Lazada Philippines
Lazada Philippines

Thursday, August 14, 2014

Juan Karlos Labajo Revealed He Also Used To Scavenge Junk Like Lyca Gairanod

Hindi man halata pero sinabi ng 'The Voice Kids' finalist na si Juan Karlos Labajo na dati rin siyang nangangalakal katulad ng grand champion na si Lyca Gairanod.

Sa kanyang interview sa 'Tapatan ni Tunying' noong Huwebes, ang labing tatlong taong gulang na singer ay umaming baon pa rin sila sa utang kahit na naging pangatlo siya sa singing competition.

Juan Karlos Labajo on Tapatan ni Tunying
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14735126317/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang batang taga Cebu ay patawa ding sinabing kahit na kokonti ang consolation prize, malaki naman daw ang nabago sa buhay nilang pamilya.

Si Juan Karlos ngayon ay nakatira sa kanyang uncle sa Maynila 'for good' para magpursige sa kanyang career sa musika.

Sinabi din niyang itutuloy pa rin naman din niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng home schooling at ito ang isa sa kanyang mga mithiing matupad sa lahat.

0 comments:

Post a Comment