Lazada Philippines
Lazada Philippines

Tuesday, August 19, 2014

Lyca Gairanod Shows Other Talents Besides Singing And Charms With Wit And Energy

Sa stage, napapaimpress ni Lyca Gairanod ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang pagkanta pero sa mga interview at casual conversations, ang siyam na taong gulang ay napapaimpress ang mga tao sa kakaiba pa niyang galing.



Pagkatapos siyang itanghal na grand champion ng 'The Voice Kids', si Lyca ay naging isang TV darling. Siya ay gumanap na rin sa isang TV show at pinortray ang kanyang kwento sa 'Maalaala Mo Kaya'.

Lyca Gairanod at Resorts World Manila's Fifth Anniversary Festivites
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14974609855/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ngayon siya ay tinawag na 'Little Superstar' at lalabas rin siya sa kanyang unang pelikula na pinagbibidahan ni Vice Ganda, ang 'Praybeyt Benjamin 2'.

Ito ay bukod pa sa kanyang singing career kung saan ang kanyang solo album ay ginagawa na under MCA Universal at isang guesting sa nalalapit na concert ni Lani Misalucha.

Noong Martes, si Lyca ay isa sa mga guests ng fifth anniversary festivities ng Resorts World Manila at kinanta ang kanyang winning song na 'Narito Ako'.

Sa kanyang interview, ipinakita ni Lyca ang kanyang galing at iba pang talent katulad na lang ng pagbi-beatboxing at ang kanyang bagong natutunang modelling skills na nagpatawa sa mga interviewers.

0 comments:

Post a Comment