabado ay biglang nagkaroon ng malay sa loob ng simbahan. Ang naturang video na in-upload ni Catherine Romanaso sa Facebook ay naging viral.



Nangyari ang nakakagulat na eksena sa simbahan ng bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur. Ayon sa initial report ang batang babae ay ililibing dapat bandang ala-una ng hapon noong Sabado, July 12, 2014, pero bigla siyang nagkaroon ng malay.

Ang naturang bata ay inakalang patay na bandang alas-nuwebe ng umaga noong Biyernes, July 11, 2014.

Dead Girl Wakes Up On Funeral
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14464846469/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sunday, July 13, 2014

Khen Lobaton Meets John Lloyd Cruz As Sarah Geronimo Fulfills Promise



Tinupad ni Sarah Geronimo ang kanyang pangako sa The Voice Kids Contestant na si Khen Lobaton nang dinala ni Sarah si Khen sa set ng Home Sweetie Home para maipakilala kay John Lloyd Cruz.

Khen Lobaton Meets John Lloyd Cruz
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14462854597/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Matatandaang pinili ni Khen si Sarah sa Blind Auditions ng The Voice Kids dahil pinangakuan niya itong ipapakilala kay John Lloyd.

Sobrang saya ni Khen ng niyakap siya ni John Lloyd at nakipag-selfie pa siya sa kanya kasama si Sarah.

Pero kahit na natupad ang kanyang hiling, hindi siya pinalad na maka-advance ng Battle Rounds kung saan nakipagtagisan siya ng galing kina Kyle Bernido at Rica Ito.

Kinanta nila ang Telephone ni Lady Gaga kung saan pinili ni Sarah si Kyle para mad-advance sa Sing Offs.




Cheridel Alejandrino, 10th Housemate Eliminated In Pinoy Big Brother: All In

Ang Elevator Nanay ng Olongapo na si Cheridel Alejandrino ay na-evict sa Pinoy Big Brother house.

Cheridel Alejandrino on PBB
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14665665003/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Cheridel ang pang-sampung housemate na na-eliminate sa kompetisyon noong Linggo sa live eviction night ng reality show, kung saan siya ay nakakuha lamang ng 1.23% na boto mula sa mga manonood.

Si Cheridel ang pinaka-latest na pumasok sa Big Brother House at siya ay nagtagal lamang ng ilang linggo sa loob.

Ang ex-housemate ay sinalubong ng kanyang asawa at anak sa kanyang paglabas ng bahay ni Kuya.

Bilang parte ng special challenge na ibinigay ni Kuya, nabigyan si Cheridel ng dalawang special powers, ang isa ay para makapagnominate ng isang housemate at ang isa ay para makapagligtas ng isang housemate.

Pinili ni Cheridel na iligtas si Manolo Pedrosa sa nominasyon at binigyan naman niya ng automatic nomination si Fifth pagotan.

Deniece Cornejo Slashes Wrist In Protest Against Junking Of Rape Case

Ang model na si Deniece Cornejo ay nilaslas ang kanyang pulso sa kanyang kaliwang kamay sa loob ng PNP headquarters sa Quezon City bilang protesta sa pagkaka-dismiss ng kanyang rape complaint laban sa aktor na si vhong Navarro.

Deniece Cornejo Mugshot
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14151191943/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Kinumpirma ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group na ang insidente ay hindi suicide attempt.

Ayon sa lawyer ni Deniece, ito ay kanyang sinadya bilang protesta sa pagbasura ng Taguig City prosecutor's office sa kanyang pangalawang rape complaint laban kay Vhong.

Ang sugat na kanyang ginawa ay hindi malalim kundi isa lamang itong minor scratch ayon naman kay Chief Inspector Elizabeth Jasmin.

Ang naturang insidente ay nangyari bandang alas tres ng madaling araw noong Linggo.

Ayon sa initial report, nakapulot si Deniece ng isang metal bottle cap at ito ang ginamit niya para sugatan ang kanyang sarili. Ang mismong sugat ay malayo sa pulse point.



Gerald Anderson Surprises Maja Salvador At Maj: The Legal Performer Solo Concert

Naging emosyonal si Maja Salvador noong Sabado ng gabi nang ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson ay sinamahan siya sa entablado habang kinakanta niya ang Skyscraper ni Demi Lovato sa kanyang solo concert.

Gerald Anderson and Maja Salvador at Maj The Legal Performer concert
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14641029022/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Habang pinapasalamatan ni Maja ang kanyang mga special guest sa kanyang Maj: The Legal Performer concert, ang mga manonood ay bigla siyang tinukso kay Gerald.

Dahil dito, si Gerald ay agad na sinamahan si Maja sa entablado.

Pagkatapos ng kanyang number, sinabi ni Maja na kahit daw madamot sila sa mga interview o kung saan man, masaya siya dahil grabe daw kung protektahan siya ni Gerald. Napakapalad daw niya at si Gerald ang kanyang naging boyfriend.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Maja na ayaw niyang mag-attend si Gerald sa kanyang concert dahil natatakot siya na baka hindi siya makapagperform ng maayos.



Saturday, July 12, 2014

Jane Oineza And Loisa Andalio Saved From Pinoy Big Brother 8th Eviction

Ang teen housemates na si Loisa Andalio at Jane Oineza ay ligtas sa eviction ng Pinoy Big Brother noong Sabado.

Loisa Andalio and Jane Oineza Saved From 8th Eviction
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14636784081/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Jane ay nakatanggap ng 49.44% sa kabuuang boto galing sa home viewers at si Loisa naman ay nakatanggap ng 31.59%.

Sina Manolo Pedrosa, Cheridel Alejandrino at Daniel Matsunaga ay maghihintay hanggang linggo para sa kumpletong resulta. Sila ay naging nominado para sa eviction kasama si Loisa at Jane ng matalo sila sa kanilang mga challenges.

Sa tatlo, na-reveal na ang isa sa kanila ay nakatanggap lamang ng 1.23% ng kabuuang boto at siya ang lalabas ng PBB house.

Pero bago nagtapos ang episode, nagbigay si Kuya ng bagong twist sa kompetisyon. Ipinaliwanag niya na bibigyan niya ng dalawang powers ang ma-eevict na housemate, isang power kung saan kaya niyang iligtas ang isang housemate sa nomination at isang power din para maidagdag ang isang housemate for eviction.



Cristine Reyes Felt Awkward With Ex-BF Derek Ramsay In Bathtub Scene

Inamin ni Cristine Reyes na medyo awkward noong ginawa nila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay ang intimate scenes para sa upcoming nilang romance-drama movie na The Trophy Wife.

Cristine Reyes on the Trophy Wife
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14630935344/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Cristine sa press conference ng movie na napakachallenging daw makipagtrabaho kay Derek pagkatapos nilang maghiwalay.

Ang pinakamahirap daw niyang shinoot ay ang bathtub scene.

Tinapos ni Cristine at Derek ang kanilang isang buwang relasyon noong 2013 dahil hindi pa daw ready si Cristine sa relasyong iyon, pero nagawa naman nilang maging mag best friends uli.

Nang tinanong si Cristine kung may pagasa pa bang magkabalikan sila ni Derek, sinabi niyang nagkaroon na daw sila ng masinsinang pag-uusap tungkol sa bagay na iyon. Masaya daw silang dalawa sa naging desisyon nila.

Inamin din ni Cristine na kasalukuyan siyang nakikipagkita sa isang non-showbiz na foreigner pero ang kanilang relasyon ay nasa early stages pa lamang.



Friday, July 11, 2014

LeBron James Returns Back Home To Cleveland Cavaliers

Noong Biyernes inanunsiyo ni LeBron James ang kanyang pagbabalik sa Cleveland Cavaliers, apat na taon ng iniwan niya ito para sa Miami Heat.

LeBron James In Cleveland
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14631247092/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kanyang anunsiyo ay isang essay na nailathala sa Sports Illustrated.

Ang mga teams na Phoenix Suns, Houston Rockets, Dallas Mavericks at Los Angeles Lakers ay nagkaroon ng malaking interest kay James.

Ang isa sa pinaka-aktibong nanuyo kay James ay ang Dallas superstar na si Dirk Nowitzki.

Pero sa lahat ng mga offer, lahat ay nagulat sa pagbabalik ni LeBron kung saan siya nanggaling, ang Cleveland Cavaliers.



Coleen Garcia Said Everythings Fine When She Met Nikki Gil At Ad Summit Pilipinas 2014

Sinabi ni Coleen Garcia na okay naman daw ang lahat ng magkita sila ni Nikki Gil sa Ad Summit Pilipinas 2014 na ginanap sa Subic noong Mayo.

Nikki Gil At The Airport Braless
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/13376809574/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Billy Crawford, Coleen Garcia and Vhong Navarro Japan Trip
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14022037213/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Coleen ang kasalukuyang sinusuyo ni Billy Crawford, ang dating boyfriend ni Nikki ng ilang taon.

Sinabi rin ni Coleen na maayos naman daw sila ni Nikki sa isa't-isa ng magtagpo sila sa naturang event pero klinaro niya na hindi sila nabigyan ng tsansang makapagusap ng pribado.

Tungkol naman sa isyu kung sila na ba talaga ni Billy, hindi pa ito kinumpirma ni Coleen pero mas open na siya ngayong pagusapan ang tungkol dito kaysa sa dati kung saan ipinaliwanag niya na mas may certainty na daw ang chemistry nila ngayon kumpara noon.

Dagdag pa ni Coleen na kung noon ay hindi sila solid, ngayon naman ay worth fighting for daw si Billy.


Thursday, July 10, 2014

Beauty Gonzalez Surprises Everyone With Magnificent Transformation At FHM's Sexiest Party

Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Beauty Gonzalez ay ginulat ang mga fans ng rumampa siya sa entablado noong Miyerkules ng gabi sa FHM's 100 Sexiest Women Party.

Beauty Gonzalez FHM Party
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14438540559/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Namangha talaga ang mga manonood sa malaking pagbabago ni Beauty, kung saan ipinakita niya ang kanyang mas slim na figure sa suot niyang black bikini.

Si Beauty ay nakilala noong 2008 sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus bilang isang chubby na 17 year old na galing Dumaguete at pang apat siya sa mga kalahok ng nagtapos ang reality show.

Sa ngayon, kabilang si Beauty sa series ng ABS-CBN na Moon of Desire.



Aubrey Miles Survives Wardrobe Malfunction At FHM's 100 Sexiest Party

Ang sexy actress na si Aubrey Miles ay rumampa sa entablado noong Miyerkules ng gabi para sa FHM's 100 Sexiest Women in the Philippines party.

Aubrey Miles at 2014 FHM Sexiest Party
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14437298828/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Aubrey ay naka-orange na bikini at naka-underbust corset sa naturang event na idinaos sa punong punong World Trade Center sa Pasay City.

Pero nagkaroon ng maliit na problema ang kanyang pagrampa ng kailanganin niyang i-adjust ang kanyang lower garment ng ilang ulit dahil sa wardrobe malfunction.

Hindi ipinahalata ni Aubrey ang problema sa kanyang outfit pero mayroong part sa kanyang pagrampa na mas maraming parte ng kanyang balat ang naexposed dahil sa naturang problema.



Alice Dixson, No Signs Of Aging As She Drew Loud Cheers At FHM's 100 Sexiest Women Party

Dumagundong ang World Trade Center sa hiyawan ng lumabas at naglakad sa entablado ang dating Dyesebel star na si Alice Dixson sa FHM's 100 Sexiest Women party noong Miyerkules.

Alice Dixson on 2014 FHM's Top 100 Sexiest Women Party
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14639372953/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Alice, na naging cover na ng men's magazine noong December 2013, ay pang pito sa Sexiest list na inilabas nitong buwan, kung saan nakakuha siya ng mahigit 13 million votes.

Rumampa si Alice sa entablado ng halos dalawang minuto na nakasuot ng pink bra at thong na may pangharang na dress.

Nakisalamuha pa siya sa mga fans at nagposed para makuhanan ng pictures. Sa di inaasahang waldrobe malfunction, lumuwang ang kanyang bra kung saan hawak niya ito hanggang sa natapos ang kanyang pagrampa.



Wednesday, July 9, 2014

Marian Rivera Sizzles And Thrills Audience At FHM's 100 Sexiest Party

Pinangunahan ng aktres na si Marian Rivera ang pagcecelebrate sa party ng 100 Sexiest Women in the Philippines ng men's magazine na FHM.

Marian Rivera at 2014 FHM's 100 Sexiest Women In The Philippines Party
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14431366778/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Si Marian ay nakasuot ng pulang Native American inspired outfit sa entablado kung saan naghiyawan ang mga tao sa punong punong World Trade Center sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi.

Ang bente nuwebe anyos na aktres ang naging No. 1 Sexiest Woman nang umani siya ng 13 million votes. Ang mga iba pang nakapasok sa Top 10 ay sina Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Alice Dixson, Ellen Adarna, Anne Curtis at Jinri Park pero hindi lahat ng napabilang sa Top 10 ay naka-attend ng party.

Isa sa mga paborito ng mga manonood ay si Alice Dixson, kung saan siya ay magiging 45 na nitong July 28. Rumampa siya sa entablado suot ang isang revealing na pink dress.

Ang mga iba pang celebrities na nakita sa party ay sina Aubrey Miles, Rochelle Pangilinan, Rufa Mae Quinto, Roxanne Barcelo, Bangs Garcia, Ehra Madrigal at ang grupong Mocha Girls.