Lazada Philippines
Lazada Philippines

Sunday, July 27, 2014

Lyca Gairanod Is 'The Voice Kids' Philippines First Grand Champion

Isang siyam na taong gulang na batang babae na dating nangangalakal ng basura sa Cavite ang pinakaunang nanalo bilang grand champion sa 'The Voice Kids' sa Pilipinas noong Linggo sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.



Si Lyca Gairanod, isa sa mga miyembro ng Team Sarah sa 'Final Showdown' ng naturang kompetisyon ang nanalo pagkatapos niyang makatanggap ng pinakamaraming boto na galing sa publiko.

Lyca Gairanod on The Voice Kids Finale
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14757453195/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang kanyang teammate na si Darren Espanto ang nagwagi bilang 1st runner up at ang miyembro ng Team Bamboo na si Juan Karlos Labajo at miyembro ng Team Lea na si Darlene Vibares ang mga iba pang runners up ng kompetisyon.

Noong Sabado, naimpressed ang mga coaches sa performance ni Lyca sa kanta ni Regine Velasquez na 'Narito Ako'.

Kinanta rin ni Lyca ang 'Call Me Maybe' ni Carla Rae Jepsen.

Samantala, sa results show noong Linggo, nag-perform ang mga guests na sina Lani Misalucha, Martin Nievera, Gary Valenciano at ang bandang Aegis.

0 comments:

Post a Comment