Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, September 21, 2014

Vice Ganda Sings 'Humanap Ka Ng Beki' In Front Of Guest Andrew E On GGV

Ang rapper na si Andrew E. ay nag guest sa Gandang Gabi Vice o GGV noong Linggo, September 21, 2014 kasama ang rap group na nagpasikat ng kantang 'Stupid Love', ang Salbakuta.



Kinanta ni Andrew E. ang kanyang kantang nagbigay daan sa kanyang matagumpay na career, ang walang kakupasang 'Humanap Ka ng Panget'.

Vice Ganda And Andrew E at GGV
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15129251190/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Binigyan naman ito ng ibang bersiyon ng host na si Vice Ganda at binigyan ito ng titulong 'Humanap Ka ng Beki'.

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo On Naked Truth Fashion Show By Bench

Ang teen stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay nag-attend at kasama sa stage ng taunang denim at underwear fashion show ng Bench.

Ang fashion show na 'Naked Truth' ay ginanap sa Mall of Asia Arena noong Sabado kung saan naglakad sa catwalk ang magkaloveteam na KathNiel.

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo At Naked Truth Fashion Show By Bench
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15121664319/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Naging usap usapan ng mga netizens ang naturang pagrampa ng dalawa sa naturang fashion show at naging trend online ang kanilang love team name na KathNiel sa social media.

May mga ilan din namang nadismaya kung bakit balot na balot ng rumampa ang dalawa.

Friday, September 19, 2014

Cherry Pie Picache's Mom Murdered Inside Her House

Ang ina ng aktres na si Cherry Pie Picache ay pinatay sa saksak ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City noong Biyernes.



Ang biktimang si Zenaida Sison ay natagpuang walang buhay sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ayon sa mga pulis.

Cherry Pie Picache Palibhasa Babae
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15291165852/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng kaibigan ni Cherry Pie na si Peter Serrano na nagdesisyon ang aktres na magpunta sa bahay ng kanyang inang si Zenaida ng hindi niya ito makontak sa kanyang cellphone.

Bago sila pumasok sa bahay ng kanyang ina, nakita nilang bukas ang pangalawang gate ng bahay.

Sinabihan ni Cherry Pie ang kanyang driver na magpunta ng second floor para i-check ang kanyang ina kung saan natagpuan nila itong wala ng buhay.

Si Zenaida ay mag-isa lamang na naninirahan sa kanyang bahay. Siya ay may tatlong tagapaglinis na pasalit-salit na bumibisita at mayroon din siyang hardinero.

Saad pa ni Peter na kilala si Zenaida sa kanilang village kaya mas madali para sa kanya ang manirahang mag-isa.

Thursday, September 18, 2014

Deniece Cornejo Released On P500,000 Bail

Nakalaya na ang model na si Deniece Cornejo noong Huwebes pagkatapos niyang magpiyansa ng P500,000 pagkatapos siyang gawaran ng provisional liberty ng korte.

Si Deniece ay nakasuhan ng serious illegal detention kasama si Cedric Lee at Simeon Zimmer Raz Jr. na inihain ng aktor na si Vhong Navarro laban sa kanila dahil sa insidente umanong pambubugbog sa aktor noong Enero.

Deniece Cornejo Leaves Her Detention Cell After Posting Bail
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15276739321/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Deniece ay lumabas ng kanyang selda sa anti-transnational crime unit ng Criminal Investigation and Detection Group bandang alas kuwatro ng hapon ng Huwebes kasama ang kanyang pamilya.

Wednesday, September 17, 2014

Ellen Adarna Nude Photos From Esquire Philippines April 2014 Issue Leaked

Kinondena ng isang local magazine ang mga naturang leaked nude photos ng sexy actress na si Ellen Adarna bilang 'blatant violation of her privacy' at nakiusap sa publiko na itigil na itong ikalat online.

Download Pics Here

Nakasaad sa statement na inilabas ng Esquire Philippines noong Miyerkules, na kinokondena nila ang unauthorized distribution ng mga naturang litrato na orihinal na nakunan para sa April 2014 edition ng magazine.

Ellen Adarna Photoshoot
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15087981220/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang mga naturang leaked nude photos ni Ellen ay nailathala sa isang local gossip blog nitong Miyerkules.

Samantala, nang marinig ni Ellen ang naturang balita, nagpost siya sa kanyang official Instagram account ng kanyang reaksiyon.

Tuesday, September 16, 2014

Cedric Lee And Simeon Raz Jr. Released On P500,000 Bail Each

Ang businessman na si Cedric Lee at Simeon Raz Jr. ay nakalaya noong Martes pagkatapos nilang magpiyansa ng kalahating milyon bawat isa sa kasong serious illegal detention laban sa kanila ng aktor na si Vhong Navarro noong January 22.



Ang kanilang paglaya ay iniutos ng Taguig Regional Trial Court.

Cedric Lee and Zimmer Raz arrested
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14048646266/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kanilang kasamang akusadong si Deniece Cornejo ay nananatiling naka-detain pa rin sa Camp Crame.

Sinabi ng abugado ni Cedric at Simeon na si Atty. Howard Calleja na masayang masaya ang dalawa sa resolusyon na ipinasa ni Judge Paz Esperanza-Cortes.

Saad din niya na nirerespeto nila ang aksiyon ng kampo ni Navarro at haharapin ang anumang pagsubok lalo na ang bagong pagapela ng motion for reconsideration at motion for inhibition against the decision and the judge dahil sa paglaya ng dalawa.

Marlisa Punzalan Sings Metallica Hit On X Factor Australia

Mukhang lahat ng iba't ibang klase ng kanta ay kayang kantahin ni Marlisa Punzalan sa X Factor Australia.



Pagkatapos niyang biritin ang Let It Go noong nakaraang linggo, matagumpay na naiperform ng pinakabatang kalahok sa show ang kantang Nothing Else Matters ng Metallica noong Linggo.

Marlisa Punzalan Sings Nothing Else Matters On X Factor Australia
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15076302678/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Inamin ni Marlisa na wala siyang kaalam-alam tungkol sa bandang Metallica pero binigyan siya ng standing ovation ng lahat ng hurado pagkatapos ng kanyang performance.

Daniel Padilla Picked By AMA Titans In 2014 PBA D-League Draft

Sa isang sorpresang desisyon ng AMA Titans, pinili nila ang aktor na si Daniel Padilla sa 15th round ng 2014 PBA D-League Draft noong Lunes.



Si Daniel ang kaisa-isang pick sa 15th at final round ng draft kung saan nag-pass ang labing isang teams ng liga.

Daniel Padilla on Buzz ng Bayan
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14293552586/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode


Kinumpirma ng tournament director na si Eric Castro na pwedeng maglaro si Daniel sa AMA Titans dahil siya ay nakaenrol sa naturang eskwelahan.

Samantala, nasorpresa naman ang aktor sa naturang balita dahil hindi naman siya nag apply para sa PBA D-League draft.

Pero saad ni Castro na may karapatan ang AMA sa kanilang desisyon dahil sila ay isang school based team.

Monday, September 15, 2014

Paolo Ballesteros Confined After Suffering Mild Stroke

Ang aktor at host na si Paolo Ballesteros ay naconfine sa Marikina Valley Medical Center pagkatapos siyang makaranas ng mild stroke.


Sa official Instagram account ng Eat Bulaga host, sinabi niyang siya ay nasa mabuti ng kalagayan ngayon. Hyper tension daw at transient schemic attack ang nangyari sa aktor at nagpasalamat siya dahil ang mild stroke ay hindi nag-progress.

Paolo Ballesteros
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15067891729/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Bukod sa pagiging host ng noontime show na Eat Bulaga, si Paolo ay kilala din sa kanyang mga make-up transformations sa social media. Ilan sa mga hollywood celebrities na kanyang kinopya ay sina Katy Perry, Miley Cyrus at Kim Kardashian.

Saturday, September 13, 2014

Roxanne Cabanero Named Miss World PH Official Candidate And Quits 2 Days Later

Si Roxanne Cabanero, ang isa sa mga umakusa sa TV host na si Vhong Navarro na nanggahasa daw sa kanya umano noong 2010 ay nag-withdraw sa Miss World Philippines 2014 pagkatapos lamang ng dalawang araw ng siya ay maipakilala bilang official candidate.

Ang heartbroken na si Roxanne ay nagpadala ng sulat sa pageant organizer na si Cory Quirino sa kanyang naturang desisyon.

Roxanne Cabanero
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15036014737/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ipinakilala ng Miss World Philippines ang kanilang official candidates para sa taong ito noong Miyerkules at si Roxanne ang isa sa pinakakilalang kandidata dahil sa kanyang legal battle laban kay Vhong Navarro.

Ang finals night ng Miss World Philippines ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa October 12 at ang mananalong kandidata ang siyang mag-rerepresent sa Pilipinas sa Miss World Pageant kung saan ang reigning Miss World 2013 ay si Megan Young.

Wednesday, September 10, 2014

Charice Pempengco Finally Reconciles With Mom Raquel

Nagkabati na si Charice Pempengco at ang kanyang inang si Raquel.

Noong Miyerkules ng gabi, nagpost si Charice sa kanyang Instagram account ng litrato kung saan kasama niya ang kanyang pamilya at ang girlfriend na si Alyssa Quijano.

Charice Bonding With Family
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15204448342/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagumpisa ang hidwaan ng mag-ina ng umamin si Charice na siya ay isang lesbian sa national TV isang taon na ang nakalipas. Dismayado rin ang ina ni Charice dahil sa pakikipagrelasyon nito sa kapwa singer na si Alyssa.

Pero kahit na nagalit ang ina ni Charice, patuloy pa rin niya itong sinusuyo para matapos at maayos ang kanilang hidwaan, kung saan nagpatattoo pa si Charice ng pangalan ng kanyang ina sa kanyang kanang wrist noong July.

Sarah Geronimo Nominated For Best Southeast Asia Act In MTV European Music Awards (EMA)

Si Sarah Geronimo ay napabilang sa unang limang nominees para sa Best Southeast Asia Act sa MTV European Music Awards o EMA.


Ang iba pang nominees na makakalaban ng pop princess sa naturang category ay ang NOAH ng bansang Indonesia, Yuna ng bansang Malaysia, Stefanie Sun ng bansang Singapore at Slot Machine ng Thailand.

Sarah Geronimo's Sweet Smile On Stage
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15016655988/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang nominees para sa naturang category ay hindi pa kumpleto kaya ang MTV ay nagbigay ng EMA nomination na nakasalalay sa kamay ng mga fans gamit ang social media. Ito ang kauna-unahang wild card nominee para sa Best Southeast Asia Act na nakasalalay sa kamay ng mga netizens.


Ang bandang Up Dharma Down ng Pilipinas ay nakakuha ng spot sa wildcard nominations kung saan puwede niyo silang iboto sa pagtweet lamang ng hashtags na #MTVEMA #NominateUpDharmaDown

Ang artist na may pinakamaraming hashtag mentions ang siyang kukumpleto sa nominees list Best Southeast Asia Act. Ang wild card nomination voting ay bukas hanggang Lunes, September 15 at mai-a-announced ang lahat ng nominees sa September 16.

Ang MTV EMA ay gaganapin sa siyudad ng Glasgow sa Scotland sa November 9, 2014.

Monday, September 8, 2014

Daniel Matsunaga Meets Heart Evangelista And Chiz Escudero At 8th Star Magic Ball

Kinumpirma ng 'Pinoy Big Brother: All In' winner na si Daniel Matsunaga na nagkita sila ng dating girlfriend na si Heart Evangelista at ang fiance nitong si Senator Francis 'Chiz' Escudero sa 8th Star Magic Ball noong Sabado.



Sa live guesting ni Daniel sa 'KrisTV' noong Lunes, sinabi niyang masaya siyang nakita si Heart at binati ito ng 'hi' pati na rin ang senador.

Daniel Matsunaga on Kris TV
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15183127061/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi rin ng Brazilian-Japanese model na nag-enjoy siya sa una niyang pag-attend ng Star Magic Ball.

Coleen Garcia Visits Billy Crawford At Taguig Police Station

Na-corner ng mga reporters si Coleen Garcia noong Lunes ng dalawin niya ang boyfriend at 'It's Showtime' co-host na si Billy Crawford sa Taguig Police Station  kung saan na-detain ang singer host dahil sa insidenteng kinasangkutan niya kamakailan.


Si Coleen ay di nagkomento kahit na kinukulit siya ng mga reporters. Kasama ni Coleen ang kanyang ina at nagmadali silang lumayo sa mga reporters patungo sa kanilang van.

Coleen Visits Billy At The Taguig Police Station
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14998672630/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sumunod namang lumabas si Billy patungong Taguig Metropolitan Trial Court noong Lunes ng hapon at ng tinanong siya ng mga reporters tungkol sa pagbisita ni Coleen, sinabi niyang tumutulong si Coleen sa lahat ng proseso para maayos ang lahat.

Boy Abunda Cries On 'The Buzz' As He Speaks Up About His Medical Condition

Ang television host na si Boy Abunda ay sinabi ang kanyang totoong kalagayan sa kanyang exclusive interview sa 'The Buzz' noong Linggo.



Sinabi ni Boy na siya ay naospital dahil sa mataas niyang lagnat at grabeng panghihina hanggang sa madiskubre ng mga doktor na siya ay may abscess sa kanyang liver.

Boy Abunda Interview On The Buzz
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14997797689/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ni Boy na siya ay takot na takot sa dinaanan niya at nagdasal siya sa Diyos na huwag muna siyang mamatay dahil inaalala niya ang kanyang ina na may sakit na mild dementia.

Na-discharge si Boy sa ospital nang tuluyan ng matanggal ang abscess sa kanyang liver at siya ay nagbakasyon para tuluyang makarecover.

Sunday, September 7, 2014

Jessy Mendiola Trips At 8th Star Magic Ball

Ang aktres na si Jessy Mendiola ay aksidenteng naapakan niya ang kanyang gown at nadapa sa 8th Star Magic Ball na ginanap noong Sabado ng gabi.

Suot ni Jessy ang isang black Popo Go ball gown kung saan nag-attend siya ng walang kapartner sa naturang event.

Jessy Mendiola Helped By Jodi Sta. Maria At The 8th Star Magic Ball
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14987023600/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Jessy ay nadapa sa hagdanan ng Makati Shangri-La Hotel at agad na tinulungan ng aktres na si Jodi Sta. Maria at mga staff members.

Saturday, September 6, 2014

Billy Crawford Arrested And Detained At Police Station 7 At Fort Bonifacio Global City

Nakakulong ngayon sa Police Station 7 sa Fort Bonifacio Global City ang aktor at host na si Billy Joe Crawford.



Batay sa initial investigation, dumating sa presinto si Crawford pasado 4AM kanina kasama ang isang babae para humingi ng tulong

Billy Crawford Arrested
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14976491207/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pero nang sabihin daw na ihahatid siya sa headquarters, bigla na lang umanong nagwala ang aktor at sinuntok ang desk officer.

Bukod dito, sinuntok din umano ni Crawford ang glass door ng presinto kaya inaresto siya ng mga pulis.

Dinala rin siya sa ospital para ipasuri. Dahil dito, nahaharap sa kasong malicious mischief si Crawford.

Sinusubukan pang kunin ng mga reporters ang panig ni Crawford tungkol sa insidente.

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo Tops '8th Star Magic Ball' Couple Of The Night, People's Choice

Ibinoto ng mga fans sa social media sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang 8th Star Magic Ball Couple of the Night People's Choice.

Ang picture ng duo na KathNiel ay kumalap ng 29,224 likes sa informal poll ng ABS-CBN News noong Sabado ng gabi sa kanilang social media account sa Facebook.

Daniel And Kathryn At 8th Star Magic Ball
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14975661367/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pangalawa ang love team nila Kim Chiu at Xian Lim na nakakuha naman ng 23,359 likes at pangatlo ang mag-partner na sila Zanjoe Marudo at Bea Alonzo na nakakuha ng 11,518 likes.

Third runner up naman ang pares nila Alex Gonzaga at Joseph Marco na nakakuha ng 9,485 likes.

Ang naturang botohan ay ginawa ng ABS-CBNNews.com sa kanilang facebook account kung saan nag post sila ng mga pictures ng mga celebrity couples sa kanilang annual party na ginanap sa Shangri-La Hotel bandang 9:30 pm. Ang mga score na na-tally ay ang mga likes na natanggap lamang hanggang 11:59 pm pero dagsaan pa rin ang pag-like ng mga fans kahit ito ay tapos na.

Complete list of number of likes per couple:
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo 29,224
Xian Lim and Kim Chiu 23,359
Zanjoe Marudo and Bea Alonzo 11,518
Alex Gonzaga and Joseph Marco 9,485
Vanessa and Daniel Matsunga 8,970
John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban 8,327
Billy Crawford and Coleen Garcia 8,173
Maricar Reyes and Richard Poon 8,131
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero 6,024
Piolo Pasucal and Iza Calzado 5,157
Jericho Rosales and Kim Jones 4,432
Maja Salvador and Gerald Anderson 4,421
Sam Lewis and Enchong Dee 3,437
Sen. Grace Poe-Llamanzares and her husband Neil 2,250

Friday, September 5, 2014

Anne Curtis Tripped On The Stairs During 'It's Showtime'

Sa live episode ng 'It's Showtime' noong Biyernes, ang co-host ng noontime show na si Anne Curtis ay nadapa sa hagdan sa studio sa Pinasikat na segment. Dahil dito ang #AnneDapa ay naging worldwide trend sa Twitter.



Bago nagumpisa ang Pinasikat segment, nagbiruan sina Anne at kanyang mga co-hosts na sina Vhong Navarro, Billy Crawford at Karylle na magmadali silang pumunta sa gilid para i-introduce ang mga contestants.

Anne Curtis Tripped On It's Showtime
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15149256961/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Anne ay tumakbo paakyat ng hagdan at nadapa, kung saan napasigaw ang mga audience.

Thursday, September 4, 2014

Patrick Garcia Finally Spends Time Together With Two Children

Naranasan ng aktor na si Patrick Garcia ang isa sa pinakamemorable na araw niya noong Miyerkules ng matupad ang kanyang mithiing makasama ang kanyang dalawang anak na sina Jazz at Chelsea.


Nagpasalamat si Patrick sa kanyang fiancee na si Nikka Martinez na siyang gumawa ng aksiyon para matupad ang mithiing ito ni Patrick.

Patrick Garcia with kids Jazz and Chelsea
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14956615537/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Nagpasalamat din si Nikka sa ina ni Jazz na si Jennylyn Mercado dahil pinayagan niya ang kanyang anak na makita ang kanyang ama.


Sa isang previous interview ni Nikka, sinabi niyang sana ay kasama si Jazz sa kanilang upcoming wedding ni Patrick dahil pangarap talagang makita ni Patrick na magkasama ang kanyang dalawang anak.

Gilas Pilipinas Finally Gets A Win Against Senegal, 81-79 In Overtime

Kinailangan ng Gilas Pilipinas si Andray Blatche para sa kanilang unang apat na laro, pero sa kanilang huling laro sa 2014 FIBA Basketball World Cup, nakahanap ng paraan ang Gilas Pilipinas ng wala si Andray Blatche para matalo ang Senegal sa iskor na 81-79 sa overtime na nagbigay ng ngiti sa mga mukha ng mga manlalaro at mga fans.

Jimmy Alapag raises hand after winning against Senegal
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14951875378/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sa panghuling laro ni Jimmy Alapag para sa Pilipinas sa international competitions, naipasok niya ang mga crucial free throws sa overtime para manalo ang Pilipinas.

Si Blatche at Jimmy ay parehas na nakakuha ng 18 points at si June Mar Fajardo ay may 15 points.

Pagkatapos ng laro ang coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes ay humarap sa Pilipino crowd na masayang masaya kahit na may luha sa kanyang mga mata.

Wednesday, September 3, 2014

Gilas Pilipinas Lost To Puerto Rico 77-73, Knocked Out Of Tournament

Ang Gilas Pilipinas ay lumaban sa laro nila kontra Puerto Rico pero sila ay natalong muli sa dikit na laban sa iskor na 77-73 sa 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain nitong Miyerkules.

Ang mga Pilipino ay nahirapan kay J.J. Barea na siyang gumawa para sa Puerto Rico.

Gilas Pilipinas Bench
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15105647876/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang six foot guard ng Puerto Rico ay kumalap ng 30 points kumpara sa 25 points ni Andray Blatche.

Si L.A. Tenorio naman ay pambihira ang ipinakita sa larong ito at siya ay gumawa ng 18 points sa 6 of 9 shooting.

Ang Gilas Pilipinas ay hindi na makakapasok pa sa second round dahil sa pagkatalong ito.

Haharapin nila ang Senegal sa Huwebes ng gabi para sa last game nila sa FIBA World Cup.

Tuesday, September 2, 2014

EunB Passes Away At 22, Sojung And RiSe In Critical Condition As Ladies' Code Van Crashed

Ang miyembro ng popular K-Pop group na Ladies' Code na si EunB ay nasawi sa isang car accident. Siya ay 22 years old.

Ladies Code Interview
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/15124296585/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ayon sa report, ang van na sinasakyan ng Ladies' Code kasama ang dalawang hairstylist ay dumulas ang gulong sa basang kalsada bago ito bumangga bandang 1:20 am.



Ang ibang pasahero ng van ay dinala sa St. Vincent's Hospital kung saan ang dalawa pang miyembro ng Ladies' Code na sina Sojung at RiSe ay nasa kritikal na kondisyon.

Jane Oineza And Jeron Teng Go Out On A Date

Paglipas ng mahigit na isang linggo pagkatapos ng kanyang stint sa Pinoy Big Brother, si Jane Oineza ay nagkaroon ng oras para sa kanyang napapabalitang manliligaw na si Jeron Teng.


Sa kanilang mga Instagram accounts, si Jane at Jeron ay nag-share ng kanilang mga picture sa kanilang supposed date.

Jane Oineza and Jeron Teng on a Date
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14936752060/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang naturang date na ito ay katuparan sa isang typical date na inaasam ng basketball star na napabalita ng dating nanliligaw kay Jane bago pa man pumasok sa PBB house ang aktres.

Sa interview ni Jeron sa The Buzz noong Linggo, sinabi niyang nageenjoy siyang kausap at kasama si Jane. Isinaad din niya ang kanyang buong suporta sa dating PBB housemate.

Monday, September 1, 2014

Gilas Pilipinas Fell Short To Ranked Number 3 Argentina, 85-81

Ipinakitang muli ng Gilas Pilipinas ang kanilang puso at tapang kahit na natalo sila sa ranked number 3 na Argentina ng apat na puntos lamang sa iskor na 85-81 sa Group B ng 2014 FIBA Basketball World Cup sa Seville, Spain.



Lamang ng sampung puntos ang Argentina sa pagumpisa ng fourth quarter sa iskor na 71-61 pero humabol ang mga Pilipino sa dalawang sunod na tres ni Jimmy Alapag at layup ni Ranidel De Ocampo para idikit muli ang iskor sa 71-69.

Andray Blatche Philippines Vs Argentina
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/15108272765/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Pero pinigilan ng Argentina ang Rally ng Pilipinas at ibinalik ang kalamangan sa walo sa iskor na 77-69.



Pero ayaw magpatalo ng Pilipinas at dumikit na naman sila sa iskor na 79-76 galing sa tres ni Alapag at dalawang puntos ni Norwood.

Rumesponde muli ang Argentina ng isang tres pero bumawi na naman si Alapag ng isang tres at dalawang puntos naman galing kay Andray Blatche para idikit ang iskor sa 82-81.

Pero na foul si Andres Nocioni at nakashoot ng isang free throw para gawing 83-81 ang iskor.

May pagkakataon pa ang Pilipinas para itabla o lumamang sa laro pero natawagan ng travelling si Jayson Castro at na foul si Nocioni at nakaiskor muli ng dalawang puntos para lumamang at manalo ang Argentina ng apat na puntos sa iskor na 85-81.