Paolo Bediones Courtesy of Sara Abend https://www.flickr.com/photos/saraabend/ Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14802838971/ License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode |
Ayon sa head ng investigation and intelligence section ng PNP Anti-Cybercrime Group na si Police Chief Inspector Jay Guillermo, hinahanap na nila ang traces ng link ng video para matukoy kung sino ang nag-upload nito sa internet.
RELATED NEWS: Paolo Bediones Sex Video Scandal Spreading Online
Base sa complaint ni Paolo, sinabi ni Guillermo na ang naturang private video ay nakunan limang taon na ang nakakaraan.
Ang video ay laman ng laptop ni Paolo na kanyang ipinaayos sa isang technician ng ito ay masira kamakailan lamang.
Tatlong buwan pagkatapos maayos ang kanyang laptop, nakatanggap si Paolo ng sulat kung saan humihingi ang nagbigay ng sulat ng halaga para hindi niya i-upload ang sex video sa internet.
Sinabi ni Guillermo na hindi daw ito pinansin at sineryoso ni Paolo.
Pero noong nakaraang Linggo, ang sex video ni Paolo ay mabilisang kumalat at naging viral online.
0 comments:
Post a Comment