Lazada Philippines
Lazada Philippines

Wednesday, August 20, 2014

Kathryn Bernardo And Julia Barretto In Good Terms Despite Fans Clashing

Kahit na nagkokontrahan ang kanilang mga fans, ang teen stars na sina Julia Barretto at Kathryn Bernardo ay maayos naman sa isa't isa ayon sa 'Got To Believe' star.


Si Kathryn ay na-interview tungkol sa kanyang relasyon kay Julia sa press conference ng launching ng kanyang pagiging unang celebrity endorser ng Nails by Chic Centre noong Martes.

Kathryn Bernardo and Julia Barretto
Courtesy of Dane Alegana
https://www.flickr.com/photos/danealegana/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/danealegana/14799999797/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Si Julia ay ikinukumpara kay Kathryn ng umusbong ang kanyang primetime series na Mirabella at lalo itong umigting ng siya ay naipareha kay Daniel Padilla bilang ambassadors ng isang soda brand kung saan hindi naging maganda ang dating sa mga fans ni Kathryn.


Pero ayon kay Kathryn, naging close sila ni Julia ng magkatrabaho sila nitong July kasama si Maja Salvador at Erich Gonzales sa isang fashion magazine shoot sa South Africa.

0 comments:

Post a Comment